Kabanata 21.

29.2K 868 31
                                    


THIRD PERSON'S POV:

PUTING KISAME ang bumungad kay Connor nang siya'y magkamalay.

"Hera? Asan si Hera?" Iyon agad ang lumabas sa kanyang bibig habang ang mga nurse ay pinapaklma ito dahil baka mag dugo ang sugat n'ya.

"Mr. Scott huminahon po kayo baka magdugo ang sugat n'yo." Sabi ng isa sa mga nurse.

"Wala akong pakialam! Bring me to my wife!" Sigaw nito na s'yang kinatakot ng mga nurse at nataranta nang s'ya ay tumayo. Pabalang n'yang hinugot ang dextrose sa kanyang kamay at tumalsik pa ang kaunting dugo sa puting bedsheet.

"Get out!" Hawi n'ya sa mga nurse na nakaharang sa kanyang da-daanan. Nang papalapit na ito sa pinto ay bigla na lamang bumukas iyon at ang pinsan n'yang si Irine ang pumasok. Bakas sa mukha ng dalaga ang pagka-gulat nang makita si Connor na papalabas na ng silid.

"Saan ka pu-punta?" Takang tanong ni Irine.

"Asan si Hera?" Wala ng paligoy-ligoy pa na tanong ni Connor.

"Connor wag matigas ang ulo mo. Ang sabi ng doctor ay pwede kang mabinat."

"I don't care! Asan si Hera Irine?" Hindi ito mapakalma at palaging iniisip kung nasaan si Hera.

"Connor please."

"Don't you dare Irine!" Tumaas na ang boses ni Connor at nanlilisik na ang mga mata nito sa kanyang pinsan.

"Asan s'ya?" Muling tanong nito.

"Nasa kabilang silid si Hera." Sagot ni Irine.

"What?" Bakas ang pag ta-taka sa mga mata ni Connor. Hindi na n'ya hinintay pa ang sa-sabihin ni Irine at mabilis na itong lumabas ng kanyang silid. Kaagad na dinala s'ya ng mga paa sa kabilang silid kung nasaan si Hera.

"Hera?" Paos ang boses nito. Ang kanyang mga mata'y nakatitig lamang sa babaeng nakahiga sa kama. Wala itong kamalay-malay hanggang sa makalapit si Connor.

Gulong-gulo ang kanyang pag-iisip. Pa-paanong nakaratay ngayon ang kanyang mahal sa higaan at walang malay? Hinawakan n'ya ang kamay ni Hera at hinalikan ito. Biglang bumukas ang pinto at naroon si Irine. Pa-palapit si Irine sa gawi nila.

"What happened Irine? What happened to my Hera?" Tanong ni Connor.

"I'm very sorry. Naabutan na lang namin s'ya ni Dazon na walang malay at may tama na ng bala sa tiyan." Naluluhang sabi ni Irine. Kaagad namang humigpit ang pagkakakapit ni Connor sa kamay ni Hera.

"Whoever did this to you, they'll pay for this." Biglang bumukas ang pinto at isang doctor ang bumungad. May hawak-hawak itong isang papel na kanina pa n'ya sinusuri. Kaagad na tumayo si Connor at sinalubong ito.

"Anong lagay n'ya? Sabihin mo!" Hinawakan n'ya ito sa kwelyo at nanlaki ang mga mata ni Irine sa gulat.

"Connor calm down. Hindi makakatulong ang init ng ulo mo sa lahat ng bagay!"

"No!" Sigaw ni Connor sa pinsan n'ya. Tumaas naman ang mga kamay ng doctor dahil sa takot kay Connor. Para na kasi itong lion na lalapa ng tao.

"Connor I said calm down you're bleeding!" Sigaw ni Irine nang mag dugo ang tagilirang parte ng katawan ni Connor. Doon pa lamang n'ya binitiwan ang doctor ngunit hindi nito inaalis anh masamang mga titig dito. huminga s'ya ng malalim.

"Anong lagay ni Hera?" Tanong nito sa doctor.

"She's fine. Mabuti at malakas ang kapit ng bata at hindi s'ya nakunan." Parehas nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ng doctor.

"Anong sinabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Connor dito.

"She's 1 month pregnant." Natahimik si Connor hanggang sa makalabas na ang doctor.

Trapped with the Devil ✔ Where stories live. Discover now