Kabanata 6.

29.6K 989 17
                                    


Mae:

"Sumagot ka!" Nanginig ang buong katawan ko ng sigawan ako nito. Napaurong ang dila ko at nanlalamig ang mga palad ko.

Ngunit ang galit sa mukha nito'y nawala ng mapansin niya ang sugat ko sa may bandang likod ng tenga. Nakita rin niya ang ilang mga pasa sa balikat ko ng iangat nito ang uniporme ko.

"Sino? Sinong may gawa sayo nito?" Nagulat ako ng magtanong ito na parang nag aalala hindi pa ako makapag salita ng biglang dumating ang isa sa tauhan nito na duguan na.

"Lord Connor n-napasok tayo ng mga kalaban!" Pagkasabi'y biglang bumulagta ang katawan nito sa sahig ng tadtarin ng mga bala mula sa likuran nito.

Napatakip naman ako saking tenga ng dumating ang ilang mga armadong kalalakihan na may malalaking pangangatawan at may tattoo sakanilang kamay. Halos manlumo ako ng makita ko ang maliit na tattoo na dragon yun ang simbolo ng samahan nila. Samahan ng mga tauhan ni Mr. Bustado.

Nakangisi pa ang mga lalaking ito at pinaputukan kami ng bala. Mabuti na lamang at alerto si Lord Connor at kaagad akong hinila, parehas kaming nahulog sa pool. Hila hila niya ako habang lumalangoy. Kitang kita ang pag ulan ng bala sa loob ng tubig. Mabuti na lang may kalaliman ito kung kaya't nasa may pinaka ilalim kami na parte. Ngunit sa dami ng bala hindi ko inaasahan na tatamaan ako sa balikat. Mabilis na kumalat ang dugo at napansin yun ni Lord Connor habang nasa ilalim kami ng tubig. Halos mawalan nako ng hangin ng yugyugin niya ako para hindi makatulog. Hinawakan niya ang mukha ko at itinapat sa kanya. Napadilat ako ng senyasan niya ako na konting tiis nalang malapit na kami sa kabilang parte ng pool.

Tumango naman ako at patuloy siya sa pag hila sakin para makapunta sa kabila. Pag ahon at pag ahon pa lang ay binuhat niya ako at iniupo sa bench. Dumating ang mga tauhan nito na nakikipag barilan pa sa mga tao ni Mr. Bustado. Hawak hawak ko ang balikat ko habang si Lord Connor ay inaayos ang kanyang baril. Nang sawakas ay matapos ito'y inalalayan niya akong makatayo at dumaan kami sa likod ng mansion. Napakaraming patay na katawan ang nagkalat sa lupa. May nakasalubong pa kaming ilang mga tao ni Mr. Bustado ngunit dinaanan lang niya lang ito gamit ang baril. Puros head shot lahat. Lahat lahat ng dadaanan namin.

Tumutulo na ang aking dugo. Maraming dugo ang pakiramdam ko'y nawala sakin hanggang sa bigla na lang bumagsak ang katawan ko sa lupa. Hilong hilo ako ng marinig ko pa ang boses niya.

"Mae!" Ramdam ko ang mahinang pag tapik niya sa pisnge ko.

"Wag kang mamamatay!" Galit na sabi nito pero biglang nandilim ang paningin ko at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyare.

...

Nagising ako sa isang silid. Naramdaman ko ang basang tela na pinapahid saking braso't kamay. Napalingon ako sa gumagawa nito. Si Emily.

"Nako Mae mabuti gising kana pinag aalala mo ako." Sabi nito ng makitang nakadilat ako. Nakabandage na ang balikat ko. Hindi ko gaanong maigalaw ang kanang braso ko dahil masakit pa ito. Pipilitin ko na sanang tumayo ng may magsalita.

"Wag mong pilitin." Nagulat ako ng pag lingon ko sa kaliwa'y nandun siya. Naka dekwatrong upo habang seryoso lang na nanonood sakin.

"Iwan mo na kami." Sabi nito kay Emily. Napayuko naman si Emily bago nilisan ang silid. Sa pag alis ni Emily, katahimikan lamang ang namayani saming dalawa. Tumayo na ito at naglakad papunta sakin. Nakapamulsa lang ito at seryoso paring nakatitig.

Maya maya'y naupo na ito sa gilid ko. Tinitigan niya ang kabuohan ng itsura ko. Mula sa mukha padako sa leeg at balikat. Nakaramdam ako ng ilang ng mapansin kong nakatapis lang ako ng puting kumot.

"Sino kaba talaga?" Tanong niya. Nagsimulang mangatog muli ang katawan ko ng dumako ang mga daliri nito saking balat. Hinaplos niya ang mga pasa't sugat na natamo ko. Oo natamo ko ito ng pahirapan ako ni Mr. Bustado at ipabugbog sa mga tauhan nito ng minsa'y tumakas ako. Hindi pa naaayos ang mukha ko ng mga oras na yon. Ikinulong lang nila ako dahil sa kaibigan kong si Farra at doon na nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko. Hanggang sa mapagdesisyunang gamitin ako para gawing espiya. Nakasalalay saakin ang buhay ng Inay kaya't pumayag ako kahit na labag sa loob ko.

Naalala ko pa, ang pambubogbog, pag kuryente sakin maging ang hindi pag papakain saakin ng ilang araw. Yan ang ginawa sakin noon ng mga tauhan ni Mr. Bustado.

Napukaw muli ang atensiyon ko ng hawakan niya ang mga pasa ko. Napa layo ako ng kaunti kahit pa masakit ang balikat ko. Pare-pareho lamang sila. Mga sindikato. Mga walang awa at mga walang puso.

Tinigil din nito ang ginagawa at napalitan muli ang kanyang mukha ng blankong ekspresiyon. Tumayo na ito at tinanggal ang salamin. May mga dokumentaryo siyang binabasa kanina. Nagulat ako ng ilapag niya sa mesa ang mga dokumento. Dokumento na tungkol lahat sa pagkatao ko.

"Sa tingin mo ba mabibilog mo ang ulo ko?" Walang emosiyong sabi niya. Nanlaki ang aking mga mata dahil nandon ang totoong mukha ko. Ako na si Hera. Hera Espiritu at hindi Mae Espinoza ang totoong pangalan ko. Nakapaskil doon ang totoong itsura ko. Si Hera na mahinhin, si Hera na maayos pa ang mukha, si Hera na hindi naman ganito kagandahan. Si Hera na simpleng tao lang. Ako na si Hera.

"Hera." Banggit lang niya sa pangalan ko. Napatingin ako sakanya. Napailing iling lang ito.

"Hera." Sabi muli nito habang napapailing parin. Mukhang nadismaya siya na hindi ko talaga kamukha ang asawa niya. Ang asawa niya na si Barbara. Hindi ko alam ngunit sa paglisan niya habang ako'y mag-isa na lamang sa silid na malamig, silid na madilim. Hindi ko alam kung bakit nagsimula na akong makaramdam ng kirot saking puso.

Trapped with the Devil ✔ Where stories live. Discover now