Epilogue:

40.1K 1.1K 137
                                    

"BOSS natunton na po namin kung saan sila nag lulungga." Sabi ng isa sa mga tauhan ni Connor. Kasaluluyan itong nasa opisina n'ya at dala-dala ang suha para kay Hera na naglilihi.

"Good. Alam mo na ang gagawin n'yo." At pinatay na nito ang tawag. Inilapag n'ya ang pinamiling suha sa mesa at napahilot sa kanya sentido. Kinapa n'ya ang maliit na kahon na nakalagay sa bulsa ng suot na polo at nang huhugutin na n'ya ito'y bigla naman ang pagbukas ng pinto at si Hera ang iniluwa nito.

"Connor bakit wala pa ang suha at bagoong?" Ani nito na nakasimangot. Napakamot naman sa ulo si Connor. Saan s'ya bibili ng bagoong?

"Ano'ng gagawin mo sa bagoong Hera?" Kunot noong tanong nito.

"Isasawsaw ko 'yung suha sa bagoong. Nagagalit ka ba sa 'kin Connor? Bakit hindi mo na ba ako mahal dahil balyena na ako?!" Emosyonal na sabi nito.

"Hera nagtatanong lang ako." Ani ni Connor nang biglang umiyak si Hera. Napaka emosyonal talaga ng dalaga.

"Hindi mo na ako mahal. Nagagalit ka nanaman sa 'kin. Porket isasawsaw ko ang suha mo sa bagoong! Ang damot mo Connor!"

"Hera ano'ng sinasabi mo?" Kaagad namang pumasok nang walang pasabi si Victor.

"B-Boss."

"Victor ano'ng sinabi ko sa 'yo noon? H'wag kang basta-bastang papasok! Ibili mo si Hera ng bagoong."

"P-Po?"

"Bingi ka ba Victor?!" Galit na bulyaw ni Connor.

"Ibili mo na rin ako ng baril Victor." Nakasimangot na saad ni Hera.

"Hera ano'ng gagawin mo sa baril?" Kunot noo namang tanong ni Connor.

"Ibili mo ako ng baril Victor at magpapakamatay ako! Tutal ayaw na sa 'kin ng boss mo dahil isasawsaw ko ang suha n'ya sa bagoong!"

Nanlaki naman ang mga mata ni Victor.

"Sige subukan mong sundin 'yan Victor. Ikaw ang papaulanan ko ng bala." Ani naman ni Connor. Napakamot na lamang ito sa ulo at naguguluhan sa dalawa.

"Hera ano bang pinagsasabi mo? Ayos lang kahit isawsaw mo ang suha ko sa bagoong." At kinuha nito ang suha na pinamili.

"Victor bumili ka na ng bagoong!" Galit na bulyaw ni Connor sa tauhan.

"B-Boss hindi ko po alam saan makaka-"

"Mayayari ako kay Hera kapag hindi ka nakabili. At makakatikim ka talata sa 'kin pag nagkataon!" Kunot noo nanaman ang binata.

"Nagagalit ka ba Connor?" Naluluha ang mga mata ni Hera.

"No baby hindi ako magagalit sa 'yo." Bigla namang umamo si Connor na parang tupa.

"E bakit pati si Victor pinagagalitan mo ha? Kung ayaw mo galit na kami ni baby sa 'yo. Hindi mo sinusunod ang gusto ni baby!" Naiiyak muli ito.

"Shhh… sino'ng nag sabi sa 'yo n'yan? Nagkakamali ka Hera."

Lumapit ito para punasan ang mga luha ng dalaga. Sinenyasan narin n'ya si Victor na lumayas sa harapan nila habang yakap-yakap n'ya si Hera.

Nang sila na lamang ang naiwan ay humupa na rin ang luha ni Hera.

"Gusto ko ng bagoong ngayon. Nanghihina ako pag walang bagoong ang suha." Nakangusong sabi nito.

"Shhh bibili na si Victor. Wag ka na malungkot okay?" Inaamo nito ang dalaga.

"Gusto ko ngayon na. Gusto na ni baby ang suha at bagoong." Pamimilit ni Hera. Dahil sa tagal ni Victor ay napamura si Connor ng mahina ngunit hindi naman sinasadyang marinig pa 'yon ni Hera.

Trapped with the Devil ✔ Where stories live. Discover now