Kabanata 13.

29.8K 960 30
                                    


Hawak hawak ko lang si Mingming, yun ang ipinangalan ko sa pusa. Babae ito kaya babagay sakanya ang pangalang yon. Napansin kong gustong gusto niyang lumapit kay Connor ngayon. Ngayon na nakaupo kami malapit sa demonyo. Nakakunot lamang ang noo ni Connor habang nakikipag titigan sa pusa. Nagwawagay-way naman sa tuwa ang buntot ni Mingming sa demonyo.





"Connor ayaw mo bang buhatin?" Hindi ko na mapigilang tanong. Simula kasi kahapon ng ampunin ko to'y hindi na nakakalapit sakin si Connor. Naging mas okay pa nga yon kesa naman maulit yung gabing pinipilit niya ang gusto niya. Ang mahalin ko siya.





"Tsk ilayo mo sakin yan." Nakasimangot na sabi ni Connor.




"Meow." Sagot ng pusa at hindi ko na muling napigilan ang pagtawa ko.





"Anong nakakatawa Hera?" Iritable nanamang saad nito. Kung totoong demonyo lang ito malamang mahaba nanaman ang sungay niya. Palaging nakakunot ang noo kay Mingming na naaaliw sakanya dahil sa pag wagayway ng buntot.





"Wala, ang cute mo kasi. Takot ka pala sa pusa." Natatawang sabi ko dahilan para paningkitan niya ako ng mata.





"Sinong nagsabing takot ako sa pusa? Akin na yan." Aba naglakas loob pang kunin ang pusa. Hindi naman siya nahirapan dahil tumalon papunta sakanya si Mingming. Nanlaki ang mga mata ni Connor ng nasa lap na niya ang pusa at inihihilig ang ulo sa kamay niya. Ay mali, sa nanginginig niyang kamay. Duon ko lang nakitang pinagpawisan nanaman ito at napapalunok habang nakatingin sa pusa.





"See? Hindi ako takot. So stop staring me like that Hera." Inis na sabi sakin ni Connor. Napailing ako habang napapangiti. Hindi ko alam kung bakit ngiting ngiti ako sakanya. Para kasing nang dahil sa pusa'y naging mabait ang demonyo. Parang ibang Connor ang nasa harap ko ngayon.





"Ako ng bahala." Sumulpot bigla ang seryosong si Dazon ang kanang kamay ni Connor at kinuha na ang pusa. Mahilig ata sa pusa si Dazon dahil mabilis niyang napaamo si Mingming. Niluwagan muli ni Connor ang kanyang neck tie. Nahalata kong namumula ang magkabilang pisnge nito at ang tenga. Kinakapos ata siya sa pag hinga?





"Connor? Anong problema?" Tanong ko.





"Lord inumin niyo na ang gamot niyo." Saad ni Dazon at iniabot sakanya ang isang bote ng gamot. "For Allergy"





"Allergy ka sa pusa?" Tanong ko ng mainom na ni Connor ang isang tableta kasabay ng paglagok ng tubig.





"Ahhh!" napasigaw ito na parang naiirita. Hinubad ng tuluyan ang buong pang itaas at tumambad sakin ang namumulang katawan nito na maraming tattoo.





"Kaya ayaw niya ng pusa Hera. Allergy si Lord sa pusa." Sabi ni Dazon at isinama na muna si Mingming tsaka umalis. Hindi padin nagsasalita si Connor ngunit mabilis namang naagapan ang kanyang allergy dahil humuhupa na ang pamamantal nito sa katawan.





"S-sorry. Hindi ko alam na allergy ka sa pusa." Hindi ko namalayang napahawak na pala ako sa kamay nito na siyang ikinagulat niya.





"Okay." Walang emosiyong sabi nito.






"Sorry talaga Connor kasalanan ko." Seryosong paghingi ko ng patawad.





"Okay." Supladong sabi muli nito na nakakunot ang noo.





"Ilalayo ko nalang sayo si Mingming baka maulit kasi ulit to." Sabi ko.





"Okay." Nakasimangot na sabi nito. Halata ang pagkairita niya. Wala na siyang naisagot kundi 'OKAY' siguro'y inis na inis na ito ngayon sakin. Nanahimik naman ako dahil dun. Ayokong galitin ang demonyo dahil alam kong hindi ko magugustuhan.





"Hera." Basag nito sa katahimikan. Napalingon naman ako sakanya at nailang ako dahil sa hubad niyang pang itaas. Matipuno at talaga namang maganda ang pangangatawan niya. Nakakasilaw kumbaga kung tititigan ko pa. Kaya't hindi ko kaya.





"Bakit?" Sabi ko habang nakayuko.





"Napag isipan mo na ba?" Sumeryoso pa ng husto ang mukha nito.





"H-huh?" Natameme nanaman ako sa tanong niya. Talagang seryoso siya? Gusto ba niyang may mamagitan saming dalawa?





"Never mind." Walang emosiyong sabi nito tsaka tumayo. Hindi ko naman napigilan at hinawakan ko ang kamay niya. Sa gulat nito'y napatingin siya sa kinauupuan ko.





"Hindi ka mahirap mahalin Connor." Sabi ko habang nakatitig sa kamay niya. Hinawakan naman niya ng mahigpit ang kamay ko na siyang ikinagulat ko. Kumabog ng husto ang puso ko. Bakit ba ganito? Nababaliw na ata ako. Bigla bigla na lang kasing kakabog ng ganito to kapag ganto ang eksena naming dalawa ni Connor.





Pero hindi nawawaglit sa isipan ko ang pangangamba. Pangangamba na baka kaya siya ganito'y dahil mukha lamang ni Barbara ang nakikita niya sakin.





"I love you Hera." Parang huminto ang mundo ko sa sinabi niya. Nanigas ang buong katawan ko ng unti-unti siyang bumaba ng upo para magpantay kaming dalawa. Ini-angat niya ang baba ko para magtama ang mga mata namin.





"I said I love you." Seryosong sabi nito. Totoo ba? Totoo ba na ang demonyo'y marunong mag mahal? O baka nama'y- naputol ang agam agam ko ng magsalita muli ito.





"No more buts. I said I love you." Nakakunot nanaman ang noo nito sa pagka irita. Naiirita ba siya dahil hindi ako nagsasalita? Pero parang traydor ang katawan ko dahil hinila ko si Connor para maglapat ang aming mga labi.





Nanlaki ang mga mata nito sa pagkagulat. Ngunit hindi nagtagal ay natagpuan nalang namin ang sarili namin dito sa kanyang silid na hubo't hubad habang patuloy lang sa paghahalikan.





"Hera." Bulong niya sa pangalan ko. Nagpakawala kami ng malalalim na hangin bago muling nilasap ang bawat isa. Binuhat niya ako at isinandal sa pader, napakapit ako sa batok niya habang naka krus ang dalawang hita ko sa bewang niya. Walang gustong pumutol sa halik na yon hanggang sa bumaba ang mga halik nito saking leeg papunta sa dalawang dibdib ko.





"Ahhh Connor." Nagpakawala ako ng ungol habang binabanggit ang pangalan niya. Ramdam ko ang pagsip-sip nito saking balat at pinadaanan ng mainit na dila.





..-..

Nagising ako at natagpuan ko ang sarili na nakahubo't hubad. Ramdam ko ang pananakit ng ibabang parte ko. Mabigat ang kanang bahagi ng bewang ko dahil nakapatong pala ang braso ni Connor na nakayakap sakin habang ako'y nakatalikod sakanya. Tulog pa ito.





Dahan dahan ko namang tinanggal ang kanyang kamay at napatitig sa konting dugong nag mansiya mismo sa puting tela. Napangiti ako, hindi ako nagsisisi. Nakangiti akong pinagmasdan si Connor na tulog padin at maamo ang mukha. Maaliwalas na ito. Payapa at walang hinanakit. Natanggal bigla sa kanyang awra ang dilim.





Sinikap kong wag na siyang gisingin. Nag dali dali ako sa banyo ng kanyang silid para umihi. Pag upo ko sa inidoro'y ramdam ko ang hapdi. Napangiti ako na parang nababaliw.





"Ganap ka ng babae Hera." Bulong ko sa sarili.





Pinamulahan ako ng mukha at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang repleksiyon ko sa malaking salamin. Ang hubad kong katawan, ang hubad kong katawan na tadtad ng mga kiss mark. Mga halik ni Connor na bumakat sa maputi kong balat.





Napahawak ako sa magkabilang pisnge ko. Talagang ginawa namin yon? Tanong ko sa sarili ko habang sinusuri ang katawan ko na akala mo'y nabugbog dahil sa mga marka na gawa ni Connor. Gawa ng mga halik ng demonyo.





Napangiti ako, demonyo? Hindi. Hindi siya demonyo. Pero kung yun ang tingin ng lahat sakanya, hindi parin magbabago ang nararamdaman ko sa demonyong yon.





Dahil mahal ko si Connor kahit na siya ay binansagang DEMONYO.

Trapped with the Devil ✔ Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang