Kabanata 20.

27.8K 958 100
                                    


HERA:

"OH OW ano namang nakain no'n at kay aga aga nagsisisigaw?"

"Hayaan mo siya." Sagot ko kay Irine at naupo. Tumayo naman si Dazon at umakyat ng hagdan. Ang mga katulong ay nagsilabasan nang magsimula ng mag wala si Connor. Bahala siyang mag wala mas naiinis lang ako sa kanya.

"Hera girl mag salita ka nga anong nangyare sa pinsan ko? Tignan mo sinasaniban nanaman ni Satanas." Hindi pa ako nag sasalita nang bigla namang dating ni Victor ang tauhan ni Connor.

"M-mam I-rine si boss?" Nauutal pa rin ito walang pinag bago.

"Hay nako Victor tigilan mo muna ako. Ituwid mo muna 'yang dila mo bago mo ako kausapin. Ako itong nahihirapan sa'yo e." Napakamot ulo naman si Victor nang bumaba na ang nakasimangot na si Connor kasunod si Dazon.

"Umalis ka sa harapan ko Victor baka mapatay kita ng maaga." Bakas ang galit ni Connor at hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan ang pag tawa kaya't tumalikod ako.

"Bakit ba ang init nanaman ng ulo mo?" Tanong ng pinsan niya na si Irine.

"Wala kang pake." Sobrang sungit niya ngayon hanggang sa lumabas si Mingming at biglang nag lambing sa paanan ni Connor. Halos tumaas lalo ang dugo nito nang makita ang pusa na nakadikit na sa kanya.

"Dazon do something!" Allergy talaga si Connor kay Mingming. Kinuha naman ito ni Dazon at lumayo ng kaunti si Connor na namumula na. Tila tumaas ang dugo at tinakasan na rin ng kaluluwa sa labis na takot niya.

Tumawa naman si Irine at kinuha si Mingming. Hinaplos nito ang puting balahibo at itinapat kay Connor. Napakabully talaga ni Irine kaya't naaalibadbaran na sa kanya si Connor.

HINDI kami nakapag usap ni Connor. Umiwas ako dahil naiinis parin ako hanggang ngayon. Hinihintay kong maalala niya ang ginawa kagabi at magtapat sa akin. Bakit naman siya nag lasing at nag sama pa ng babae?

Nasa tabing pool kami ni Mingming kasama si Irine. Nanonood lamang ako dito habang nag su-swimming. May meeting naman si Connor sa opisina niya dito sa mansion at hindi ko alam ang pinag uusapan nila. Mas mabuti na rin 'yon para hindi ko nakikita ang mukha niya.

Nagdala naman ng juice ang isa sa mga kasambahay. Nakangiti akong tinanggap ito at inilapag sa table na nasa gilid ko.

"Hera ayaw mo akong samahan dito?"

"Ikaw na lang Irine dito na lang ako." Nakangiting sagot ko. Tumalon naman si Mingming at umalis. Maya maya lang ay nakadinig na kami ng putukan.

Napasigaw ang mga tao sa loob at natigilan ako dahil sa gulat. Kaagad akong hinila ni Irine nang biglang maglaulan ng bala sa gawi ko. Parehas kaming lumubog sa tubig habang pinapaulanan ng bala.

Makikita mo ang isa isa pag-landing ng mga bala sa loob mismo ng tubig. Biglang nawala ito at hinila ako ni Irine para makaahon. Nagkakagulo sa loob ng mansion!

"Damn!" Mura ni Irine at mabilis kaming tumakbo pabalik sa loob ng hindi napapansin. Puro mga armadong kalalakihan ito na nakasuot ng mask sa mukha.

Hinila ako nito paakyat ng hagdan habang tumutulo ang mga tubig saming katawan.

Nang matunton ang kanyang pakay ay kaagad kaming pumasok sa silid at isinara ito.

"Irine." Yakap ko ang sarili at nanginginig sa takot. Hindi ito nagsalita at sa halip ay may pinindot na button mula sa kanyang cabinet at gumalaw ng kusa ito.

Tumambad sa harapan namin ang isang lagusan na ngayon ko pa lamang nakita.

"Tara na Hera nag aantay na sila sa loob." Pinauna niya akong makapasok hanggang sa sumara ng tuluyan ang cabinet. Nadinig ko ang tinig ni Mingming at alam kong naroon lang ito. Isang makipot na daan ang aming tinahak hanggang sa isang kuwarto na yari sa makapal na metal ang bumungad sa amin. Naroon nga si Mingming at nakatayo sa metal na mesa. Kaagad namang pinindot ni Irine ang isa pang button at kusang bumukas ang isang pinto na punong puno ng mga baril.

Trapped with the Devil ✔ Where stories live. Discover now