Kabanata 15.

28.6K 985 30
                                    

Hera:

"M-Mag magpapaliwanag ako." Napaluhod ako sa panghihina ng aking mga tuhod.

"Wala akong awa." Madilim ang awra nito. Malalim ang boses nito. Itinutok niya sa ulo ko ang malamig na bagay na yon. Ang kanyang baril. Ipinikit ko ang aking mga mata. Pinatay ni Dazon si Farra at gumagapang patungo sakin ang dugo nito.

Utos, yun ay ang utos ni Connor. Utos nito na patayin ng walang alinlangan si Farra.

Nanginginig ang aking kalamnan. Nanginginig ang mga tuhod sa takot.

"Ngayon sagutin mo ako. Ano ang koneksiyon mo kay Zyron Pareda!" Sigaw nito sakin. Nagsimulang tumulo ang aking mga luha.

"Wag mo akong iyakan Hera. Hindi ako marunong maawa." Malalim na pagkakasabi nito na may ngising demonyo sa labi. Nagmistulang demonyo nanaman siya saking paningin.

"Gusto mo pa bang mag laro tayo?" Sabi nito na siyang ikinailing ko bilang pag tutol.

Yumuko ito upang mag pantay kaming dalawa. Hindi parin niya tinantanggal ang pagkakatutok sakin ng baril.

"Who's that fucking man to you!" Nanggagalaiti na ito sa galit. Ang mata'y nanlilisik na sakin at hindi mo ito kakikitaan ng anumang awa sa mukha.

"Da-Dati ko siyang nobyo." Sabi ko. Oo nobyo ko noon si Zyron. Hindi ito ipinanganak na mayamang tao. Parehas lamang kaming simple lang ang gusto sa buhay. Ngunit bago ang lahat, bago ang trahedya na nangyare sakin ay nakipagkalas ito at sakin at kaagad na nagpakasal sa anak ng konsehal ang pinaka mayaman sa aming probinsiya.

Ikinasal sila sa araw mismo ng aming anibersaryo. Parang biniyak ang puso ko at dinurog ito ng pinong pino. Naganap ang trahedya ng gabing ding iyon. Nasira ang mukha ko dahil sa sunog na naganap saming bahay. Mabuti na lamang at wala ang inay at hindi ito napahamak.

Ang kasal din ni Zyron at ang anak ng konsehal na nagngangalang Divina ay ang huling beses kong nakita ito. Hindi na siya muli pang nagparamdam sakin at tuluyan na akong kinalimutan.

....

"Anong sinabi mo?" Nag bago ang ekpresiyon nito ngayon. Ng bitawan ko ang katagang yo'y hindi na muli ito nakitaan ng pagngisi sa mga labi. Mas lalo pang dumilim ang kanyang awra at alam kong anumang oras ay kaya niyang wakasan ang buhay ko. Nagulat ako ng tahimik niyang binaba ang baril mula sa ulo ko at yumuko ito.

Magkatapatan lamang kami. Nakatapat siya sakin habang walang emosiyong nakayuko.

Kitang kita ko ang panginginig sa galit ng tumingin ako sakanyang balikat pababa sa kamao nito. Galit na galit ang isang Connor ngayon. Hindi ko na siya kaya pang pigilan. Hindi ko kaya dahil wala namang makakapigil sakanya.

"Dazon." Tawag nito sa kanyang assassin. Hindi parin ito nag aangat ng kanyang ulo at nanatili lang sa ganong kalagayan.

Lumapit sakanya si Dazon at yumuko.

"Kill her." Sabi ni Connor at ako ang kanyang tinutukoy. Mas lalo akong nakaramdam ng takot dahil alam kong hanggang dito nalang.

Tumayo si Connor at walang ingay na bumalik sakanyang swivel chair. Nag angat ito ng mukha at ang mga mata nami'y nagtama.

"Dazon. Use my last bullet." Sabi nito habang nakatingin sakin at iniangat ang baril upang iabot sa kanyang assassin.

Huminto ang mundo ko ng tanggapin yon ni Dazon at pumunta sa aking harapan. Itinutok niya sakin ang baril. Malapit saking mukha.

"I'm sorry trabaho lang." Mahinang sambit sakin ni Dazon. Napapikit na ako upang tanggapin ang aking kamatayan. Ang luha ko'y natuyo nalang saking magkabilang pisnge at wala na akong maiiyak sa labis na takot.

Narinig ko ang papalapit na pag pihit nito sa baril.

Halos mawalan ako ng malay ng mga oras na yon. Nadinig ko ang pag pihit ng trigger. Tumunog ito. Napadilat ako sa hindi malamang dahilan. Napatingin ako kay Dazon na napakunot noong nakatingin sa baril. Inulit niya ang pag pihit at binaril ako ngunit walang lumabas na bala.

"That's enough." Sabi ni Connor. Nagulat ako ng nasa kamay pala nito ang bala at pinaglalaruan. Seryoso lamang na nakatingin sakin habang nilalaro ang bala sa kanyang mga kamay.

"Anong pakiramdam Hera nakakatakot ba?" Tanong nito sakin. Duo'y naging normal ang aking mga luha. Nagsimulang mag init ang mga mata ko at tumulo na isa isa ang mga luha ko.

"Wala akong awa Hera. Ipi-nanganak akong demonyo." Sabi nito at nagpakawala ng buntong hininga.

Tumayo na ito at inayos ang kanyang suot na suit. Sinuot ang salamin sa mata. Salamin na ginagamit niya sa pagbabasa. Muli itong humarap sakin.

"Clean that mess." Utos nito kay Dazon at ang kanyang tinutukoy ay ang patay na katawan ni Farra.

"You. Come with me." Walang emosiyong sabi nito tsaka tinahak ang silid palabas. Sumunod ako sakanya sa takot narin. Ibang iba na si Connor dahil bumalik ito sa dating siya. Nagsiyukuan lahat ng mga kasambahay na aming nadadaanan. Pag akyat nami'y kaagad kaming pumasok muli sa kanyang silid.

Bumukas ang kanyang awtomatikong aparador at bumungad sakin ang sandamakmak na kagamitan sa pagtatalik. Hindi ko pa alam ang ilang mga bagay na yon ngunit napukaw ng atensiyon ko ang lubid at pati narin ang iba't ibang posas.

Nagulat ako ng piringan niya ako bigla at bumulong sakin.

"Claim your punishment." Napahinga ako ng malalim ng dilaan niya ako saking tenga pababa saking leeg. Nagulat ako ng buhatin niya ko at walang ingat na ibinagsak sa malambot na kama.

"Connor nasasaktan ako." Sabi ko ng hilahin niya ang magkabilang kamay ko at narinig kong pinosasan niya ito. Wala akong magawa. Nakaposas ang dalawang kamay ko sa magkabilang sulok ng kama.

Dumagan siya sakin at wala itong naririnig. Kaagad niya akong hinalikan ng marahas at nanlaban ako sa sakit.

"Hmmm t-tama na nasasaktan ako." Sabi ko. Nalasahan ko ang dugo. Nalasahan ko ang dugo dahil sa marahas na pag halik niya. Ngunit mag makaawa man ako'y wala siyang naririnig at kaagad na pinunit ang kasuotan ko.

"Tama na. Tama na!" Nagsisisigaw na ako ng makaramdam ako ng marahas na sampal mula sakanya. Sa lakas na yon ay nanghina ako at nahilo.

"Mas lalo mo lang akong ginagalit." Bulong niya sakin habang marahas na hawak hawak ang mukha ko." Napapikit ako sa sakit. Walang anumang pag iingat ang lahat ng kanyang ginagawa. Tahimik lang akong humihikbi ng tumigil ito. Tinaggal niya ang nakapiring sa mga mata ko at naupo sa gilid ng kama.

Hubo't hubad na ako habang patuloy lamang sa pag hikbi. Napayuko naman ito at napahilamos sa kanyang mukha. Ang galit ay halatang pinipigilan niya.

Hindi na ito nagsalita at kinalas ang mga kamay ko na nakaposas. Wala itong anumang reaksiyon. Tahimik lamang na nakaupo saking gilid. Napatalikod naman ako sakanya at patuloy na humihikbi. Masama ang loob ko sa pambabastos niya sakin ngunit ano bang karapatan ko? Binabayaran lang naman niya ako.

Naramdaman ko ang pag lubog ng kama at ang kamay nito na yumakap saking tiyan. Idinikit saking tenga ang kanyang bibig at naramdaman ko ang mainit na hangin na nagmumula roon.

"I'm sorry Hera. I'm sorry." Mas lalo akong naiyak sa paghingi nito ng patawad. Niyakap niya ako at isiniksik ang mukha saking leeg. Naramdaman ko ang sunod sunod na paghinga nito ng malalim kasabay non ang paiyak na tahimik.

Napahinto ako dahil dun.

Pinakiramdaman ko lang ito. Pinakinggan ko lang at tama ang naririnig ko.

Tahimik na lumuluha si Connor. Lumuha ang isang demonyo.

Trapped with the Devil ✔ Where stories live. Discover now