Kabanata 18.

28.1K 951 99
                                    


Hera:

Kulay puting kisame ang bumungad sakin ng idilat ko ang aking mga mata.

"Hmmm." Ungol ko ng makaramdam ng kaunting sakit.

Napahawak ako saking mukha at nakabenda ito. Lumingon ako sa paligid para ialala kung ano ba ang nangyare.

Ngayon ang araw ng operasiyon ko at tinurukan ako ng pampatulog. Nagising na lamang ako na may benda na ang aking mukha. Napalingon ako sa gawing kanan at nakita ko si Connor na mahimbing na natutulog. Bakas dito ang pagod at tila hindi makatulog ng maayos dahil sa itim nito sa ilalim ng kanyang mga mata.

Kailangan kong mag banyo kaya dahan dahan naman akong tumayo ng hindi sinasadyang patanggal ang swero ko.

"Aray!" Daing ko at kumalat ang kaunting dugo na nang-gagaling saking kamay. Napabalikwas naman si Connor ng tayo sa pagkagulat.

"Hera!" Dali dali itong lumapit sakin at napakunot ang kanyang noo na may halong pag alala ng makita ang mga patak ng dugo na galing saking swero.

"Mag ingat ka nga." Inis na sabi nito tsaka pinindot ang white button para tumawag ng doctor or nurse.

Kaagad namang may dumating na doctor at inalalayan akong maupo saking kama.

May katandaan na ang doctor na to at mabait.

"Hija mag iingat ka." Sabi nito ng sa kabilang kamay naman ako tinurukan ng swero dahil sa pamamaga ng kanang kamay ko.

"Ayan tapos na magpapadala nalang ako ng janitor para maipalinis ang kalat." Ngiting sabi nito sakin. Minonitor narin niya ako pati ang mukha ko na pakiramdam ko'y namamanhid pa.

"Aabot ng dalawang buwan ang proseso sa pag hilom ng mga sugat. Bumalik kayo sa katapusan para tanggalin na ang tahi." Paliwanag nito sakin. Nilista nadin niya ang mga antibiotics na ka-kailanganin ko daw inumin para sa mabilisang pag hilom ng mga sugat.

"Salamat doc." Sabi ko. Ngumiti lang ito at inayos na ang mga gamit tsaka lumabas. Napahinga naman ako ng malalim. Naramdaman ko yung kaba dahil sa labis na kasabikan sa pagbabalik ng dating ako. Naramdaman ko naman ang pag upo ni Connor sa gilid ko at hinagip nito kaunti ang bewang ko tsaka ako niyakap.

Hindi siya nagsasalita ngayon at niyakap lang ako nito ng biglang may kumatok at tuluyang pumasok.

"Good evening iche-check ko lang po ang bp at papainumin ko lang ng gamot si Mam." Sabi ng isang babaeng nurse na balot na balot ang mukha.

Napakunot noo si Connor dahil kakainom ko lang ng gamot kanina.

Lumapit sakin ang babae at akmang may ituturok na sakin ng mapasigaw ito sa daing dahil sa malakas na pagkakakapit ni Connor sa braso niya.

"Connor anong ginagawa mo!" Nataranta ako.

"Sino ka?" Malalim na tanong dito kay Connor ng mabitawan ng babaeng nurse ang injection.

"N-Nasasaktan po ako." Sabi nito at mangiyak ngiyak na.

"Sabi ko sino ka!" Galit na sigaw ni Connor at naglabas na ito ng baril.

"Connor anong ginagawa mo! Tigilan mo na yan!" Nataranta akong lumapit sa gawi nila ng biglang dumating si Irine.

Naabutan niya kami sa ganong eksena at bigla na lamang tinulak ng babae si Connor at tumakbo ng mabilis palabas ng silid.

Natulala kami sa nangyare.

"S-Sino yun?" Takang tanong ni Irine.

"Dazon! Tawagin mo si Dazon!" Galit na galit na utos ni Connor sa pinsan nito.

Trapped with the Devil ✔ Where stories live. Discover now