CHAPTER 3

352 18 1
                                    

"What took you so long, Alia Hidalgo? Pinapaghintay mo lang naman ang pinuno ng Demoncrest Hunters. Hindi ito magandang senyales sa paningin ng mga matatandang miyembro ng ating mga kalahi," pasimpleng sabi sa kanya ni Nicandros habang iniaabot ang sariling kamay upang alalayan siya.

Umismid lang si Alia. Ipinahalatang hindi mahalaga sa kanya ang opinyon ni Nicandros o ng sino man sa mga panauhin. "I'm here already. So, ano pa'ng inirereklamo mo?" pagtataray niya habang naglalakad patungo sa marangyang upuan na nakalaan sa kanilang dalawa ni Nicandros. Sinadya niyang hindi abutin ang nakalahad na palad ng lalaki.

Nicandros shook his head. "You haven't changed yet, Alia Hidalgo. You will become my 'luna' in few hours, pero ganyan pa rin ang attitude mo sa akin."

"You know how much I hate this marriage, Nicandros. Ang magpakasal sa lalaking pumatay sa mga magulang ko ang kahuli-hulihang bagay na gagawin ko."

"Nasasabi mo lang iyan ngayon. Pero sa oras na makasal na tayo, you have to submit to me as my wife. Susundin mo ang lahat ng nais ko kabilang na doon ang pagganap mo nang bago mong katungkulan bilang reyna ng dalawang angkan na pagsasanibin ng matrimonya ng ating kasal. At higit sa lahat..." sadyang ibinitin ni Nicandros ang sunod na sasabihin. "You will bear my children. A new breed of stronger and more powerful werewolves."

Naniningkit ang mga matang hinarap ni Alia ang lalaki. "I thought I already made clear to you the reasons why I will marry you, Nicandros. Politics, power and territory. Those are the only reasons why we are here now. Huwag kang mangarap ng submission mula sa akin. At lalong-lalo na ng mga anak. Isa man sa mga iyon ay wala kang mapapala sa akin."

"Tell that to me again after the ceremony, Alia," may pagbabanta sa tinig ni Nicandros.

"Huwag mo akong takutin. Baka nakakalimutan mo na ako si Alia Ilustrisimo Hidalgo. Hindi pa isinisilang ang makatatalo sa akin. I can't be defeated. Kahit pa isang alpha." May diin sa huling pangungusap na sinabi niya.

Sasagot pa sana si Nicandros nang biglang ini-aanounce ng Elder Shaman ang pagsisimula ng seremonya. Nagmamaktol na umupo siya sa isang upuan na nakalaan sa kanya katabi ni Nicandros. Ngayon ay kapwa na sila nakaharap sa altar.

Ang mga sumunod na sandali ay lubhang naging kabagot-bagot para kay Alia. Halos wala siyang naintindihan sa mga sinabi ng Elder Shaman, gayundin sa napakaraming orasyon, dasal at awit na kasama sa seremonya ng kasal. Panaka-nakang sinusulyapan niya sa kinaroroonan sina Marika at Deva. Mahahalata sa mukha ng mga ito ang kapwa di pagsang-ayon sa pakikipag-isang dibdib niya sa isang kaaway ngunit katulad niya ay wala ring magawa.

Sinimulan na ang pagsusunog ng iba't ibang uri ng mga halaman at damo upang ipalanghap sa lahat ng naroroon kabilang silang dalawa ni Nicandros. Ito ang unang yugto ng kasal sa pagitan ng dalawang alpha, the 'trials of purification', kung saan pagkatapos langhapin ang aroma ng mga halaman ay ipapahayag nila ang sikreto ng bawat isa.

Sa hudyat ng Elder Shaman ay sinimulan ni Nicandros na isiwalat ang mga sikreto niya. Nang tumayo si Nicandros at humarap sa mga panauhin ay kusang tumahimik ang mga ito at sabik na naghintay sa ipapahayag ng lalaki.

"Sa araw na ito ng aking kasal, at sa harap ng aking magiging kabiyak, malugod kong ipinapahayag sa inyong lahat ang isang lihim ng aking katauhan." Bahagyang tumigil sa pagsasalita si Nicandros na nagdagdag lalo ng pagkasabik sa mga naroroon. "Katulad ng aking mapapangasawa na si Alia Hidalgo ay isa rin akong hybrid." Lumikha ng kaunting ingay ang huling tinuran ng lalaki. "Bagamat ang aking ama na isang dating alpha ng Demonic Hunters ay isang pure blooded, ang aking ina naman ay isang..."

Pigil ang hininga na naghintay ang lahat sa susunod na sasabihin ni Nicandros kabilang na si Alia.

"Demon," walang gatol na dugtong ni Nicandros. Lumikha ng bahagyang ingay ang huling sinabi ng lalaki. Agad namang pinayapa ng mga shaman ang mga panauhin.

Bagama't naguluhan sa natuklasan tungkol kay Nicandros ay sumunod na nagsalita naman si Alia sa hudyat ng Elder Shaman. "Hindi katulad ng pinuno ng Demoncrest Hunters, ako na Alpha Female ng Spirit Keepers ay walang gaanong lihim na itinatago maliban sa aking kakayahan na wala ang isang ordinaryong Malakat. At iyon ay ang talas ng aking pakiramdam. Gamit ang lahat ng aking sensory cells, madali kong ma-detect ang kinaroroonan ng kaaway. At ang abilidad na iyon bukod sa pagiging maliksi na likas sa aming mga Spirit Keeper ay maipapasa sa inyong lahat pagkatapos ng seremonyang ito."

Masayang nagpalakpakan ang lahat ng naroroon. Pagkaupo ni Alia ay marahas siyang hinawakan sa braso ni Nicandros.

"You are a liar. Akala mo ba ay mabibilog mo ang ulo naming lahat?"

"What made you say so?" iritang tanong niya sa lalaki.

"Ang totoong sikreto mo? Bakit hindi mo ipahayag sa aming lahat na naririto ang itinatago mo?" mariing sabi ni Nicandros. Sinalubong ni Alia ang matatalim na titig sa kanya ni Nicandros. Kahit kailan ay hinding-hindi siya masisindak sa lalaking kaharap. "Wala akong itinatago, Nicandros."

"Ang sikreto ng lakas at husay mo sa pakikipaglaban, saan mo nakuha ang mga iyon? I suspect that you have a magical power or an amulet," giit ng lalaki.

Sarkastikong napangiti si Alia. "I don't own a magic or an amulet, Nicandros. Ang husay ko sa pakikipaglaban ay resulta ng napakatiyagang pagtuturo sa akin ni Marika mula pa sa aking pagkabata. At ang lakas? Mula ito sa aking displina at natural na kakayahan bilang hybrid, at wala ng iba."

Ngunit mukhang hindi kumbinsido si Nicandros. Lalo pa nitong pinagbuti ang pagtitig sa kanyang mga mata na tila ba makukuha roon ang mga kasagutan sa sariling hinala nito. "I know what the elder shamans have been saying about you and the moon goddess Mayari since you were young. May ibinigay sa iyo ang diyosa ng mga Spirit Keeper, at iyon ang gusto naming malaman."

Bahagyang tumawa si Alia. "Nicandros, magpapakasal ba tayo upang pag-isahin at palakasin ang ating mga angkan o para lamang mapaamin ako sa iyong sariling hinala tungkol sa kakayahan ko? Kung ang pangalawa ang dahilan mo, puwede na nating itigil ang seremonyang ito."

Nicandros was dumbfounded for a while. He released her arm after some thoughts. "No. We're almost there. I cannot afford to stop this wedding just because of your childishness. Matagal akong nanuyo sa iyo katumbas ng kung gaano katagal nagsikap ang aming mga elder shaman na kumbinsihin ang inyong angkan na tayo ang itinakda ng mga diyosa ng buwan para sa isa't isa."

"Mabuti," inis na bulong niya sabay bawi ng mga paningin sa lalaking kausap.

"May isa pa akong gustong isiwalat sa iyo, Alia," pagkuwa'y bulong ni Nicandros na tila ba ayaw pang tapusin ang kanilang pag-uusap .

"Ano iyon?" matabang na tanong niya. Ni hindi man lang niya sinulyapan ang lalaking katabi.

"I like you," walang gatol na tugon ni Nicandros. "Gusto kita. The moment I saw you since we were young, I knew then that you were chosen by our moon goddess to be my mate."

"I don't like you, Nicandros. Wala kang maaasahan sa akin," diretsahan niyang sabi.

"Gagawin ko ang lahat upang magustuhan mo."

"Hindi na kailangan."

"Bakit? Dahil ba may iba nang nagmamay-ari ng puso mo?"

Hindi na siya sumagot. Sa halip ay itinuon na lang niya ang pansin sa sumunod pang mga seremonya.

"Bakit hindi ka makasagot? Totoo ang sinabi ko, hindi ba?" nagngingitngit na tanong ni Nicandros. "Who is that bastard? Sabihin mo sa aking kung sino siya at papatayin ko siya sa harap mo mismo."

Lihim na napangiti si Alia. "Gawin mo kung kaya mo. But I doubt if you can," bulong niya sa sarili.

INSIDE OF ME  (Into The Darkness Series Book 2)Where stories live. Discover now