CHAPTER 5

326 21 1
                                    

Pinuno ng mga atungal at alulong ang buong kagubatan dahil sa paghahamok ng dalawang angkan ng mga malakat, ang Demoncrest Hunters at ang Spirit Keepers. Ang masaya sanang kasalan ay napalitan ng nakapangingilabot at ubod bangis na sukatan ng lakas at liksi upang maipagtanggol ang kani-kanilang alpha.

Sa halip na tumakas katulad ng isinenyas kay Alia ng kanyang beta na si Marika ay mas pinili niyang harapin ang galit ni Nicandros.

Nakahanda sana si Marika na ipagtanggol siya laban kay Nicandros kung hindi lang pumagitna ang beta nito na si Hugo Alvaro. Kulay brown ang balahibo nito at taglay ang kayumangging mga mata. Alam niyang bukod sa laki at husay, tuso rin sa labanan si Hugo kung kaya nangamba siyang madehado si Marika lalo na at taglay na rin ng lalaking beta ang liksi nilang mga Spirit Keeper.

Habang naghahamok ang dalawang beta ay nakita niya ang panibagong lakas ni Marika na nakuha nito mula sa katatapos lang na unification ceremony. Ngunit ayaw pa rin niyang isugal ang kaligtasan ng dalawang babaeng napakahalaga sa kanyang buhay. Si Marika at si Deva, sampu ng kanyang mga kalahi na nakahandang magbuwis ng buhay maprotektahan lamang siya.

Kung kaya sa halip na tumakas ay mas pinili niyang makipaglaban kasama ng kanyang mga nasasakupan. Siya laban kay Nicandros at si Marikaa laban kay Hugo Alvaro.

Kung tutuusin ay ilang beses na rin niyang nakalaban ang ilang miyembro ng Demoncrest Hunters at masasabi niyang hindi kayang pantayan ng mga iyon ang kanyang lakas na dulot ng moonlight amulet na nasa loob ng kanyang katawan. Inisip niyang kayang-kaya rin niya ang pinuno ng mga ito. But she was mistaken. Nicandros Rivero was stronger than what she expected.

Ilang beses siyang tumilapon sa bawat suntok at hablig nito sa kanya. At kung hindi dahil sa maliksi niyang pag-iwas ay baka nakagat na ng lalaki ang parte ng leeg niya na pinupuntirya nito.

She knew that Nicandros had no plan of killing her kahit pa nga ipinahiya niya ito kanina. He wanted her. Not only her body but also the suspected moonlight amulet inside her.

Pero alam niyang susugatan siya nito nang malubha upang maipakita sa kanilang lahat kung sino talaga ang mas malakas at dapat mamuno sa pinagsanib nilang dalawang angkan. And she couldn't allow that to happen. Ang tanghaling mas mahina siya ay katumbas nang malagim na kamatayan para sa kanya.

If she only knew how to draw the mystical sword inside her body, she could have ended this nonsense fight easily. At iyon ang masaklap, nagtataglay ng makapangyarihang espada ang loob ng kanyang katawan na kayang-kayang pumatay sa mga kalaban ng walang kahirap-hirap, pero hindi naman niya alam kung paano iyon huhugutin o palalabasin mula sa kanya.

The curse of Mayari. She tightened her jaws in desperation.

Paano'y sa halip na maging isang regalo ang Zatara, mas itinuturing niyang isa itong malagim na sumpa. Ito ang kaparusahang ipinataw ng kanilang moon goddess sa kanyang inang si Milena dahil sa pagpatol nito sa isang tao, si Menandro Hidalgo na kanyang ama. Ang paglalagay ng Zatara sa loob ng kanyang katawan noong sanggol pa siya ay ang kondisyong ibinigay ng diyosa kay Milena upang makamit nito ang kapatawaran mula sa kanilang moon goddess.

Hindi niya ipinagdamdam ang pagpayag ng kanyang ina na ilagay ang Zatara sa kanyang katawan dahil ipinaliwanag sa kanya nina Marika at Deva na iyon lang ang tanging paraan upang malampasan ng isang babaeng hybrid na katulad niya ang napakahirap na transformation pagsapit niya ng ikalabimpitong kaarawan. Pero may mas higit pang dahilan kung bakit itinago ni Mayari sa kanyang katawan ang Zatara.

Ayon sa kanilang mitolohiya, ang Zatara ay nilikha ng mga sinaunang bathala sa pamumuno ng amang diyos na si Abba upang magamit sa nakatakdang paglipol sa lahat ng diyos sa pagtatapos ng panahon ng mga ito sa mundo ng mga tao. Ang ama ni Mayari na si Barangaw ang naatasang magtago ng espada ngunit ninakaw ito ng diyosa upang maiwasan ang pagkalipol ng mga bathala sa itinakdang panahon.

Ayon sa sumpa ni Mayari, isang lalaki lamang ang makapagpapalabas o makahuhugot ng Zatara mula sa kanyang katawan, at iyon ay walang iba kungdi ang nag-iisang lalaking magmamahal sa kanya ng wagas. At sang-ayon sa pananaliksik ng isa sa kanilang mga shaman na si Apo Sitan, ang lalaking iyon ay walang iba kungdi ang bampirang magmumula pa sa malayong bansa na ang tanging misyon ay hanapin at kunin ang espada upang palayain ang sariling angkan mula sa sumpa ng isang wicked goddess.

And that Vampire was none other than Athan Danilov. The army commander of the Mystical Vampire coven na nagmula sa bansang Romania. Sa unang kita pa lang niya rito habang lumalaban sa sanlaksang mga Demonic Vampire at Nosferatu sa dalampasigan ay alam na agad niyang ito ang bampirang nakatakdang magpalaya sa kanya mula sa isang sumpa. Ang kailangan lang ay mahalin siya nito nang lubos at walang pag-aalinlangan.

Kung kaya inutusan niya ang kanyang mga kasamang Malakat na sumali sa laban upang masiguro ang kaligtasan ni Athan. At nang malubha itong masugatan ay hindi siya nagdalawang-isip na ipainom dito ang sariling dugo upang madugtungan ang buhay nito.

She fairly knew the effect of her blood to Athan. At kung ikatutuwa o ikagagalit iyon ng lalaki ay hindi niya alam. Ang tanging alam lang niya ay hinihintay niya ito lalo na sa mga sandaling ito ng kanyang napipintong kapahamakan.

Nicandros prepared for his next attack. Though bleeding and weak, Alia already planned her own defense. Nang sumugod ang lalaki ay maliksing lumundag siya at nakatayong bumagsak sa likuran nito. Pagpihit ni Nicandros ay saka niya ibinigay ang pamatay na atake. Ibinaon niya sa leeg ng nasorpresang lalaki ang mahahaba at matutulis niyang mga kuko.

Ininda ni Nicandros ang atake niya. Napaurong ito habang sapo ang bahaging nasugatan. Pumupulandit ang dugo mula rito. She was ready to give her deadly attack when sharp objects suddenly thrust on her left side near the ribs. Ramdam niya ang pagkapunit ng kanyang laman na sumagad sa kanyang mga buto. Poignant paint spread throughout her body as she felt ounce of blood oozing from her body. Pinilit niyang ipinihit ang sariling katawan upang makilala kung sino ang nagtraydor sa kanya.

Agad bumangon ang galit sa dibdib niya nang makilala ang nilalang na nakatayo ssa likuran niya. Kahit anyong taong-lobo ito ay hinding-hindi siya maaring magkamali. Ang taksil na ito na may puting balahibo at ang kulay dugong mga mata ay walang iba kungdi ang kanyang pinsan.

Si Lucine Ilustrisimo.

INSIDE OF ME  (Into The Darkness Series Book 2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu