CHAPTER 21

625 27 3
                                    

Malalakas na katok at tawag mula sa labas ng silid ni Alia ang gumising sa kanya. Dali-dali siyang bumangon at binalutan ng roba ang buong katawan saka binuksan ang pinto ng kanyang kwarto. Si Marika ang nabungaran niya, bakas sa mukha ang matinding pagkabalisa.

"Halika, Alia. May kailangan kang makita," sabi nito pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto.

Hindi pa nakakapagtanong ay hinila na ni Marika ang isa niyang kamay patungo sa hagdan. Pagkababa ay tuloy-tuloy sila sa labas ng mansyon hanggang humantong sila sa malawak na hardin. Nadatnan nila roon ang ilang Spirit Keeper na nagkakagulo at nag-iiyakan.

Tumambad sa kanya ang tatlong pugot na ulo ng mga Spirit Keeper.

"Abba!"

"Tatlo lamang sila sa mga Spirit Keeper na kinuha ng mga Demoncrest Hunter kahapon." Halos hindi na niya naintindihan ang sinabi ni Marika. Ang atensyon nya ay nakatuon sa mga pamilya ng tatlong pinatay na Spirit Keepers na ngayon ay nag-iiyakan.

Isang Spirit Keeper ang lumapit sa kanya at iniabot ang isang papel na nakabalot sa tila bato. Agad niyang tinanggap iyon at dali-daling binuksan. Parang piniga ang dibdib niya sa nabasa.

"Apo Sitan is next...then Deva. "

"Hayop ka, Nicandros," Nangangatal na nilamukos niya ang hawak na papel.

"Hindi siya nagbibiro, Alia," nag-aalalalang sabi ni Marika.

"Saan ko matatagpuan si Nicandros?"

"Sa lumang kastilyo ng kanyang mga magulang, ang Castillo de Aragon. Diumano ay meron siyang painagkakaabalahan nitong mga huling araw mula nang dumating ang isa niyang protégé mula sa Europa kung kaya hindi siya lumalabas sa nakasusulasok niyang tirahan." sagot ni Marika. "Pero teka, huwag mong sabihin na pupunta ka roon?"

"Iyon ang gusto ni Nicandros, hindi ba?"

"Nagpapakamatay ka ba? Alam mong lungga iyon ng ating mga kaaway. Oo at mahusay ka sa labanan pero hindi mo kaya ang dami nila."

"Nicandros wants me alive. Hindi niya ako papatayin."

"How did you know? Sagad sa buto ang kasamaan niya. Papatayin ka pa rin niya kapag hindi niya nakuha ang gusto niya."

"Puwes, ibibigay ko ang gusto niya."

"Nababaliw ka na ba?" giit ni Marika. "Pagkatapos mo siyang takasan sa gabi ng inyong kasal ay heto ka ngayon at babalik sa kanya dahil lang sa...?"

"Dahil kay Apo Sitan at Deva. Hindi pa ba sapat na dahilan iyon upang isakripisyo ko ang aking sarili?"

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko, Alia. Dahil sa iyong emosyon ay hindi ka na nakakapag-isip ng tama."

"At ano ang tama, Marika? Ang pabayaan kong patuloy niyang i-terrorize at unti-unti niyang ubusin ang ating pack?"

"Mag-isip pa tayo ng ibang paraan. Malay mo, baka meron pa..."

Umiling siya. "Tumatakbo ang oras, Marika. Ayokong maghintay sa loob ng villang ito kung kailan naman ipadadala ng demonyong si Nicandros ang ulo ni Apo Sitan o ni Deva."

"Sasamahan kita, Alia."

"Huwag! Mahina ka pa."

"Ako ang iyong beta. Poproteksyonan kita sa abot ng aking makakaya."

INSIDE OF ME  (Into The Darkness Series Book 2)Where stories live. Discover now