CHAPTER 4

333 18 1
                                    

The actual rite of the wedding preceded. Sinarili na lamang ni Alia ang magkahalong inis at lungkot dahil sa hindi pagsipot nang tagapagligtas na hinihintay niya. Ngunit hindi pa rin niya pinapatay ang katiting na pag-asa sa puso niya kahit may lambong ito ng pag-aalala. Paano'y ilang sandali na lang at tatanghalin na siyang 'luna' ng Demonic Hunters. Bagay na kinamumuhian niya.

Maya-maya'y isinagawa ang 'handfasting' kung saan pinagdikit at itinali ang mga kamay nila ni Nicandros gamit ang isang uri ng baging na pinalimutian ng mga maliliit na bulaklak. Isang puting kandila ang ipinahawak sa kanila ni Nicandros habang salitang ipinapahayag ang kanilang marriage vow sa isa't isa. Pagkatapos ay sinindihan nila ito at magkahawak-kamay na dinala sa altar na kinaroroonan ng rebulto ng dalawang moon goddess, si Mayari, ang diyosa ng mga Spirit Keeper at si Libulan, ang diyosa naman ng mga Demoncrest Hunter.

Hudyat ito ng pagsisimula ng pagsasalin ng mga kakayahan ng bawat angkan sa lahat ng naroroon. Ang lakas ng mga Demoncrest Hunter para sa mga Spirit Keeper, at ang liksi ng mga Spirit Keeper para sa Demonic Hunter. Maging ang natatanging galing ng sensory cells ni Alia ay nalipat sa mga miyembro ng bawat angkan.

Malakas ang sigawan ng pagbubunyi ng lahat ng taong-lobong naroroon dahil sa mga bagong kapangyarihan na napasalin sa kanila dahil sa kasalang iyon. Bagay na labis na ikinatutuwa ni Nicandros. "At last, we are no longer ordinary werewolves. Tayo na ang pinakamalakas na uri ng mga taong-lobo sa bansang ito," nakangising sabi ng lalaki.

"Nakuha mo na ang gusto mo, Nicandros. May dahilan talaga upang maging napakasaya mo," nang-iinsultong sabi niya kay Nicandros.

Makahulugang tumitig sa kaya ang lalaki. "Hindi pa, Alia. Hindi pa tapos ang seremonyang ito." Pagkuwa'y bumaling si Nicandros sa Elder Shaman.

"We will now proceed to the anointing of the alphas," pahayag ng Elder Shaman na tila nakuha agad ang ibig sabihin ng mga tingin ni Nicandros.

Alia bit her lower lip. Dumating na ang kanyang kinatatakutan.

Bumaling sa kanya ang Elder Shaman. "Alia Ilustrisimo Hidalgo, hailed Female Alpha of the Spirit Keepers, you are now requested to relinquish your status as leader of your own clan and instead, recognize the power of Nicandros Aragon Rivero as your husband and dominant Alpha."

Blood vow. Iyon ang susunod na gagawin niya. Naghalo ang ngitngit at pagkalito sa kanyang utak. Nang sulyapan niya sina Marika at Deva sa kinaroroonan ng mga ito ay nakita niya ang awa sa mga mata nito palatandaang alam ng dalawa ang dilemma na pinagdadaanan niya sa mga sandaling ito. Lumipat ang mga mata niya sa kinatatayuan naman ni Lucine, nasa mukha pa rin nito ang galit at inggit sa inaakalang suwerteng napasakamay niya.

Nagsigawan ang mga naroroon upang hikayatin siya na gawin na ang huling yugto ng seremonya. Lalo tuloy nadagdagan ang kanyang pagkalito.

Nagsalita na ang hindi makapaghintay na si Nicandros. "Hindi mo magawa, Alia? Dahil ba sa labag sa loob mo na magpasakop sa aking kapangyarihan?"

Napalunok siya. Mabilis na pinagana ang isip kung paano matatakasan ang eksenang iyon.

"Puwes, kung hindi mo magawa ay tutulungan kita," dahan-dahang lumapit sa kanya si Nicandros. Habang papalapit ay sinimulan nito ang pagpapalit ng anyo. Ginamit na agad nito ang bagong kakayahan na nakuha sa ritwal ng kanilang kasal. At iyon ay ang pagpapalit ng anyo kahit kailan magustuhan at hindi na kailangang maghintay pa ng kabilugan ng buwan.

Ngayon ay isang malaking taong lobo na ang kaharap niya. May ulo nang mabangis na lobo at katawan ng tao na nababalutan nang makapal at itim na itim na mga balahibo. Maging ang mga mata ni Nicandros ay nagkulay itim.

Isang malakas na atungal ang pinakawalan nito dahilan upang sabay-sabay na magluhuran lahat ng mga taong-lobo na naroroon bilang pagkilala sa kapangyarihan nito. Pagkuwa'y bumaling ito sa kanya matapos ilabas ang mahahabang pangil. Alam niya ang susunod na gagawin ni Nicandros, and that was the final step of their union. The wolf mark. Kakagatin siya nito sa leeg sa pagitan ng kanyang balikat at tenga upang tatakan bilang asawa nito. Padadaluyin ng lalaki ang sariling dugo sa kanyang mga ugat and that would seal the bond between them as mates forever. Kapag nangyari iyon, habambuhay na siyang magiging pag-aari ni Nicandros at magiging sunod-sunoran sa bawat maibigan ng lalaki maging sa aspektong sekswal. Tatanggalan din siya nito ng kalayaan na magmahal ng ibang lalaki.

At iyon ang hindi niya mapapayagang mangyari kesehodang mamatay siya ngayon. Kung kaya mabilis ang naging pasya niya. Bago tuluyang nakalapit sa kanya si Nicandros ay agad din siyang nakapagpalit ng anyo. Sa isang iglap ay isang malaki at puting-puting taong-lobo ang tumambad sa lahat ng naroroon. Taglay niya ang kulay gintong mga mata.

Nang umalulong si Nicandros dahil sa galit ay tinapatan niya ito nang alulong din sabay paghahanda sa sarili ng napipintong laban. Hudyat iyon upang magpalit na rin ng anyo ang lahat ng naroroon bilang paghahanda sa napipintong digmaan sa pagitan ng dalawang angkan.

Nilundag siya ni Nicandros upang kagatin sa leeg. Ngunit bago siya naabot nito ay isang malaki at abuhing taong-lobo ang humarang sa gitna nila.

Si Marika. Ang kanyang mahusay at tapat na beta. Sumulyap ito sa kanya sabay pakawala ng isang atungal. Alam niya ang ibig sabihin noon. Pinatatakas siya ng kanyang beta at ito na ang bahalang humarap sa nagwawalang pinuno ng mga Demoncrest Hunter.

Mula naman sa di kalayuan ay tahimik lang na nagmamasid si Athan Danilov, ang Commander ng hukbong mandirigma ng Mystical Vampire coven. Kanina lang ay payapa siyang nagmamanman sa paligid upang bantayan ang mga tao laban sa ano mang alagad ng dilim na manggugulo sa mga ito, hindi niya akalain na dadalhin siya ng mga paa niya sa liblib na bahaging ito ng kagubatan kung saan kamangha-manghang nakatayo ang isang napakaganda at napakalawak na private resort hotel.

Ang totoo ay paalis na sana siya kanina pa pero naagaw ang kanyang pansin sa pagdating ng isang kaakit-akit na babae na nakasuot ng eleganteng bridal gown. Sa itsura nito ay nahulaan niyang ikakasal ito sa napakakisig na lalaking naghihintay malapit sa altar. Ngunit kung bakit naintriga siya sa malungkot nitong anyo kung kaya na-curious siyang panoorin ang seremonya. At noon lang niya nalaman na mga taong-lobo pala ang lahat nang naroroon base sa mga nasagap nang matalas niyang mga pandinig.

A werewolf bite is fatal to the vampires. Iyon ang isa sa mga natatandaang turo ni Propesor Duncan Dmitru sa kaniya kung kaya ipinasya na niyang lisanin na ang lugar na iyon. He had no plan fighting this group of werewolves not unless they attack him. Isa pa, hindi naman ang lahi ng mga ito ang dahilan kung bakit nagpaiwan siya sa Pilipinas kasama si Propesor Duncan.

And that was none other than but to find Zatara. The mystical sword that could kill all gods and goddesses from heaven and hell including the dark goddess Hecate, ang diyosang lumikha ng sumpa na naging dahilan kung bakit naging Mystical Vampire ang buong angkan nila.

Hindi sapat na nakuha ni Draven Gualtieri ang mahiwagang espada na Ragnor na siyang susugpo sa kasamaan ng mga Demonic Vampires sa Wallachia, Romania na sinilangan niya. If he could kill Hecate using Zatara, the curse to his clan might suddenly stopped. Sa madaling salita, ang kamatayan ni Hecate ay katumbas ng kalayaan nilang lahat mula sa isang madilim na sumpa.

And he vowed to find and take Zatara no matter what. Walang sino man o ano man ang puwedeng makapigil upang maisakatuparan niya ang kanyang misyon.

He would never return to Wallachia without the Zatara in his hands. Even if it would cost his own life.

INSIDE OF ME  (Into The Darkness Series Book 2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang