CHAPTER 16

306 24 1
                                    

Buong araw ang ginugol ni Alia sa kanyang opisina sa loob nang matayog na Ilustrisimo Empire Building na nakatayo sa gitna ng syudad ng Makati. Sa dami nang nabinbin niyang trabaho dahil sa ilang araw niyang pagkawala ay halos hindi matapos-tapos ang mga papeles na kailangang niyang basahin at pirmahan, idagdag pa ang meetings at conferences niya sa mga miyembro ng top management at business partners. Sa sobrang busy ay saglit niyang nalimutan ang mga isipin sa kanyang personal na problema.

Alas-singko na ng hapon ay hindi pa sumasagi sa isip niya ang umuwi. Isang tambak na business contracts and proposals pa ang kailangan niyang basahin at pag-aralan. Maya-maya'y dahan-dahang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at sumungaw doon ang magandang mukha ng kanyang executive secretary, si Melissa.

"Until what time will you be staying, Miss Alia?" nakangiting bungad ni Melissa. Twenty-five years old lang ito, maganda, mahusay at mapapagkatiwalaan. At higit sa lahat, isa rin itong Spirit Keeper. Karamihan sa kanyang mga empleyado na may direct contact sa kanya ay kabilang sa kanilang pack. Kailangan niya iyon para na rin sa kanyang proteksyon. Agad naaamoy ng mga ito kung ang mga taong lumalapit sa kanya o gustong lumapit sa kanya ay isang kaaway.

Nginitian niya nang bahagya ang sekretarya. Hindi na iba ang turing niya rito at ito naman ay ganoon na rin sa kanya. "I'll just finish reading these papers, Melissa. You don't have to wait for me, puwede ka nang mag-out kung gusto mo," mahinahon niyang tugon.

"That's not what I mean, Miss Alia. A messenger has just come and brought this." Pumasok na sa loob si Melissa upang ipakita sa kanya ang isang bungkos ng mga sariwang rosas.

Biglang napaunat mula sa pagkakaupo si Alia. "What? K-kanino daw galing?"

Melissa just shrugged her shoulders and continued approaching her. Nang makalapit ay ipinatong nito ang hawak na bouquet sa table niya. Saglit siyang tumigil sa ginagawa upang basahin ang nakasulat sa tarheta na nakakabit sa bungkos ng mga bulaklak.

Will you consider a sincere invitation from a gorgeous vampire, frumoasa mae doamna? A dinner and dancing will make our evening vibrant and exciting. See you tonight at the Blue Moon Place at 9 PM. Yours, Athan Danilov

Alia was stunned for a while. Sunod-sunod na kabog ng sariling dibdib ang narinig niya. Athan Danilov was inviting her for a dinner date. She actually wished and waited for it, pero sobrang nakaka-excite pala kapag nagkatotoo na.

"Are you okay, Miss Alia?" nag-aalalang tanong ni Melissa.

She slightly shook her head. "Yes, I am, Melissa." She tried to regain the usual lady boss composure she was known for.

Umaliwalas ang mukha ni Melissa sa isinagot niya. "Okay. Babalik na ako sa aking table. Just give me a ring kung may iuutos ka." Umakma ang sekretarya na palabas na ng pinto. Maagap niyang tinawag ito pagkatapos makapagpasya.

"Melissa, can you contact Mitch for me? Tell her to come over and bring some evening dress," utos niya.

Melissa crumpled the skin of her forehead. A suspicious smile flashed on her lips when she spoke. "Did I hear it right? Pinapapunta mo rito ang paborito mong couturier at pinapagdala pa ng mga gowns? Hmmm, I smell something from that piece of paper." Her eyes darted on the invitation on her hand.

"It's just a... a friendly dinner," depensa agad niya.

"A special friendly dinner, I guess. Dahil kung hindi, hindi mo ipatatawag si Mitch para sa isusuot mo," himig panunukso ni Melissa.

INSIDE OF ME  (Into The Darkness Series Book 2)Where stories live. Discover now