CHAPTER 15

326 26 1
                                    

Alia gazed on the family portrait that was hanging on the wall of the living room. Pitong personalidad ang nasa malaking larawang iyon. Nakaupo sa eleganteng silya ang kanyang lolo at lola na sina Don Heraldo at Donya Luciana Ilustrisimo, sa likuran naman ng mga ito ay nakatayo ang mag-asawang Menandro at Milena at ang mag-asawa ring sina Lucio at Marga habang karga ang sanggol pa lamang na si Lucine. Magkapatid si Milena at si Lucio, ngunit dahil isa raw suwail na anak ang huli, itinakwil at tinanggalan ito ng mana ni Don Heraldo at Donya Luciana. Nang mamatay si Lucio sa hindi malamang dahilan, tuluyan nang nasolo ni Milena ang lahat ng pagmamay-ari ng mga Ilustrisimo na kalaunan naman ay minana niya nang mamatay ang ina.

Namulat siya na tanging si Deva, Marika at mga kasambahay lamang ang kasama sa mansyon pero paminsan-minsan ay pumupunta roon si Marga at si Lucine upang kunin ang diumano ay parte nila sa kayamanan ng mga Ilustrisimo. Dahil sa pangungulit ng mag-ina, kalaunan ay ipinagkaloob niya sa mga ito ang ilang bahagi ng kanyang pagmamay-ari kabilang na ang isang napakalawak na lupain sa kabilang bayan at ilang milyong piso sa bangko.

All the while she thought that those property ang high amount of money would be enough to satisfy Marga and Lucine, but she was wrong. Lucine kept on asking for more. At iyon ay ang villa Luciana at ang pagiging CEO ng Ilustrismo Group of Companies. Iginigiit ng babae na mas matanda ito sa kanya kung kaya ito ang karapat-dapat na magmana ng ancestral mansion at mga negosyo ng pamilya. Hiniling din ng babae na isalin niya rito ang pagiging female alpha ng kanilang pack sa kadahilanang isa lamang daw siyang hybrid at walang karapatang pamunuan ang mga pure bred Spirit Keeper.

Of course, none of those wishes was granted, at doon nagsimula ang iringan nilang dalawa hanggang ituring nila ang isa't isa na parang hindi kadugo.

Naikuwento na rin ni Marika sa kanya na tumiwalag na si Lucine mula sa kanilang pack kasama ang iba pa at nagtayo ito ng sariling grupo at tinawag nitong Blood Claws. Lucine even declared herself as the female alpha of the pack. Isang posisyon na maglalapit dito sa lalaking nagugustuhan, si Nicandros Alvaro.

Greed,envy and power. Mga masasamang bagay na umaalipin kay Lucine. At hindi niya mapapayagang manaig ang kasamaan ng kanyang pinsan kung kaya lalabanan niya ito ano man ang mangyari even if it would cost another blood of an Ilustrisimo.

Naiiling na tumalikod na si Alia at humakbang patungong pinto. She would be having meetings and conferences with the top executives and business partners today. Ilang araw niyang napabayaan ang kaniyang mga negosyo kung kaya kailangang asikasuhin muna niya ang mga ito.

Pansamantala muna niyang isasantabi ang pag-iisip tungkol sa mga lalaking gumugulo sa kanyang isipan ngayon.

Si Ivan Alarcon

At si Athan Danilov.

Humihingal na umalis si Nicandros mula sa ibabaw ni Lucine. "I didn't know it would happen that easy," sabi nito sabay bagsak ng likod sa malambot na kama, walang tigil ang pagbaba-taas ng dibdib tanda nang kapaguran sa katatapos lang na pakikipagtalik.

Though happy and satisfied, napasimangot pa rin si Lucine sa narinig mula sa lalaking kanina lang ay kaniig niya. Siya ba ang tinutukoy ni Nicandros? Sinasabi ba nito na isa siyang easy girl o ang pinatutungkulan nito ay ang napakabilis na pangyayari sa kanilang dalawa kanina lang?

Pero alin man sa dalawa, hindi niya maikakaila ang sobra-sobrang kaligayahan na nararamdaman niya ngayon.

Having sex with Nicandros was one of her ultimate dreams. She had sex with different partners, humans and werewolves, but this one with Nicandros was completely gratifying. She had got more than what she expected. Sa susunod, hihilingin niya sa lalaki na magtalik sila habang nasa anyong werewolf. That would be more thrilling and more exciting. Hindi pa man ay nakaramdam na agad siya ng pananabik.

INSIDE OF ME  (Into The Darkness Series Book 2)Where stories live. Discover now