CHAPTER 20

313 24 1
                                    

Hindi napigilan ni Athan ang mapabulalas ng paghanga pagkakita sa tinitirhan ni Lucine. Isa itong Victorian inspired mansion na nakatirik sa malawak na property , isang palatandaan ng kayamanan ng babae bilang isang Ilustrisimo.

"Mas malaki at malawak ang pag-aari ni Alia kumpara sa akin," sabi ni Lucine nang mapansin ang paghanga niya. Kalalapit lang nito sa kanya pagkatapos niyang bumaba ng sariling kotse. Nag-convoy sila ni Lucine patungo sa property nito.

"Kaya ba nagagalit ka sa kanya?" diretsang tanong niya.

"Gusto ko lang kunin ang sa akin." Sinundan ng babae ng irap ang sinabi.

Pagkapasok sa living room ay dumiretso sila sa basement. "This is not an ordinary basement," sabi ni Lucine habang bumababa sila sa hagdan. Mapusyaw ang liwanag ng artipisyal na ilaw na tumatanglaw sa kanila. "This is a subterrenean cemetery. Dito nakalibing ang aking ina na dapat ay sa villa Luciana. Tradisyon ng aming pamilya na ilibing ang namayapang miyembro sa subterennean cemetery ng aming ancestral house, pero dahil tumanggi ang aking mga lolo't lola na doon ilibing ang aking ina kung kaya dito ko inilagak ang kanyang bangkay."

"How about your father? Buhay pa ba siya o patay na?"

Makahulugang ngumiti si Lucine. "Soon you will know."

"Hmmm...a family secret, I bet?"

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng babae. "Natututo kang maging maingat kapag sobrang kaapihan ang dinanas mo.

'Siguro naman ay walang kinalaman sa pang-aaping sinasabi mo si Alia," paniniguro niya.

"Alia gets all the favour. Nasa kanya na ang lahat at gusto niya ng higit pa," may ngitngit sa tinig ni Lucine.

"Katulad ng ano?"

"Katulad ni Nicandros."

"Gusto mo rin ang lalaking iyon?"

"Oo. Dapat ay kami ni Nicandros ang nagkatuluyan. Pero nang malaman ni Alia na magkasintahan na kami ni Nicandros ay sapilitan niya itong inagaw sa akin. Pumayag siyang pakasal dito upang pasakitan lamang ako. Pero sinaktan din niya si Nicandros nang iwan niya nang tumanggi na siyang ipagpatuloy ang seremonya ng kasal."

"Sobrang dami pala ng atraso ni Alia sa iyo kung tutuusin," pagsakay niya sa mga sinabi ng babae.

"Tama. Kung kaya kulang pa ang buhay niya bilang kabayaran sa mga ginawa niya sa akin. Isinusumpa kong gagawin ko ang lahat makaganti lamang sa kanya."

"Bakit hindi mo gamitin ang Zatara laban sa kanya? Siguro naman ay hindi sasantuhin ng espadang iyon ang isang malakat lamang na katulad niya?"

Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Lucine. "Marami ka pala talagang hindi alam tungkol sa babaeng hinahangaan mo."

"Katulad ng ano?"

"Mahirap kalabanin si Alia. Ayon sa sabi-sabi ay tinataglay niya ang isang makapangyarihang moonlight amulet na inilagay ng isang diyosa sa kanyang katawan. Habang nasa kanya ang talisman na iyon, hindi siya basta-basta mapapatay."

"At ano'ng klase naman ng talisman iyon?"

"Hindi namin alam. Walang nakakaalam. Maging si Nicandros ay walang ideya kung ano iyon pero interesado rin siya na makuha iyon mula kay Alia."

"Mahal nga ba ni Nicandros si Alia kung kaya gusto niya itong pakasalan o gusto lang niyang mapasakanya ang talisman ng diyosang sinassabi mo?"

INSIDE OF ME  (Into The Darkness Series Book 2)Where stories live. Discover now