CHAPTER 18

299 21 2
                                    

"Lucine Ilustrisimo,' pagpapakilala ng magandang babae kay Athan habang nakalahad ang isang palad. Saglit na nalito si Athan kung tatanggapin ang pagpapakilala ng babae o ipagpapatuloy ang paghahanap kay Alia. Sa bandang huli ay nanaig ang pagiging maginoo niya.

"Athan Danilov," parang wala sa loob na sabi niya sabay abot sa kamay ni Lucine habang ang mga mata ay nakatuon pa rin sa direksyon na tinungo ni Alia kanina.

"Don't mind her," sabi ni Lucine na ang tinutukoy ay si Alia. "You can easily find her if you want to. Maliit lang ang Maynila. Puwede pa kitang tulungan kung gusto mo pa siyang makita."

Sukat sa narinig ay dagling napalipat sa babaeng kaharap ang kanyang atensyon. "D-do you know her?" may pag-aalinlangang tanong niya rito.

"Of course, I do." Sinundan iyon ni Lucine ng maikling tawa. "We are cousins. At marami akong alam tungkol sa kanya na baka interesado kang malaman."

"Like what?" may pagdududang tanong niya.

"Like who she really is and what she actually wants from you." Makahulugang tumitig sa kanya ang babae.

"Talaga?" May pagdududa pa rin sa tono ng boses niya. "At ano naman ang motibo mo para sabihin sa akin ang mga iyon? Ngayon lang tayo nagkakilala at... ang sabi mo ay magpinsan kayo?"

Muling tumawa si Lucine. "Are you not going to invite me inside? Sa pagkakaalam ko ay hindi pa ninyo nagagalaw ang pagkain na inorder n'yo kanina."

"Ah, oo. Maayos ang takbo ng kuwentuhan namin kanina at maganda ang mood niya. In fact, she even invited me to a dance. Pero nang medyo maging seryoso ang paksa ng usapan ay bigla siyang nagalit at iniwan ako," parang batang sumbong niya kay Lucine.

Sumimangot si Lucine at itinaas pa ang isang kilay upang ipakita ang pagkainis sa narinig. "That bitch!"

"Alright. Tutal, iniwan na ako ng aking ka-date at mahaba pa ang gabi, I am inviting you to join me." Sinadya niyang hindi pansinin ang ikinilos ni Lucine.

Agad namang kumapit sa bisig niya ang babae at sumama sa kanya papasok muli ng Blue Moon Place. Tulad ng kanyang inaasahan, nakahain na sa kanyang table ang mga pagkaing inorder nila ni Alia. Napansin pa niya ang pagkagulat ng ilang waiter dahil ibang babae na ang kasama niya papasok ng restaurant.

"Wow!" Hindi napigilan ni Lucine ang paghanga at pagkatakam sa mga pagkaing nakahain. "These must be expensive. Estupida talaga ang Alia na iyon. Nagawa niyang palampasin ang mga ganitong pagkakataon." Pagkasabi noon ay agad na umupo ang babae sa silyang laan sana kay Alia at saka maganang kinain ang pagkaing laan sana kay Alia.

Tahimik na kumain na rin si Athan habang panaka-nakang sumusulyap sa babaeng maganang kumakain. Sinarili na lamang niya ang panghihinayang. Kung hindi siya naging bastos at sobrang prangka kanina, sana ay ang magandang si Alia ang kasama niya ngayon at hindi ang estrangherang ito. Pero wala na siyang magagawa pa pagsisihan man niya ng isang daang beses ang inasal niya sa harap ng dalaga. Iyon naman lagi ang nagiging problema sa kanya, ang pagiging tactless at insensitive niya to the point na halos wala siyang makasundong mga kaibigan at kapamilya.

"Ngayon, siguro naman ay puwede mo nang sabihin sa akin ang ano manga alam mo tungkol sa pinsan mo?" sabi niya s pagitan ng pagnguya.

Tumigil sa pagsubo si Lucine at sa halip ay inabot ang baso ng ginger cucumber juice. Nakailang lagok ito bago nagsalita. "I know that you are interested to my cousin. Because if not, you will not bring her to this very expensive and cozy restaurant," pasakalye ni Lucine na parang sinasabik siya upang abangan ang mga susunod nitong sasabihin.

INSIDE OF ME  (Into The Darkness Series Book 2)Where stories live. Discover now