CHAPTER 10

319 28 1
                                    

Natatawang iniunat ni Athan ang sariling katawan mula sa pagkakaupo nang biglang magdilim ang monitor ng cctv. Hindi niya matukoy kung sa babaeng nasa kabilang silid ba siya naaaliw o sa sarili niya mismo.

He was never a peeping tom. In fact, he lost interest to women since Astrid Gualtieri refused him for Armand Mondragon. Ni wala na ngang dating sa kanya ang sino mang magandang babae, sa Romania man o dito sa Pilipinas o kahit saang panig pa ng mundo. Through the years of non-stop fights with numerous enemies and endless search for the mystical sword, he acquired the characteristics of being cold and insensitive. Naging napakalamig niya, singlamig ng kanyang pag-iisa bilang isang bampira.

But that was before he brought this beautiful woman to his house. Mula nang tumira ang babaeng werewolf na ito sa kanyang malungkot at madilim na lungga, parang biglang nagkaroon ng sigla at kulay ang bawat sulok ng kaniyang paligid. Kinasasabikan niya ang bawat pag-uwi niya mula sa halos maghapon at magdamag na paghahanap sa Zatara dahil alam niyang daratnan niya ito.Bagama't hindi niya nakakaharap at nakakausap man lang ang babae, sapat na sa kanya ang panoorin ito sa monitor ng cctv camera na nakakabit sa silid na ginagamit nito. At sa bawat panonood niya dito nang palihim, isang damdamin ang unti-unting bumabangon mula sa kanyang nahihimlay na pagkalalaki na inakala niya noon na matagal nang naglaho dahil sa kawalan ng sexual life sa loob ng napakahabang panahon.

Yes. He had been celibate for years. And it was his choice. In fact, he was convinced that he would remain in a state of celibacy forever. But he was wrong. Sino bang makapagsasabing isang babaeng taong lobo lang pala ang makagigising nang natutulog na pagnanasa sa loob ng kanyang katawan?

He was lusting her. Ang sukat ng bawat parte ng katawan ng babae ay sakto sa kanyang panlasa. Kung hindi nga lang niya napigil ang sarili kanina habang pinapanood sa monitor ang kahubdan nito, malamang ay pinasok na niya ito sa kabilang silid.

But he was not a typical vampire. He valued his position as an army commander and he respected women, no matter their kind.

At kakaibang respeto rin ang nararamdaman niya para sa babae. Hindi dahil lamang sa isa itong Female Alpha kungdi dahil sa parang mahiwagang koneksyon niya rito. He felt that there was something important that was linking him to her, or her to him. At iyon ang kailangan niyang alamin kung bakit sinabihan niya si Nadia na pagbawalan itong umalis habang hindi pa sila nagkakakilala. And to his surprise, she stayed out of respect to him as her savior.

Ngunit ang nakapagtataka ay kung bakit parang wala siyang lakas ng loob na harapin ito. Marahil ay sa kadahilanang hindi niya alam kung paano niya ipakikilala ang sarili, kung bilang isang tao o bilang isang bampira.

He was never worried about his real personality until now. At iyon ang hindi niya maintindihan. Ano'ng meron ang babaeng ito upang makapagdulot sa kanya ng pagkalito at panghihina ng loob?

Pero alam niyang unti-unti nang nauubos ang kanyang panahon. Inaasahan niyang isang araw ay magpapasya na itong umalis at hindi niya mapipigilan iyon. May tungkulin ito sa sariling pack at maaring sa isang... kasintahan.

A slight pain tricked his chest. Paano nga pala kung mayroon nang nagmamay-ari sa puso nito?

Napasandal si Athan sa silyang kinauupuan. So what if somebody already owned this woman? Bakit naman siya magpapaapekto? Bakit siya manghihinayang?

Alia...

Napakislot siya nang marinig ang sariling tinig. Kusang lumabas ang pangalan ng babae sa kanyag mga labi.

Oo nga pala. Narinig na niya kay Nadia ang pangalan ng babae sa kabilang silid kapag kinukumusta niya ito sa kanyang kasambahay.

Biglang nagmulat ng mga mata si Marika. Mula sa pagkakahimbing ay ginising siya ng ingay mula sa labas ng kanyang bahay. Nang sulyapan niya ang wall clock ay nakita niyang alas-tres pa lang ng madaling-araw.

INSIDE OF ME  (Into The Darkness Series Book 2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu