CHAPTER 8

311 22 1
                                    

"Wala ka pa rin bang balita kay Alia, Marika?" nag-aalalang tanong ni Deva.

Marika threw a quick glance to Deva. Alam niyang iyon na naman ang itatanong ni Deva sa pagpunta nito sa kanyang bungalow na nasa loob ng Villa Luciana kasama ang hindi bababa sa sampung miyembro ng kanilang pack. Bilang beta ng Spirit Keepers, isang maayos na bahay ang inilaan ng mga Ilustrisimo para sa kanya. Dito siya isinilang at nabuhay, at ipinangako niyang dito na rin siya mamamatay.

Malalim at mahaba na ang pinagsamahan ng kanyang pamilya at ng pamilya Ilustrisimo. Ang kanyang ina ang naging tagapag-alaga ni Milena mula ng sanggol pa ito. Ang kanyang ama naman ay isang mahusay na mandirigma ng kanilang pack at inialay pa ang sariling buhay upang protektahan ang naunang alpha, ang lolo ni Alia na si Heraldo Ilustrisimo.

Dahil sa pagmamahal at katapatan na ipinakita ng kanyang mga magulang, ipinasya ng mag-asawang Heraldo at Luciana Ilustrisimo na ampunin siya upang gawing isang mahusay na mandirigma. At nang makitaan siya nang kakaibang tapang at husay sa pakikipaglaban ay personal siyang hinirang ng mag-asawa upang gawing beta ng anak na si Milena nang itanghal na itong Alpha Female ng kanilang pack. Si Milena naman ang nagtalaga sa kanya upang maging beta ng anak na si Alia noong isilang ito.

At ngayon ngang wala ang kanilang pinuno na si Alia Ilustrisimo Hidalgo, tungkulin niyang gampanan ang obligasyon bilang pansamantalang kahalili nito. Malupit at marahas ang digmaan laban sa mga Demoncrest Hunter, ngunit kailangan niyang pamunuan at ipagtanggol ang mga Spirit Keeper laban sa mga ito.

"Paunti na tayo nang paunti, Marika. Marami na ang namamatay, ang iba naman ay napilitang sumapi na kay Nicandros upang protektahan ang kanilang mga sarili, negosyo, ari-arian at pamilya," sabi ng isa sa mga bagong dating. Kilala niya ang nagsalita, si Maximo Perez ito. Ang may-ari ng pinakamalaking construction firm sa kanilang bayan.

"May sariling buhay din kami, Marika," pakli naman ng isang may-edad ng babae. Si Violeta Marquez ito, ang may-ari ng sikat na chain of restaurants sa Maynila. "Sawa na kami sa digmaan. Mula pa sa ating pagkabata ay mayroon ng palaging labanan sa ating mga Malakat. Pero ngayon ay mas gusto na naming mabuhay nang masaya at payapa."

"Oo nga, Marika." Lumipat ang tingin niya sa nagsalita mula sa likuran ng mga bisita. Si Miguel Alarcon Hernandez ito. Ang ngayon ay nakaupong gobernador ng kanilang lalawigan. Alam niya ang gustong protektahan nito maliban sa mga negosyo at pamilya, at iyon ay walang iba kungdi ang sariling political career.

Sinulyapan niya ang iba pang mga bisita. Halos kilala niya lahat ang mga ito. They are the most prominent businessmen and politicians in their clan.

Marika tightened her jaws. Alam niya ang ipinunta ng mga ito sa Villa Luciana. At iyon ay upag hikayatin siya na sumuko at makipag-alyansa na sa mga Demoncrest Hunter.

She heaved a heavy sigh before she spoke. "Walang pumipilit sa inyo na makipaglaban sa mga kaaway though everybody knows that fighting a common enemy is every Spirit Keeper's duty, not a choice. Ito ang sinumpaang tungkulin ng ating mga ninuno at ipinasa sa atin. Pero kung ang iniisip ninyo ay ang sarili ninyong interes, malaya kayong makahihiwalay sa ating pack."

"Masama bang maghangad kami ng tahimik, masagana at mahabang buhay para sa aming mga sarili at mga anak?" makahulugang tanong ni Maximo Perez.

"Hindi ang paghiwalay sa ating pack ang tanging solusyon," pakli naman ni Violeta Marquez. "Alam mo kung ano ang hinihiling ng nakararami upang matigil na ang lahat ng ito."

Mula kay Maximo Perez ay inilipat ni Marika ang mga mata sa babae. "I know. Pero ikinalulungkot kong sabihin na hindi ko maaatim gawin ang gusto ninyong mangyari. Hindi ko isusuko ang ating pack kay Nicandros ng walang pahintulot mula kay Alia."

INSIDE OF ME  (Into The Darkness Series Book 2)Where stories live. Discover now