CHAPTER 11

266 20 0
                                    

Isang nagwawalang Alia ang nadatnan ni Nadia nang dumating siya sa pinaglilingkurang bahay kinabukasan.

"You didn't tell me that your master is a sex maniac, a pervert," sigaw ni Alia sa bagong dating na caretaker.

Nagtatakang napakamot ng ulo si Nadia. "Ano iyon? Paki-tagalog nga para mas magkaintindihan tayo. Hindi kasi ako masyadong marunong mag-Ingles," mahinahong sabi nito habang ipinapatong sa isang upuan ang dalang basket ng mga gulay at prutas.

"Ang sabi ko, bakit hindi mo sinabing manyak pala ang amo mo. Kagabi ay nahuli ko na sinisilipan niya ako gamit ang cctv camera na nakakabit sa aking silid. Malay ko ba kung ilang araw o ilang gabi na niyang ginagawa sa akin iyon?"

Nagkandautal sa pagpapaliwanag si Nadia, halatang ang unang pumasok sa isip nito ay ipagtanggol ang amo. "Ang alam ko ay dati nang nakakabit ang cctv camera na iyon bago pa nabili ang bahay na ito. Ang buong akala namin ay hindi na iyon gumagana pero nagagamit pa pala..." saglit na tumigil sa pagsasalita ang babae. "Pero teka... paano mo naman nasiguradong ginagamit ng aking amo ang cctv para masilipan ka? Hindi kaya napa-praning ka lang?"

Alia blurted out. "I should know. I should be sure because I am no ordinary person. I am a were..." nang matigilan siya, bigla niyang tinakpan ang bibig upang mapigilan ang sarili na ituloy ang sasabihin.

Medyo inis na nagsalita si Nadia. "Paki-tagalog sabi. Hindi ko naiintindihan ang..."

"Never mind. I mean... kalimutan mo na ang sinabi ko. At pasensiya ka na rin," humihingal na sabi niya.

Naiiling na dinampot ng babae ang basket ng prutas at gulay at walang imik na tinungo ang kusina. Alam niya na ipinapahalata nito ang pagka-disgusto sa naging paksa nila.

"Paalis na ako, Nadia," sabi niya na parang walang ano mang tensyon ang namamagitan sa kanilang dalawa. "Pakisabi sa bastos mong amo na hindi ako puwedeng magtagal pa rito. May mga obligasyon ako na kailangang tuparin. Iparating mo na lang sa kanya ang aking pasasalamat sa pagliligtas niya at sa pagpapatira niya sa akin dito."

"Makakarating," maikling tugon ni Nadia habang isa-isang inilalagay sa mesa ang mga gulay at prutas. Ni hindi ito tumitingin sa kanya.

Alam niyang wala ng ganang makipag-usap sa kanya ang babae kung kaya pumasok na lamang siya sa sariling silid upang maligo at maghanda na sa kanyang pag-alis.

Ilang minuto pagkatapos niyang maligo ay kumatok na sa pinto ng kanyang silid si Nadia. Alam niyang tatawagin siya nito upang kumain.

Ngunit sa halip ay iniabot ng babae sa kanya ang hawak na cell phone. Nang tingnan niya ang gadget ay may nakasulat na mensahe sa screen. Agad niyang binasa iyon.

"Tell her that I will be meeting her tonight. An accommodating host like me deserves respect and obedience from a stubborn guest like her."

Nakuha agad ni Alia na ang mensaheng iyon ay nagmula sa kanyang host at siya ang tinutukoy nito. "At ako pa ang bastos at di masunurin sa lagay na iyon? Samantalang siya nga itong nahuli kong naninilip sa cctv camera," nanggigil na sabi niya. Sa inis ay dali-dali niyang tinawagan ang pinanggalingan ng mensahe. Wala na siyang pakialam kahit na hindi kanya ang ginagamit na cell phone. Nadia just watched her with baffled eyes.

Ilang segundo lang at may nag-hello agad sa kabilang linya. Bahagya siyang natigilan nang marinig ang malamyos na tinig ng isang lalaki. Parang may kung ano'ng malamig na bagay ang humaplos sa kanyang dibdib kung kaya hindi siya agad nakapagsalita.

INSIDE OF ME  (Into The Darkness Series Book 2)Where stories live. Discover now