CHAPTER 9

320 24 4
                                    

"Sino ba talaga ang amo mo? Bakit ayaw mong sabihin sa akin kahit ang pangalan niya?" pangungulit ni Alia habang nag-aalmusal. Narito sila ngayon ni Nadia sa dining area ng bahay. Dahil medyo malakas na siya at tanging ang sugat na lang sa tagiliran ang hinihintay maghilom nang tuluyan ay malaya na siyang nakakagala sa loob ng bahay maging sa malawak na bakuran. Ika-limang araw na niya sa bahay na ito.

May kalakihan ang bahay na iyon na nakatayo sa isang lote na malayo sa kabayanan. Meron itong ikalawang palapag na siyang kinaroroonan ng apat na malalaking silid. Ang isa sa mga iyon ay inookupa niya at ang isa naman ay ina-assume niyang ginagamit ng may-ari. Sa mga kuwento ni Nadia ay nalaman niya na isa itong abandonadong bahay-bakasyunan dati na nabili ng isang mayamang lalaki na diumano ay galing sa ibang bansa. A foreigner to be exact. Ipina-renovate nang bahagya at nilagyan ng ilang mga bagong kagamitan. Wala raw planong magtagal ang dayuhan sa lugar na ito kung kaya hindi masyadong ipinaayos ang bahay. Meron lang daw itong mahalagang bagay na inaasikaso sa Pilipinas, at sa oras na matapos ito, babalik na agad ito sa bansang pinanggalingan.

Sa mga kuwento ni Nadia ay nalaman din niya na nag-iisa lang daw ang may-ari at medyo may pagka-weird ito. Palagi raw itong wala sa bahay kung gabi at kung naroon man kung araw, maghapon lang itong natutulog sa loob nang madilim na kuwarto.

Tatlong beses isang linggo pumupunta sa bahay si Nadia upang maglinis at maglaba. Ni minsan daw ay hindi nagpaluto o nagpabili ng pagkain ang amo. Wala itong nababanggit na ano man sa sariling pangalan, pamilya, trabaho o negosyo. Sang-ayon pa sa mga kuwento ni Nadia, medyo malaki ang ibinabayad nito sa babae kung kaya kahit nahihintakutan sa kakaibang personalidad ay patuloy pa rin ito sa paglilingkod sa misteryosong amo.

"Ang sabi mo ay tatlong beses sa isang linggo ka lang pumupunta sa bahay na ito, pero napansin kong parang araw-araw ka naman naririto?" tanong niya sa pagitan ng pagnguya. Masarap ang pritong danggit na iniuulam niya sa sinangag na kanin na tinernuhan pa nang matapang na tsokolate. Isang hiwang hinog na pakwan naman ang kanyang panghimagas.

"Iyon ay dahil sinabihan niya ako na asikasuhin ka kung kaya araw-araw akong pumupunta rito habang naririto ka. Wala namang problema sa akin iyon dahil dinagdagan naman niya ang bayad sa akin."

Nagtaka man sa sinabi ng babae ay hindi na iyon inusisa pa ni Alia. Meron siyang mas gustong malaman. "Hindi ba siya nakikipagkuwentuhan man lang sa iyo?"

"Hindi. Kinakausap lang niya ako kapag may ipapagawa o itatanong o kapag ibibigay na niya ang bayad sa akin. Pero..." bahagyang natigil sa pagsasalita si Nadia at saglit na nag-isip.

"Ano'ng pero?" sabik na tanong niya sa babaeng kaharap.

"Napansin ko lang na nitong mga huling araw ay medyo madalas naman niya akong kinakausap lalo na kapag nagtatanong siya tungkol sa iyo at sa kalagayan mo."

"Talaga?" bahagyang may kung ano'ng kumiliti sa dibdib niya sa huling sinabi ni Nadia. "Ano'ng itsura niya? Guwapo ba? Bata pa?"

"Iyon lang. Madalas ay sa tawag at text lang kami nag-uusap. Pinabili pa nga niya ako ng bagong cell phone para dito raw kami mag-usap." Dinukot ni Nadia mula sa sariling bulsa ang gadget at may pagmamalaking ipinakita iyon sa kanya. "Kapag naman nag-uusap kami ng personal ay hindi ko masyadong mabistahan ang mukha niya dahil lagi siyang nakasumbrero at may takip ang mukha. Pero ito lang masasabi ko, kaakit-akit ang kanyang mga mata, maganda ang kanyang tinig, matangkad at matipuno ang kanyang katawan."

Alia fell into a deep thinking. Based on the descriptions given by Nadia, his savior and at the same time, the owner of this house could be the man she was expecting for.

INSIDE OF ME  (Into The Darkness Series Book 2)Where stories live. Discover now