CHAPTER 17

304 22 3
                                    

"Esti asa de frumoasa," exclaimed by Athan as Alia approached the table he was occupying. Nasa bandang sulok ng Blue Moon Place ang mesang pinili ni Athan. Pumapailanglang ang malamyos na awitin na lalong nagparomantiko sa malamig na gabi. Mangilan-ngilan lamang ang mga customer sa high end restaurant na iyon, karamihan ay magkakapareha.

"Si esti asa aratos," she said seductively after flashing a saccharine smile. Umupo siya sa silyang hinila ni Athan para sa kanya. Ilang Romanian surviving phrases ang inaral at inihanda niya para sa gabing ito. Gusto niyang kahit paano ay ma-impress ang binata sa kanya, hindi lang dahil sa kanyang taglay na kagandahan kungdi maging sa kanyang talino.

Maya-maya'y lumapit sa kanila ang waiter na sinenyasan ni Athan upang kunin ang kanilang order. Mabilis niyang pinasadahan ang mga pagkain na nakalista sa menu.

Grilled chicken pita, bean soup, iced cheesecake at ginger cucumber lemonade ang inorder niya, samantalang si Athan ay caprese steak, bacon and beef stew at honey dew juice.

Bahagyang tumaas ang kilay niya pagkarinig sa inorder ng lalaki. "My apology, Mr. Danilov. But...this is my first time to encounter a vampire who consumes normal human food," naiilang niyang wika. Nag-aalala siyang ma-offend ang kaharap niyang bampira sa kanyang sinabi.

Athan cracked up. "I'm a mystical vampire. My vampirism was only a curse made by a wicked goddess. Di gaya ng ibang uri ng bampira, ang mga mystical vampire ay kayang labanan ang uhaw sa dugo ng tao. We consume animal blood instead and at the same time, gain nourishment from normal food. However, we cannot deny the fact that drinking human blood increases some of our supernatural abilities pero gagawin lang namin iyon kung kinakailangan. But as long as our mind can control our body, the human population in this country are still safe."

"We have something in common. May dugo rin ng tao na nananalaytay sa aking mga ugat."

Kumislap ang mga mata ni Athan sa narinig. Palatandaan na interesado ito sa kanyang ipinahayag. "Really? Maaari bang malaman kung bakit?"

Ngumiti si Alia. Unti-unti nang nagiging palagay ang kanyang kalooban sa lalaki kung kaya maluwag sa dibdib na isiwalat dito ang ilang detalye ng kaniyang pagkatao. "Isang mortal ang aking ama, si Menandro Hidalgo samantalang malakat naman ang aking ina, si Milena Ilustrisimo, ang dating alpha female ng aming pack, ang Spirit Keepers. I inherit my status through my bloodline."

"I see." Marahang tumang-tango si Athan habang hinihimas ang sariling baba. Hindi nakaligtas sa kanyang mapanuring mga mata ang kaakit-akit nitong evening stubble. Hindi niya mapigilang makaramdam ng kagustuhang damhin din ang bahaging iyon ng mukha ng binata.

"Is there a way to cut the curse of vampirism in your clan?" Kunwari ay tanong niya upang iwaksi ang nararamdamang paghanga sa kakisigan ng lalaking kaharap.

"Yes. Kaya nga ako naririto sa bansa ninyo. Sa aking mga balikat nakaatang ang napakahirap na misyong iyan."

"Then how?"

"I need to find the Zatara. The only mystical sword that can kill Hecate."

"At umaasa kang dito sa Pilipinas mo iyon matatagpuan?" Ipinagpatuloy niya ang pagkukunwaring wala siyang alam sa espada at sa misyon ni Athan.

"Hindi magsisinungaling ang aming diyos na si Avram. Nang pinaunlakan niya ang pakiusap ng aming seer na sabihin kung saan matatagpuan ang espadang ginawa niya upang gamiting pamuksa sa lahat ng diyos pagdating ng panahon, sinabi niyang ang espadang iyon ay nasa pag-aari ng inyong diyos ng bahaghari, si Barangaw. Ang problema ko ngayon ay kung paano at saan ko matatagpuan ang diyos na iyon o kung nananatili pa ba siya sa panahong ito?"

INSIDE OF ME  (Into The Darkness Series Book 2)Where stories live. Discover now