CHAPTER 13

309 23 4
                                    



"Ikaw?" gulat na tanong ni Alia nang makilala ang kanyang tagapagligtas. She couldn't believe that the man she had saved few weeks ago would be the same man who just saved her now.

"Kilala mo ako?" maang na tanong ng lalaki sa kanya habang pinapahid ng likod ng kamay ang dugong nasa labi.

Bahagyang natigilan si Alia. Hindi niya inaasahan ang biglaang pagkikitang nila ni Athan Danilov bagama't matagal na niyang hinihintay ang pagkakataong ito. Isa pa'y napaka-awkward ng mga sandaling ito. Narito silang pareho sa gitna ng batis habang may isang halimaw na lumulutang-lutang sa tabi nila, at siya? Well, hubo't hubad lang naman siya.

She immediately covered her breasts with her arms and hands upon realizing that she was totally naked at this moment. Hindi ganitong eksena ang naglaro sa isip niya noon sakali mang magkaharap sila ng bampirang matagal nang hinihintay. What she really planned was somehow a formal meeting where she would introduce herself as Alia Ilustrisimo Hidalgo, the alpha female of the Spirit Keepers. Kung saan pormal niyang sasabihin sa lalaki na ito ang itinakda ng diyosang si Mayari na tutulong sa kanya upang mailabas ang kapangyarihang nasa loob ng kanyang katawan alang-alang sa kanyang mga nasasakupan at sa buong sanlibutan.

But she was having second thoughts now. Paniniwalaan pa ba siya ng lalaki gayong nakita nito mismo na ni hindi niya naipagtanggol ang sarili niya sa isang simpleng kalaban lamang? At ano ang kaya ang iniisip nito tungkol sa kanya ngayon? Naligo siya ng hubo't hubad sa batis sa dis-oras ng gabi kung kaya nagkaroon ang isang alagad ng dilim ng pagkakataon na atakihin siya. She let herself very vulnerable to certain attacks, and that was not an alpha's attitude.

"I'm asking you a question. Kilala mo ba ako?" ulit ni Athan. Napahid na nito ang dugo sa labi. Naglaho na rin ang mahahaba at matutulis na pangil nito. Ang mabangis na mukha kanina ay napalitan ng kaguwapuhan at kakaibang pang-akit. Alia blinked her eyes several times.

At bago pa tuluyang mahulog sa kakaibang magnetismo ay ipinasya niya na umahon na sa tubig. Mabilis siyang lumangoy patungo sa pampang. Mas minabuti niyang lumangoy kaysa sa maglakad upang maiwasang lumantad ang kanyang malulusog na mga dibdib. Hindi kaila sa kanya ang mga makahulugang pagsulyap at manaka-nakang pagtitig doon kanina ni Athan.

Nang makarating sa pampang ay agad niyang dinampot ang mga saplot na ipinatong nya kanina sa isang malaking bato at dali-daling nagbihis. Nagulat pa siya nang biglang sumulpot sa harap niya si Athan. Ni hindi man lang niya namalayang umahon ito mula sa tubig at naglakad palapit sa kanya.

Oh! She forgot that he was a vampire. So what she should expect?

Ang sumunod na sinabi ni Athan ay lalo namang nagpagulat sa kanya. "Don't act as if you were a mute and deaf, Alia Hidalgo. Huwag kang maarte kapag kinakausap kita," mariin nitong sabi sa mababang tono ng boses.

"A-alam mo ang pangalan ko?" maang niyang tanong sabay pihit paharap kay Athan. Mas pinagtuunan niya ng pansin ang pagkakaalam nito sa pangalan niya kesa sa tila pagkakaroon nito ng maikling pasensya. Ngunit nalimutan niyang hindi pa pala niya nailalagay sa balikat ang isang strap ng damit pantulog na kasalukuyang isinusuot niya, naiwan tuloy nakabuyangyang ang isa niyang dibdib.

When Athan eyes landed on her breast, she immediately pulled the strap and placed it on her shoulder. Desire was evident on his gorgeous face.

"Of course! You are my guest. It is my duty to know at least the name of the person I am welcoming to my house," sabi nito habang ibinabalik ang tingin sa kanyang mga mata.

INSIDE OF ME  (Into The Darkness Series Book 2)Where stories live. Discover now