CHAPTER 7

364 24 1
                                    


Alia blinked her eyes several times. Kanina pa siya gising ngunit mas minabuti niyang pakiramdaman muna ang sarili maging ang paligid. She couldn't believe that she was still alive. Sa dami ng dugong nawala sa kanya dulot nang malalim na sugat na nilikha nang mahahaba at matatalim na mga kuko ni Lucine na bumaon sa kanyang tadyang ay nakapagtatakang nakaligtas pa siya.

Nagtataka man ay muli niyang iginala ang mga mata sa marangya at magandang silid na kinalalagyan niya. Her heart was devastated in desperation. She could be dead right now. Maaaring ang maaliwalas na lugar na ito ay ang espesyal na lugar na inilaan ng kanilang diyosa na si Mayari sa isang alpha na katulad niya.

But her thoughts suddenly changed when she felt excruciating pain all over her body when she tried to move. Ang masasakit na mga buto at kalamnan, gayundin ang makirot na mga sugat ang malinaw na palatandaan na hindi nagtagumpay ang mga alagad ng kasamaan na patayin siya.

Upang malinawan ay sinikap niyang balikan ang mga huling pangyayari bago siya tuluyang nawalan ng ulirat. She was severely beaten and wounded by Nicandros when she refused to perform the blood vow during the wedding ceremony. An insult that no alpha male could take. But she could clearly remember that she did a magnificent fight against the leader of the Demoncrest Hunters. She could have won had not Lucine interfered.

Ngunit biglang dumating ang isang estranghero mula kung saan at buong tapang na iniligtas siya mula sa mga kaaway. Utang niya sa nilalang iyon ang kanyang buhay.

Kung bakit kasi nawalan siya ng malay noong nagsimula na silang umangat mula sa lupa. Nawalan tuloy siya ng pagkakataon na makilala ang kanyang mahiwagang tagapagligtas at nang sa ganoon ay nakapagpasalamat man lang siya.

Nang tinanggal niya ang kumot mula sa pagkakatakip sa kanyang katawan nang tinangka niyang bumangon ay ganoon na lang ang gulat niya. Malinis ang buong katawan at may benda at gamot ang mga sugat niya. And what surprised her more was that she was wearing a silk pink night gown. Pero paanong nangyari iyon? She knew that she was always in her usual nakedness after her every transformation. Sino naman ang matiyagang naglinis, gumamot ng mga sugat at nagbihis sa kanya?

She slightly jerked when someone pushed the door. She saw a middle aged woman standing behind it. "Gising ka na pala, miss. Magandang umaga," masiglang bati, hawak ng dalawang kamay ang isang food tray. Diretsong pumasok ito sa loob ng silid at ipinatong ang dalang tray sa night table. Agad kumalam ang sikmura niya pagkakita sa pagkain.

"Umaga na? Kung ganoon ay ilang oras na pala ako dito?" Nagtatakang tanong niya.

Ngumiti lang ang babae at nagpakilala. "Ako nga pala si Nadia. Nagtatrabaho ako rito bilang live out maid. Iniuwi ka ng amo ko kagabi. Walang malay at sugatan. Ako ang naglinis ng mga sugat at nagbihis sa iyo."

"G-ganoon ba? S-salamat, Nadia. Tawagin mo na lang akong Alia." Unti-unting napanatag ang loob niya nang maramdamang mabait naman ang babaeng kausap niya.

"Ipinaghanda kita ng almusal. Inihanda ko na rin ang pampaligo mo. Namili na rin ako ng mga damit at ibang gamit mo, sang-ayon sa utos ng aking amo," mabait na sabi ni Nadia.

"N-nasaan siya? Maaari ko ba siyang makilala upang makapagpasalamat na rin ako sa kanya?"

"Kanina pa siya umalis, Alia. May mahalaga raw siyang lalakarin. Ibinilin lang niya sa akin na asikasuhin kita at ibigay ang lahat ng kailangan mo. Ipinasasabi rin niya sa iyo na hindi ka raw puwedeng umalis ng bahay na ito hanggang hindi pa siya dumarating."

INSIDE OF ME  (Into The Darkness Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon