CHAPTER 14

287 25 0
                                    

"Bull shit!" malakas na mura ni Marika na nakatayo sa balkonahe ng mansyon ng mga Ilustrisimo habang sunod-sunod na nagpapakawala ng mga palaso gamit ang kanyang cross bow. Paano'y ilang Demoncrest Hunters ang mabibilis na sumusugod sa kanya at hindi kayang ikubli ang mga iyon ng dilim ng gabi. At kung hindi siya maliksing mag-reload ng arrow sa kanyang pana at asintado, siguradong nalapa na siya ng mga hayok na hayok na alagad ng kadiliman.

Hindi naman nagpapabaya ang mga bantay ng Villa Luciana. Buong tapang na nakikipaglaban ang mga ito samantalang ang mga matatanda, bata at mga babaeng miyembro ng kanilang pack na sa nakatira din sa loob ng villa ay agad namang nakapagtago sa lihim na tunnel na sadyang ipinagawa ng pamilya Ilustrisimo para sa mga ganitong pagkakataon.

Marika shook her head. Kahapon ay mga Blood Claw, ngayon naman ay mga Demoncrest Hunter. Hindi na ba talaga sila titigilan ng mga demonyong ito? Hindi magtatagal ay mauubos ang mga bantay ng villa kung kaya mapipilitan ang mga matatanda at mga babae na lumaban. Hindi naman niya maoobliga ang ibang Spirit Keepers lalo na iyong mga mayayaman na lumaban para sa kapakanan ng mga mahihirap na miyembro ng kanilang pack. Iniingatan ng mga ito ang pansariling interes lalo na ngayong wala ang kanilang alpha at lumalakas naman ang kapangyarihan ni Nicandros. Hindi ba't mas ginusto pa nga ng iba na sumapi sa bagong pack ni Lucine kaysa lumaban sa mga tauhan ni Nicandros?

Nasa ganoon siyang pag-iisip kung kaya hindi niya namalayan ang pagsugod ng isang Demoncrest Hunter mula sa kanyang likuran. Kahit nakaiwas ay nahagip pa rin siya nang matutulis nitong mga kuko nang tinangka nitong sunggaban siya. Sa gulat ay nabitiwan niya ang kanyang cross bow at humagis ito sa malayo.

Patihaya siyang bumagsak sa sahig ng balkonahe at bago pa siya nakatayo ay sumugod na sa kanya ang werewolf na umatake sa kanya kanina. Wala nang panahon para mag-transform siya kung kaya ang tangi lang niyang magagawa ay umiwas sa kalaban hanggang kaya niya. Ngunit minalas na pinupulikat siya ngayon dahil sa hindi magandang pagkakabagsak niya kanina kung kaya hindi siya makatayo.

When the Demoncrest Hunter ran toward her to give the deadly blow, she couldn't do anything but to close her eyes and waited for her death. Nang biglang isang malaki at puting-puting lobo ang bumagsak at humarang sa Demoncrest Hunter na sumusugod sa kanya. Malakas itong umatungal palatandaan ng kahandaan sa pakikipaglaban.

"Alia!" Sa tuwa ay naisigaw niya ang pangalan ng bagong dating.

Ni hindi lumapat ang dulo ng mga daliri ng kalaban kay Alia na nasa anyong malakat. Agad humagis ito nang tamaan ng mga pag-atake ng alpha female. Sinamantala naman ni Marika ang pagkakataon na makapag-transform nang makita niya ang pasugod na mga kaaway sa kinaroroonan nila ni Alia.

At tulad ng dati, magkasama sila ni Alia na ipinagtanggol ang kanilang pack. Hindi iilang beses na ginawa nila ito at dahil sa husay at kasanayan nila pareho sa pakikipaglaban, laging nakalalamang ang tagumpay.

"I'm glad you are still alive," sabi ni Marika habang nilalagyan ni Alia nang gamot ang mga sugat nito. Bahagyang napapangiwi ang kanyang beta sa bawat dampi ng bulak na may gamot sa balat nito.

"Yes, I'm alive, stronger and more eager to fight the enemies," pagbibiro niya. Tapos na ang laban sa pagitan ng mga Demoncrest Hunter at Spirit Keeper. Marami silang napatay na mga kaaway at nakatakas naman ang ilang sugatan. Nakalabas na sa lihim na taguan ang iba pang miyembro ng kanilang pack at matiyaga nilang ginagamot ang mga sugatang bantay ng villa.

"Maaari bang ikuwento mo sa akin ang mga nangyari nang dinukot ka ng isang nilalang sa gabi ng iyong kasal?" tanong ni Marika sa pagitan ng mga ngiwi.

INSIDE OF ME  (Into The Darkness Series Book 2)Where stories live. Discover now