Chapter 1

59.2K 1.5K 417
                                    

Chapter 1

My family has always been conservative and my parents are quite strict. Sa aming tatlong magkakapatid, I have been the most rebellious one kaya madalas na ako ang kagalitan at ang madalas na nababantayan.

But despite that, I can't deny that I am their favorite. Lalo na ang mga kapatid kong lalaki. Kaya kahit na ako ang paborito nina Mama, tanggap 'yon ng mga kapatid ko dahil ako rin naman ang paborito nila.

I studied at Clermont University for my junior high school. Pero dahil pakiramdam nina Mama ay hindi ako naging maayos doon, despite Clermont University being one of the best universities in the country, inilipat n'ya ako ng school para sa senior high school.

"Can't believe Tita made you transfer?" Ngiwi ni Lyndon sa malambot n'yang boses sa kabilang linya ng video call.

Nakahawi sa gilid ang buhok n'ya, payat, may maaamong mga mata, at medyo may kakapalang mga labi. His name is Lyndon pero mas gusto n'yang tinatawag ko s'yang Lyn. Mula pagkabata ay magkasama na kami at magkaklase palagi. 

I chuckled. "Lyn, you know how mad she was sa huling problema ko sa Clermont."

Ah, I can still remember it. Gusto kong matawa habang pinagagalitan ako ni Mama lalo pa at tinatawanan din ako nina Kuya Abdiel at ni Azriel na mas bata naman sa akin ng dalawang taon.   

"You're so dumb! Bakit mo kasi pininturahan ang pader ng Clermont?" Irap ni Lyndon.

Kita ko sa background n'ya ang pamilyar na buildings ng Clermont University.

Clermont University has classic designs sa mga buildings. Isa sa mga dahilan kaya gustong-gusto ko ro'n. Kumapara kasi sa Torrero University at St. Agatha University, mas moderno ang mga disenyo ng buildings doon kaysa sa Clermont.

"Maliit na pader lang naman, Lyn!" Tawa ko. "Art 'yon. I made art!" Pilit ko sa ginawa kong kalokohan.

I painted one of the blank walls of Clermont University. Hindi naman ako na-kick out pero muntik na. They suspended me and required me to do community service na halos hindi ko naman siniputan. 

"Art, my ass! Nude art, really?! Sa gitna ng hallways ng Clermont?!" Gulantang na sabi ni Lyndon, nanlalaki pa ang mga mata at napatawa ako nang malakas. "Grabe ka, hindi ko kailanman ginustong gawin 'yan!"

"Hoy, Lyndon. Admit it! You liked it naman!" I chuckled because he took pictures of it when he saw the painting.

Nakita ko ang multo ng ngiti ni Lyndon kaya lalo akong napatawa. Kunwari pa ang isang 'to! Alam ko namang natuwa din s'ya at napasaya ko ang araw n'ya. Ibinalik ni Lyndon ang inis sa ekspresyon n'ya at napa-irap ako. 

"Areli, for goodness' sake! Lopez ka." Nakukunsuming sabi ni Lyndon, umiiling na at parang mas na-stress pa s'ya kaysa kay Mama.

"Ano'ng meron sa apelyido ko?" Ngisi ko.

"The Lopezes ang respected yet here you are, dragging your family's name on dirt!" Paalala n'ya sa'kin na parang hindi ko 'yon alam.

Napangiti ako. "The family needs someone fun kasi." I chuckled.

"My god! You should've seen how Ma'am Narvaez reacted. She almost had a heart attack!" Tukoy n'ya sa principal ng junior high school ng Clermont University.

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Where stories live. Discover now