Chapter 28

37.4K 1.1K 853
                                    

Chapter 28

I felt Lyndon's hold on my arm pero hindi ko s'ya nilingon at nanatili ang tingin ko kay Seraiah. Axel looks confused with what is happening.

Napatingin si Serah sa paghawak ni Lyndon sa braso ko at nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata n'ya.

Hindi ko pa s'ya kayang kausapin. Hindi pa sa ngayon. Eventually, I know that we will need to talk. I just feel like today's not the right time. I don't like confrontations like this. Nagawa ko na ng isang beses noon... ayoko nang ulitin lalo na kay Serah. Pakiramdam ko, masasaktan lang ulit ako. Mag-iisip na naman ulit ako.

"Sorry," I almost whispered. "Maybe some other time," I mumbled before I let Lyndon pull me out of there.

Tahimik lang kami ni Lyndon nang makalabas na sa cafe samantalang nanatiling inosente si Axel sa nangyari. Axel didn't ask me about it anymore and I was thankful. Hindi ko kasi gustong balikan ang mga naramdaman ko noon. It felt awful that I didn't want to stay feeling that way. 

Napagkasunduan na lang naming tatlo na sa mall na lang dumiretso.

I was bothered. Nakita ko ang hitsura ni Serah kanina. She looks like she really wants to talk to me. But am I ready? I don't think so. Sariwa pa kasi 'yung sugat. I think I need time to sort out my thoughts.

I can't forget how she looked like. I know it when Serah's really sad. Kitang-kita sa mga mata n'ya. Nalulungkot din ako... but I don't think I deserved what I felt from her. Alam ko ring may naging mali ako kaya ayokong maging sarado ang isip ko para sa kan'ya.

But now that I can still feel the damage, I don't think I can talk to her yet.

"Here," abot sa akin ni Kuya sa pera habang hinihila na ang hand break ng sasakyan, pumaparada ulit malapit sa cafe para sa morning coffee namin.

Kinuha ko naman 'yon at nilingon si Azriel na nasa backseat ng sasakyan, busy na naman sa phone.

"Kung ano'ng akin?" Nagtaas ako ng kilay sa kan'ya.

Sumulyap sa akin si Azriel bago n'ya ibinalik ang tingin sa nilalaro sa phone.

"Yes, ate," he said and I nodded.

"And a pastry, Areli. Kahit ano. Ikaw na'ng bahala," Kuya said and I nodded.

Naglahad ulit ako ng kamay sa harapan ni Kuya at agad na kumunot ang noo n'ya.

"Kuya, I won't pay for your bread," I said.

Agad na kumunot ang noo ni Kuya Abdiel. "Hindi ba kas'ya 'yan?" Tingin n'ya sa hawak kong isang libo.

Umiling ako at napangisi. "Pa'no kapag nagkulang? I won't pay for this," biro ko.

Kuya Abdiel scoffed before he took another 1,000 bill from his wallet and placed it on my hand.

"Keep the change?" Halakhak ko.

"Alam mo, kunin mo na lang kaya ang buong wallet ko?" Sarcastic na sabi ni Kuya at tumawa na lang ako bago bumaba ng sasakyan.

I was having a good mood habang papalapit na sa coffee shop. Pero nang mapansin ko kung sino ang nakatayo sa gilid ng pinto ng cafe, agad akong napatigil sa paglalakad at nawala ang ngiti ko.

Uriah was standing there in his college uniform. Itim ang slacks, puting-puti ang polo na may burda ng logo ng Clermont University sa kaliwang dibdib, at may sukbit na itim na cross-body bag sa isang balikat. Nakatingin at nakayuko s'ya sa mga sapatos n'ya, ang isang kamay, may hawak na cup ng kape galing sa coffee shop na nasa likod n'ya habang ang isang kamay naman ay nakahawak sa strap ng cross-body bag.

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Where stories live. Discover now