Chapter 15

30K 1K 294
                                    

Chapter 15

"Ang ganda!" I exclaimed as I stared at the canvas.

Ang ganda ng mga detalye at buhay na buhay ang mga kulay. I noticed that she loves using warm colors on her artworks which I am really loving.

It was Uriah Penalver's side profile, nakayuko at nakatingin sa baba, at side profile ko na nakatingin naman kay Uriah. The artwork looks really nostalgic and emotional.

She mostly used warm tones of blue for the background which was really Uriah's vibe color. He looks handsome even in the painting. The waves of his hair, slightly falling on the side of his face, ang magandang hubog ng panga, at ang mahahabang pilikmata na nakapalibot sa malalamig na mga mata.

She got every detail right that I am put in awe of it. I am sure that Lyndon will like this kind of art style!

"I'll recommend you sa mga kakilala ko. Your art is great!" I told her.

Nicodaine thanked me, pagkatapos ay umalis na rin s'ya kaagad dahil mukhang may pupuntahan pa. She looks really busy but I can see that she's still fun and friendly to everybody. 

"It's beautiful!" Manghang sabi ni Serah habang tinitingnan ang painting. 

I nodded enthusiastically. It is! It's worth the price! 

"Parang gusto ko ring magpagawa," nakangusong sabi ni Serah, namumula nang kaunti ang mga pisngi.

"Para kanino naman?" I asked, curious with her expression.

Hindi ko alam kung may nagugustuhan ba si Serah. Hindi kasi s'ya makuwento sa mga bagay na tungkol sa kan'ya kaya hindi ako sigurado kung may nagugustuhan ba s'ya.

"Para sa birthday ni Samuel. Malapit na ang birthday n'ya," she said and I squinted my eyes.

"When?" 

"By the end of this month," she said. 

Tumango ako at tiningnan s'ya nang may pagdududa. 

"You like him?" I asked.

At nang nanlaki ang mga mata ni Serah at namula ang mga pisngi n'ya, kahit hindi na n'ya sagutin ay alam ko na ang sagot. 

"We're just close!" She defended but I knew better.

I was very excited when we went to their house again, this time, para mag-practice ang banda nila ng mga kanta na tutugtugin sa isa sa mga events ng college students. I was hugging the canvas, na nakabalot na ngayon sa magandang papel at may note pa galing sa akin habang naghihintay kina Uriah sa ibaba ng building. 

Maingay ang hallways dahil labasan na ng mga estudyante. May malalakas na ang tatawanan at nag-aasaran at mayroon ding mga magbabarkadang naglalakad na palabas ng building. Serah was looking at the bunch of students, hinahanap ang kuya n'ya at mga barkada habang ako naman ay tinititigan ang painting.

I don't know why I feel so warm inside habang tinitingnan 'yon. 

Nang umayos ng tayo si Serah ay agad akong napatingin sa tinitingnan n'ya at natanaw ko na nga ang grupo nina Uriah na ngayon ay naglalakad na papalapit sa amin. Some of the students looked and followed them with their gazes. Maingay pa rin ang hallway dahil sa labasan ng mga estudyante pero mas napunta ang atensyon ko kay Uriah na walang emosyong naglalakad palapit sa amin.

It was like my breathing hitched when he brought his gaze to us. I immediately smiled at him, umiinit na ang mga pisngi sa hindi ko malamang dahilan. Tumagal ang titig ni Uriah sa mga mata ko pero bumaba ang tingin n'ya sa yakap-yakap kong canvas.

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Where stories live. Discover now