Chapter 6

28.7K 1.1K 612
                                    

Chapter 6

Lumipas ang lahat ng parte ng program. Sa huling bahagi noon, tumugtog pang muli ng isang beses sina Uriah bago idineklarang puwede nang mag-dinner. Pinagmamasdan ko sina Uriah sa pagbaba sa stage habang nagse-serve na ng pagkain sa table namin ang waiters para sa party. 

Maingay ang table namin dahil sa ingay nina Samuel at nakikisabay pa ako dahil sa pagka-aliw sa kanila. Akala ko, pagkatapos kumain ay puwede nang hatakin si Uriah sa dancefloor pero tinawag ulit ang banda nila sa stage para tumugtog.

I can't believe it! Sila rin pala ang kakanta para sa background music ng unang parte ng afterparty kung saan puwedeng makipagsayaw!

Nakasimangot ko silang pinagmasdan habang tumutugtog ang malamyos na kanta. Maingay na ang crowd dahil sa hiyawan ng asaran dahil puwede nang makipagsayaw. Kumakanta na si Samuel ng isang slow song at tumutugtog naman sina Uriah roon. 

Narinig ko ang tawa ni Serah sa tabi ko kaya nakasimangot ko s'yang nilingon.

Wala na ang ibang mga kasama namin sa table. Mga parte ng student council at mukhang may mga pinagka-abalahan. O kung man, baka may mga kasayaw na rin ngayong gabi. Panay nga ang tayo nila, lalo na noong president kanina dahil maraming ganap sa event.

"Hindi ko 'to alam, Ri, I swear." She laughed.

Lalo akong napasimangot. I didn't see that coming!

Magsasabi pa sana ako ng kung ano nang may lumapit sa aming lalaki ni Serah. Akala ko ay si Serah ang lalapitan pero sa akin lumapit ang lalaki.

He's tall, medyo malapad ang mga balikat, at mukhang sporty dahil na rin sa buhok.

"Hey, can I ask for a dance?" The guy smiled.

He looks cute. Moreno at may matamis at friendly na ngiti. Maganda rin ang soot ngayong gabi. I bet he's in Grade 12! Mas mature kasi kaysa sa mga kaklase kong mukhang mga totoy pa.

"You are?" I asked.

"Alfie," He smiled.

Tiningnan ko si Serah. Kapag kasi sumama ako kay Alfie, iiwan ko s'ya sa table at mag-isa na s'ya roon. But I doubt that no one will ask Serah. Maraming nagkakagusto sa kan'ya kaya imposible 'yon. Ngumiti si Serah sa akin at sinenyasan akong sumama na kay Alfie.

Wala pa naman si Uriah. Bababa pa kaya sila r'yan? Maybe I can dance a bit. Basta ang last dance ay si Uriah!

Tumango ako bago tumayo. "Alright," I told the guy before I accepted his toned arms. 

He's manly, I realized. Palakaibigan ang ngiti. I wonder if he's part of the varsity? Sa katawan kasi ay parang fit s'ya roon. T'saka parang pamilyar ang mukha n'ya sa akin.

"I'm Areli, by the way," Pakilala ko sa kan'ya nang makakapit na ako sa balikat n'ya para sa pagsasayaw.

Ngumiti si Alfie at tumango. "I know."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. "You know?" Gulat kong tanong.

"You're quite popular. Hindi mo ba alam? Daming nagkakagusto sa'yo," He chuckled.

Kumunot ang noo ko. Bakit hindi ko alam?

"Dami mong followers sa Instagram, hindi mo siguro napapansin ang mga nagfa-follow sa'yong taga-Torrero." He smirked.

Napanguso ako. Naka-deactivate na ako sa Facebook at madalas akong maglagi sa Instagram at iba pang social media sites where I lost track of who follows me.

"Pero paano n'yo ako nakilala? I don't even involve myself in any clubs." 

"'Cause you're pretty?" He smoothly said, smiling afterward. "Daming gustong makipagsayaw sa'yo ngayon. Lalo na sa varsity." He smirked.

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Where stories live. Discover now