Chapter 3

32.9K 1.3K 493
                                    

Chapter 3

Panay ang kuwentuhan namin ni Serah habang nagda-drive ang kuya n'ya papunta sa kanila. Hindi ko mapigilan ang panay na sulyap ko kay Uriah pero mukhang hindi n'ya naman napapansin dahil tahimik lang s'yang nagmamaneho.

"Mahirap ba ang subjects n'yo, Uriah?" I asked Uriah after Serah and I finished talking about something.

Napatingin sa rearview mirror si Uriah para tingnan ako. Nang magtama ang mga mata namin, agad akong ngumiti sa kan'ya but he looked away, not returning my friendly smile.

"Oo." Tipid n'yang sagot. 

"Talaga? Ako, gusto ko sanang mag-arts and design. But I want to study interior design so I thought baka mas fit ako sa STEM." I said.

Sinabi naman sa aking mas mabuting arts and design ang kunin ko para sa kurso ko pero I figured that STEM would fit the course perfectly. At isa pa, wala akong pinagsisisihan. Mas nakikita ko si Uriah dahil STEM din s'ya.

Tiningnan ko si Uriah para sa reaksyon n'ya sa sinabi ko pero hindi na s'ya nagsalita at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Napanguso ako at sinulyapan si Serah. Nagpipigil na s'ya ng tawa sa front seat. 

"Ano bang course ang gusto mong kunin sa college?" Tanong ko kay Uriah, pinipilit pa ring makipagkaibigan.

Narinig ko ang buntong-hininga ni Uriah. "Med Bio." Tipid na sagot n'ya.

Agad akong namangha. Serah's smart. Is Uriah smart too? I haven't asked his sister that! Kasama kaya s'ya sa honor roll? I think so! Nasa hitsura n'ya naman. I'm not familiar with the course he wants to take pero mukhang mahirap. 

"Kuya wants to be a doctor," Si Serah na ang nagpaliwanag. 

"Wow! It suits you!" Manghang sabi ko kay Uriah pero hindi naman ako nakakuha ng kahit anong reaksyon sa kan'ya.

Agad na namula ang mga pisngi ko nang maisip ang puwedeng trabaho ni Uriah sa hinaharap. A doctor! Guwapong doktor! I can imagine him in his white coat and a stethoscope around his neck. Lagi siguro akong magpapa-check up! 

Agad na nabuwag ang ngiti ko nang may naisip. Gano'n din ang gagawin ng mga future na pasyente n'ya kung babae. Lalo na kung ob-gyn ang gusto n'yang line? Oh my god. Paano nga kung ob-gyn?

"A-Anong doktor?" Kinakabahan kong tanong. 

Mas tanggap ko pa kung Pedia. I mean. Mostly ay nanay ang magdadala sa mga anak nila. Right? I'm so dumb at these things! I think I should do some research!

"Ob-gyn?" I stuttered.

Marahas na napalingon sa akin si Serah, parang hindi makapaniwala na 'yon ang iniisip ko. I heared Uriah mumbling something at mukhang iritado dahil sa narinig n'ya sa akin. Agad na napabunghalit ng tawa si Serah.

"Areli, oh god!" Iling ni Serah at napanguso naman ako.

"Bakit? May ob-gyn naman na lalaki?" Inosenteng tanong ko.

"Meron but sobrang kaunti." Tawa ni Serah. 

"Bakit? What if Uriah is interested pala ro'n?" I asked.

Sinulyapan ko si Uriah at naabutan ko ang irap n'ya para sa sinabi ko. Agad akong napatawa.

"Sorry! Hindi ba?" I asked him and leaned a little closer to him. 

"No." He answered and mumbled something.

"Ha?" I asked, pretending that I did not hear him.

"No. Stop leaning forward." Malamig na sinabi n'ya, hindi ako nililingon.

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Where stories live. Discover now