Chapter 2

37.7K 1.3K 644
                                    

Chapter 2

"Walang girlfriend?" Nangingiti kong tanong kay Serah.

Pakiramdam ko, nagniningning na ang mga mata ko dahil sa nalaman ko. Kanina pa kami nag-uusap ni Serah at ikinu-kuwento n'ya sa'kin ang lahat ng tungkol sa Kuya n'ya.

Sabi n'ya, inis na inis s'ya sa mga nagkakagusto sa kuya n'yang si Uriah. Pero ang pinaka ikinaiinis n'ya ay ang mga babaeng ginagawa lang s'yang kaibigan dahil gustong mapalapit sa kuya n'ya. Gano'n din naman ang ginagawa ko pero ako, harap-harapan ko raw talaga s'yang ginagamit kaya imbis na mainis s'ya, natatawa s'ya sa akin. She's kind! Kalog din at sumasabay sa mga biro ko. However, she's more conservative and reserved than me.

I wonder why her brother's like that, though. Friendly kasi si Seraiah.

"Yuck!" She laughed.

"Hey, I'm serious, ha!" I chuckled. "Guwapo naman kasi talaga! I like his eyes!"

I'm not kidding. Dating pa lang ni Uriah, parang mapapasinghap na ang mga nakatingin sa kan'ya.

"My goodness, sobrang cringe?" Kunyaring kinikilabutan na sabi ni Seraiah. Nagpapanggap pang nanginginig. "No'ng nasa junior high school pa si Kuya, sikat na sikat talaga. Punong-puno ang locker ng gifts!"

Hindi na nakakapagtaka 'yon. Uriah's really attractive! Imposibleng walang magkakagusto sa kan'ya. Sa mga babae pa lang na nakasabay ko sa pagpunta sa auditorium, alam ko nang marami ang nagkakandarapa sa kan'ya.

"Walang girlfriend?" Ulit na tanong ko.

Pinaningkitan ako ng mga mata ni Seraiah at napangiti ako.

"Wala. Tatanda yatang mag-isa si Kuya." Iling n'ya.

Magsasalita pa sana ako pero agad na napunta ang atensyon ko sa lumapit sa amin ni Serah.

Napatingala ako at agad na umurong ang dila nang makita ko si Uriah, nakatingin sa akin. Agad akong nakaramdam ng kaba. Bigla-biglang sumusulpot! I wasn't even ready! Tumikhim ako at sinubukang ngumiti sa kan'ya but before I could even do it, he shifted his eyes to Serah kaya agad na nawala ang ngisi ko.

"Mama's calling you." He said in his cold voice. 

I stared at him. His features are beautiful. His eyes are almond-shaped. Matangos ang ilong. His lips are a bit thick and it looks really kissable. His wavy hair is giving him a soft look, sobrang iba sa mga mata n'yang mukhang laging malamig ang mga tingin.

Now that I can see him better, kamukha n'ya nga si Serah. Wavy rin ang buhok ni Serah at maputi rin gaya ng kuya n'ya.

Tumikhim ako. Napatingin sa akin si Uriah at kumunot ang noo n'ya pero ibinalik din kaagad ang tingin sa kapatid n'ya. Napangiti ako.

"Alright, Kuya." Sagot ni Serah sa kuya n'ya.

"Uriah, 5 minutes." Biglang lapit ng lalaking nakita ko kanina sa labas kay Uriah.

Napatingin din ito sa amin pero ibinalik din ang tingin kay Uriah. I think he's part of the student council. Naka-uniform kasi at mukhang tumutulong sa program.

"Alright," Tango ni Uriah bago sumunod sa lalaki.

Nang balingan ko ulit si Serah, napa-iling s'ya nang maabutan ang malawak na ngiti ko.

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Where stories live. Discover now