Chapter 33

36.1K 1.1K 295
                                    

Chapter 33

Uriah Penalver:
May pinag-uusapan kaming group work.
Can you wait for me? Sandali na lang 'to.

Napanguso ako habang nagsusuklay ng buhok sa tapat ng malawak na salamin sa washroom ng girls. Kanina ko pa pinauna sina Lyndon umuwi at nag-aayos na lang ako bago bumaba para sana kitain ulit si Uriah. Fortunately, his schedule fits mine kaya halos parehas ang oras ng uwian namin. Mas madali at convenient tuloy sa kan'ya ang pagsundo at paghatid sa akin.

However, there are days na late ang pasok nila sa umaga. Still, he goes to the coffee shop to meet me. Alam na nina Kuya 'yon kaya tuwing umaga, dalawa na kami ni Azriel na bumababa para bumili dahil alam nilang kay Uriah na ako sasabay papasok pagkatapos. Uriah would always treat us noong una, pero nang dumalas na, ako na ang sumaway dahil namumuro na sa pagpapalibre sina Azriel at Kuya.

"It's alright," 'yon ang sinabi ni Uriah nang sawayin ko ang kapatid ko.

Lalo akong napasimangot at napangiti naman si Uriah, naaaliw sa pagka-irita ko dahil ginagatasan s'ya ng mga kapatid ko.

"Frappe lang, kuya," ngisi ni Azriel kay Uriah sabay tingin sa akin.

I can remember pinching Azriel's side after that, pagkatapos ay hindi ko tinigilan si Uriah hanggang sa pumayag s'yang 'wag nang magbayad para sa mga kapatid ko. Pero kapag naman kung minsan, dumadalaw si Uriah sa bahay para bigyan ako ng kung anu-ano, idinadamay n'ya sina Mommy pati na ang mga kapatid ko.

Mama likes him already, lalo na no'ng minsang kina-usap n'ya muna si Uriah habang hinihintay ako. Praktikal daw kasi kung mag-isip, matalino, at higit sa lahat ay mukhang seryoso. Bagay daw sa akin dahil sutil ako. Kailangan ko raw ng lalaking medyo strikto.

Hindi nila alam, mas spoiled ako kay Uriah kaysa sa kanila.

Hindi na ako madalas kung mag-tweet tungkol sa cravings ko after Uriah went to our house in the middle of the night to give me donuts. Gusto ko ang ginawa n'ya and I really appreciate it. Sinungaling ako kung sasabihin kong ayoko ro'n. Pero alam ko rin namang hindi magandang itinitigil n'ya ang pag-aaral n'ya at bumabyahe nang medyo malayo sa kalagitnaan ng gabi para hatiran ako ng pagkain.

Areli Lopez:
Alright!
Hihintayin na lang kita sa cafe sa labas?

Uriah Penalver:
Alright. I'll see you there.

Ibinulsa ko ang phone ko at mabilis namang lumabas ng campus para makapunta na sa cafe. Medyo marami nang estudyante ro'n dahil uwian na ng karamihan. Agad akong pumila para um-order ng kape. I can still remember Uriah's type of coffee. Maybe I'll get that for him.

Nawala lang ako sa linya ng pag-iisip nang mapansin ko kung sino ang nasa harapan ko.

It was Yara Gomez with her friend. Nakatawa si Yara habang ganoon din naman ang kasama n'ya.

"You should've come with us, Aki," ngiti ni Yara sa kasama n'yang babae.

She looks pretty kahit na katatapos lang ng klase nila. I know that Med Bio is stressful pero sa mukha ni Yara at Uriah, parang hindi man lang sila nahihirapan dahil ang gaganda pa rin ng mga balat. 

Now that I'm standing near her wearing our senior high school uniform, pakiramdam ko ay isa akong bata kumpara sa kan'ya. 

"I was busy with class," ngiti naman ng babaeng kasama n'ya. "Maybe next time."

"Next time kung kailan wala si Abe?" Yara asked.

They're both wearing Clermont University's school uniform. Ang kasama ni Yara, mas maliit lang sa kan'ya nang kaunti, maputi, maganda, at maamo ang mukha. She looks like an angel. I feel like I've seen her before.

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora