Chapter 26

36.3K 1.1K 529
                                    

Chapter 26

Excited na lumapit sa akin si Lyndon at ibinalot sa akin ang mga bisig n'ya. Napatawa ako. Parang dati, ayaw n'yang hinahawakan ko, ah? Ngayon naman, niyayakap pa talaga ako!

Lyndon's hug felt like a woman's hug. Payat kasi s'ya at maninipis ang mga braso. 

Nang tinanggal ni Lyndon ang yakap sa akin, nagpunas pa s'ya ng kaunting luha sa mga mata bago ako binitawan. He cursed me and I chuckled. Nakita ko sa mga mata n'ya ang pangungulila sa akin. Kunwari pa s'ya! Alam ko namang mahal na mahal ako ni Lyndon.

At mahal na mahal ko rin si Lyndon. Spending time away from him made me realize how precious he was. I will meet many people... but I will always have Lyndon by my side, standing as the closest, most precious person I ever had.

Pain really makes you see the things you haven't seen before. A loss... after all, doesn't mean you didn't gain something. Dahil sa bawat pagkadapa, natututunan mo kung pa'nong tumayo. Sa bawat pagbagsak, matututo ka kung paanong bumangon.

And people won't see the pain you've gone through... they wouldn't be there at your lowest times. Kapag nanalo ka, 'yon ang makikita nila. They wouldn't be there when life goes hard on you. Karamihan ng tao, nand'yan sa panahon ng katagumpayan mo. It's sad... but it makes you see the most genuine people. Like Lyndon. Through ups and downs, he was always there.

After all, stars shine brighter at night. Sa gabi; sa punto ng kadiliman ng buhay makikita ang pagliwanag ng mga taong tila ba mga tala sa buhay natin. You wouldn't know that they are there during daylight, where you feel happy, blessed, and on top of the world. But when your life falls apart, the stars show up. Mas nakikita na sila nang mas mabuti. Mas nararamdaman sila nang mas klaro at buo.

That's Lyndon for me. He's a star in my night sky. He doesn't know because I am not really vocal about how I felt of him. Madalas na idinadaan ko sa biro ang lahat. But I appreciate him more than anything else.

It makes me want to give him everything he deserves. I shouldn't have left him here. Pero kung hindi ko naman mararanasan 'yon, hindi ko sobrang mapapahalagahan si Lyndon.

Nasa parking lot kami ng Clermont University, papasok na sa building para sa admission para sa grade 12 students ng senior high school.

I can see familiar faces glancing at us, mukhang nakilala ako at nagtataka na nandito ulit ako sa Clermont University.

"Trial and error lang ba para sa'yo ang Torrero University?" Tawa ni Lyndon.

Sinabi n'ya pa lang ang pangalan ng Torrero University, nairita kaagad ako. Nakita ni Lyndon 'yon kaya mas natawa lang s'ya sa akin.

"I hate that school," simangot ko.

"I hated it too because it hurt you," ani Lyndon at agad na uminit ang puso ko.

I hugged his arm and tried to pull him for a kiss but Lyndon immediately dodged my advances. Agad akong napahalakhak. Pakiramdam ko, mas tumangkad si Lyndon. Kung lalaki s'ya, I would choose him rather than Uriah.

"Ang sweet mo naman, baby, eh," I told him and Lyndon immediately cringed.

"Umayos ka nga, Aryn Valerie?" Diring-diring sabi sa akin ni Lyndon. "Kaya ka nasasaktan, eh!" Singhal n'ya sa'kin.

Napanguso ako. "Ito naman!" Reklamo ko pero natatawa. "Dahil wala na 'yung dating prospect ko, ikaw na ulit ang pipilitin ko," biro ko sa kan'ya at lalo lang naasar sa akin si Lyndon.

Dumiretso kami sa registrar ng senior high school para sa admission. Nakaka-miss! Dati ay nadadaanan ko lang 'to. Ngayong nakabalik ako, parang bumabalik sa akin ang mga dating ala-ala ko rito.

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Where stories live. Discover now