Chapter 4

30.9K 1K 350
                                    

Chapter 4

"Uy, Sam." Matalim na tingin ni Seraiah kay Samuel nang ihatid ako sa kotse nito.

Gabi na at magtatagal pa sana sila sa bahay nina Uriah kung hindi lang dahil sa akin. Sinabi ko namang puwede ako hanggang gabi pero tinapos na rin nila kaagad ang practice para sa akin. Dahil nakisabay lang ako sa pagpunta rito, isasabay na lang din ako nina Samuel pauwi. Ihahatid daw ako sa amin.

"Oo, Serah. Ihahatid muna namin bago kami umuwi," Tawa ni Samuel dahil sa nanlilisik na mga tingin ni Serah sa kan'ya.

Nakasunod lang si Uriah sa kapatid n'ya. His intese stare at Samuel told me that he's still not in the mood. Matapos ko kasi s'yang kulitin kanina, parang inis na inis na s'ya kaagad sa akin. Pinapangiti ko lang naman! Pero kung gusto n'yang totohanin, why not? I mean, I like him. A lot!

Napangisi ako lalo na nang tumama sa akin ang mabibigat at nanlilisik na mga tingin ni Uriah. Guwapo! His dark and intense stare suits his face very well. Mas nakakadagdag sa appeal n'ya ang pagsusungit. Hindi ko alam kung magandang bagay ba 'yon, pero para sa puso ko, siguro ay hindi. My heart feels so wild when he's around. 

Narinig ko ang mahinang tawa ni Samuel sa likod ko, mukhang natatawa dahil iritado ang best friend n'ya sa akin.

"Tara na, Areli, bago ka pa matunaw." Tawa ni Samuel at mas napangiti ako hindi pa rin inaalis ang tingin kay Uriah na ngayon ay madilim ang tinging binalingan ang kaibigan n'ya.

"Bye, Uriah!" Matamis na paalam ko sa kan'ya, may kasama pang maliit na kaway.

Malamig n'ya akong tinitigan. Hindi ko alam kung ano ang nagagawa ng malamig na titig n'ya sa ibang babae, pero sa akin, it makes him look more attractive to my eyes! 

"Guwapo!" I commented before I chuckled and turned around to leave, hindi na inabangan pa ang dagdag na iritasyon n'ya para sa'kin. 

Narinig ko ang tawa ni Samuel at nakita ko ang ngisi nina Jude dahil sa sinabi ko. Sa front seat naupo si Jude habang katabi ko naman sa likuran sina Ashton at Khalil.

"Ingat, Ri!" Matamis na ngiting paalam sa akin ni Seraiah habang nakita ko naman ang kuya n'yang naglalakad na paalis. 

Nakangisi ako nang tuluyan na kaming maka-alis sa bahay nina Uriah. 

"I saw Uriah's reaction a while ago, galit na galit!" Tawa ni Jude sa front seat. "Mula ngayon, barkada ka na rin namin, Areli." 

Natawa ako at tiningnan si Jude. 

"Uriah's really liked by girls pero ikaw lang yata ang gan'yan ka-bold." Ngisi ni Samuel sa front seat. 

"He looked really pissed. Akala ko nga ay magwo-walk out at hindi na itutuloy ang pagtugtog." Mahinang tawa ni Khalil sa malayong gilid ko. Pinagigitnaan kasi namin si Ashton na nakikingisi lang sa sinasabi nila at minsan ay abala sa phone.

"You really like him?" Lingon sa akin ni Khalil, medyo may ngiti sa mga labi.

"Hindi ba halata?" Natatawang tanong ko.

Masayang kasama ang mga kaibigan ni Uriah. Madadaldal kasi at friendly rin naman lalo na si Samuel at Jude. Hinatid nga nila ako nang maayos sa bahay. Minessage ko kaagad si Seraiah na naka-uwi na ako nang tuluyan na akong makapasok sa kuwarto.

Seraiah:
That's good!
I'm glad you're safe! Medyo may duda ako kay Sam, eh. Hahaha.
Kidding aside, alam mo ba? Kuya asked me kung bakit kita kaibigan? I can't help but laugh.

Agad akong napatawa habang binabasa ang text ni Serah. Agad akong nag-reply.

Areli:
Galit na yata sa akin, eh.
He's so cold! I was just trying to make him laugh. Pero if he'll take it seriously... why not, right?

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Where stories live. Discover now