Chapter 29

37.2K 1K 364
                                    

Chapter 29

Pinunasan ko kaagad ang mga luha ko. I feel like I'm slowly crumbling. Seeing him making an effort to approach me melts my anger. Pero may takot pa sa puso ko. My anger, I think he can easily make it fade away. Pero ang takot ko, pakiramdam ko, mananatili pa.

Kaya kahit nang tawagin ni Uriah ang pangalan ko, hindi na ako huminto pa sa paglalakad at dumiretso na lang papasok ng cafe. My heart breaks for him... but I don't think I can face him yet.

Hindi ko alam kung bakit hindi pa s'ya tumitigil. Ang dating Uriah, hindi naman magtitiis nang ganito. Baka sa unang beses na hindi ko tinanggap ang binigay n'ya, kung s'ya ang dating Uriah, baka nga tumigil na s'ya nang tuluyan at hindi na ako lapitan pa ulit.

But for the next days, he was always there, trying to give me coffee. Minsan ay may kasamang pastry. I would ignore him kahit na nakuha n'ya naman ang mga gusto kong orderin. Everyday, with no fail, nandoon s'ya sa harap ng coffee shop, paulit-ulit na sumusubok na bigyan ako ng kape.

Kinakalas ko ang seatbelt ko, bumubuntong-hininga dahil nakita ko na naman si Uriah sa labas ng coffee shop, nagbabasa ng libro habang naghihintay para sa akin.

"Ate, sasama ako," sabi ni Azriel na nagpalingon sa akin. "Ako na'ng mamimili ng sa'kin. I want to try something else," aniya.

Tumango ako. "Alright."

Sabay kaming lumabas ng sasakyan ni Azriel. Maaliwalas ang panahon at medyo maiinit pa nga. Kanina pa kaya si Uriah sa labas ng coffee shop? Anong oras kaya s'ya kung pumunta d'yan?

Malayo pa ang bahay nila rito. Gumigising pa ba s'ya nang sobrang aga para maabutan ako sa labas ng coffee shop? Anong oras din kaya ang klase n'ya? Maaga rin ba? Hindi ba s'ya nale-late sa paghihintay sa'kin? Sa tuwing nakikita ko ang mga kapeng ibinibigay n'ya, mukhang mainit pa naman.

Nang mag-angat ng tingin si Uriah mula sa pagbabasa ng libro at nagtama ang mga tingin naming dalawa, agad n'yang sinara ang libro at inabangan ang pagdating ko. His eyes drifted to Azriel then back at me. Agad akong nag-iwas ng tingin.

Nang medyo makalapit kami kay Uriah, Azriel doesn't seem to notice him because he continued talking to me.

"Ate, medyo late pala ang uwian ko mamaya. Hindi kita maisasabay," ani Azriel.

Late ang uwi ni Kuya Abdiel mamaya kaya kay Azriel sana ako sasabay. Pero dahil mukhang may gagawin din s'ya after class, mukhang pati sa kan'ya, hindi na rin ako makakasabay pauwi.

Tumango ako. Nang lagpasan namin si Uriah, hindi ko s'ya binalingan at pinansin.

"Alright. Baka kay Axel na ako sumabay," I said before I pushed the door open.

"Bati na kayo, Ate?" Tanong ni Azriel habang itinutulak na rin ang pinto para pagbuksan ako no'n.

Nang tuluyan na kaming makapasok, agad akong napabuga ng hangin. Azriel looked at me in confusion, wondering about my deep sigh.

"Bati na kami," sabi ko, pinipigilan ang sariling lingunin si Uriah at dumiretso na sa cashier.

Bumili na kami ni Azriel doon. I was feeling uneasy until we finished buying. Nang makalabas kami, wala na ro'n si Uriah.

I was bothered, once again, the whole day. Araw-araw na yatang okupado ni Uriah ang isipan ko dahil sa madalas na pag-aabot n'ya ng kape sa umaga. I wonder if I made him feel this way before. Naiisip n'ya rin kaya ako at ginugulo ko rin ang buong araw n'ya dati?

Kahit na hindi ko naman tinanggap ang mga kapeng ibinibigay n'ya, pakiramdam ko, sa bilis ng tibok ng puso ko, parang tinanggap ko na rin ang mga 'yon at ininom.

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Where stories live. Discover now