Chapter 21

31.7K 949 293
                                    

Chapter 21

Lumipas na ang weekend pero baha pa rin ang notifications ko. Nang malaman nga ni Kuya ang pagkalat no'ng picture, nagalit na naman s'ya sa akin pero kinokontra ko ng biro kaya sa huli, wala rin namang nagawa. Azriel is kind of pissed with me too. Panay kasi ang kausap sa kan'ya ng mga kaklase n'ya tungkol sa akin at wala naman s'yang maibigay na matinong sagot dahil wala naman akong sinasagot na matino sa lahat ng mga tanong n'ya. 

Sa tuwing nagtatanong s'ya kung ano raw ba ako ni Uriah, I always tell him that I am his suitor. Totoo naman! 

"Seryoso kasi, ate," frustrated na tanong ni Azriel, nakahiga na sa kama ko at mukhang pagod na sa kakatanong.

"Bakit ba ayaw mong maniwala?" Natatawang tanong ko na hindi n'ya pinansin.

Malaki ang kama ko but because Azriel is spreading his long arms on my bed, nasa sulok na ako ng kama ko at parang s'ya na ang may-ari no'n at hindi ako. I scrolled on my phone and read more comments on my pictures. Pumunta ako sa settings at nag-customize ng comments para sa mga 'yon.

Hindi ko rin alam kung bakit madalas s'yang nasa kuwarto ko. Maluwag naman ang kuwarto n'ya. O baka kasi hindi n'ya kasama ngayon ang barkada kaya naghahanap ng makakasama sa pagwawaldas n'ya ng oras.

"Pati si Axel, tinatanong ako," he said. 

Kumunot ang noo ko at napatigil sa ginagawa. Tiningnan ko si Azriel at nakita kong nakapikit na s'ya, mukhang inaantok.

"Kinaka-usap ka?" I asked.

"Tinanong nga, ate, eh," lingon sa akin ni Azriel at sinipa ko s'ya nang kaunti kaya tiningnan n'ya ako nang masama. "Isang beses lang. No'ng magkasalubong kami," aniya.

"Dapat sinuntok mo," I kidded.

"Puwede ba?" He asked at agad ko s'yang tinabunan ng unan sa mukha kaya napatawa. 

Agad ko s'yang pabirong pinangaralan na hindi dapat s'ya nakikipag-away dahil hindi 'yon tama pero agad n'ya namang ibinalik sa akin ang mga sinasabi ko.

"Mas nakikipag-away ka pa kaysa sa'kin, ate. Hindi ba dapat sa sarili mo sabihin 'yan?" He laughed at agad ko s'yang hinabol ng batok.

Hinayaan ko na lang ang tungkol kay Axel. Ayaw ko nang isipin pa s'ya dahil lalo lang sumasama ang mood ko. Pero nang mag-Lunes at magka-usap kami ni Lyndon sa phone, si Axel na naman ang topic naming dalawa. 

"Lagi ka n'yang tinatanong sa'kin," sabi ni Lyndon, tinutukoy si Axel, sa kabilang linya ng tawag habang nakapila ako para bumili ng kape.

I'm a little bit late from my usual time pero maaga pa naman at maaabutan ko pa si Uriah. Medyo maulan kasi sa labas at malamig na ang panahon dahil October na. I wore a white hoodie, 'yung kay Uriah dapat ang sosootin ko pero baka bawiin n'ya sa akin kapag nagkita kami kaya hindi ko na lang sinuot. 

"Why didn't you tell me?" Tanong ko kay Lyndon.

"Why would I tell you? Bakit? May balak ka bang kausapin?" Sarcastic na tanong n'ya at napa-irap din tuloy ako.

"Hindi. Pero sana hindi ako nagugulat," I said as I smiled at the cashier at sinabi na ang usual na binibili ko.

"Tinatanong n'ya lang kung kamusta ka na," sabi ni Lyndon sa kabilang linya ng tawag nang marinig n'yang tapos na akong um-order. "No'ng una, he's asking me kung saan ka lumipat. But since you've been updating your social media accounts regularly, nalaman n'ya rin namang nasa Torrero ka na," ani Lyndon.

"What a stalker," iling ko.

"'Wag ka nang magulat kung isang araw, makita mo s'ya r'yan sa TU," ani Lyndon at napabuntong-hininga ako.

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Where stories live. Discover now