Chapter 16

29.8K 1.1K 586
                                    

Chapter 16

Sa likod ako ng sasakyan naupo kahit na puwede namang sa harapan. I just eyed Seraiah, silently telling her to sit in front with her brother because I don't have the confidence to entertain his brother yet. Kumakabog ang puso ko sa kaba kanina nang magtanong s'ya kung may naiwan ba ako at hanggang ngayon, gumagalabog pa rin ang puso ko at hindi ko matingnan sa mga mata si Uriah.

Nakakainis! I was always confident around Uriah! But I noticed that ever since I have fully accepted the fact that my feelings for him are getting more serious, nagsimula na akong maging conscious sa lahat ng ginagawa ko sa tuwing nasa paligid s'ya.

It doesn't help that I started getting reactions from him. I mean, I am happy about it but he messes up my feelings so much that it makes me fall for him even more. I don't know if that's exactly a good thing, but I am currently in a love and hate relationship with it. I hate that it makes me self-conscious but I love that Uriah makes my heart flutter.

It makes me feel anxious too. I don't know how Uriah will react if he knew that I am not just liking him but... loving him. Or maybe, he just won't care. Right? That's what he'll do. That's the closest to reality. Nakaramdam ako ng kaunting kurot sa puso ko pero hindi ko na lang 'yon pinansin at tumanaw na lang sa labas ng bintana ng sasakyan ni Uriah. 

"Hey, Areli," mahinang tawag ni Samuel sa akin.

Katabi ko s'ya at napapagitnaan namin ni Jude na ngayon ay maingay na nakikipag-kuwentuhan kina Ashton.

"Yeah?" I asked.

"My birthday's coming up. You're invited," ngiti n'ya sa akin.

"Sure!" Ngiti ko, bahagyang tumatawa. "Kailan ba?"

"Just a few days from now," aniya at ngumiti. "Tayo-tayo lang and some childhood friends and classmates. Casual party sa bahay."

Tumango ako. "Sure! Free drinks?" I chuckled.

Napatawa si Samuel. "Minor ka pa."

"And so are your friends," I pointed out and Samuel smiled. "For sure may minors din. So... free drinks?" I chuckled.

Tumango si Samuel. "Hindi ba magagalit ang kuya mo?" He asked. 

I wanted to ask kung paano n'ya nalaman na may kuya ako but I realized na s'ya pala ang kasama ko noon habang hinihintay si Kuya sa pagsundo sa akin.

"Kung hindi n'ya malalaman," I shrugged and Samuel shook his head, smiling, iniisip sigurong sobrang pasaway ko. I am, actually. I admit that. Hindi naman ako magiging sakit sa ulo nina Mommy kung hindi.

Nang maihatid na ako sa harap ng bahay, agad na uminit ang mga pisngi ko nang ma-realize na ito ang unang beses na napunta si Uriah dito. Agad akong nagpaalam sa kanila bago bumaba. Naabutan ko si Kuya, nag-aabang sa labas ng mataas naming gate, nakataas ang kilay habang nakatingin sa sasakyan ni Uriah.

Tiningnan ko si Kuya at nginiwian bago muling bumaling sa kotse ni Uriah at kumatok sa bintana ng driver's seat.

Uriah's gaze met mine and I smiled at him sweetly.

"Salamat," I told him. "Ingat ka--- I mean, kayo?" Hindi ko siguradong sabi.

Narinig ko ang mura ni Jude sa likod. "Ayaw mo bang maka-uwi kami nang ligtas, Ri?" Tawa n'ya.

Napatawa ako at bahagyang sumilip sa loob para kumaway sa kanila. Then I looked at Uriah again who's still staring at me kahit na medyo malapit ang mga mukha namin.

"Bye, baby," I whispered and chuckled. 

Umirap si Uriah bago umambang aalis na kaya natatawa akong umatras.

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Where stories live. Discover now