Epilogue

47.1K 1.8K 1K
                                    

Epilogue

Mga bata pa lang kami, alam ko na na marami ang gustong makalapit sa akin. At first, I didn't care about it. Pero nang naapektuhan ang kapatid ko, I realized how I hated getting other people's attention.

Kumuyom ang panga ko habang pinagmamasdan ang pag-iyak ng kapatid kong si Seraiah. Hindi s'ya lumalabas ng kuwarto n'ya magmula pa kaninang umaga kaiiyak. Nag-aalala na si Mama dahil hindi s'ya bumaba para kumain. Ni hindi pa s'ya nakakapagpalit ng damit. Basang-basa na ang mga pisngi n'ya ng mga luha at punong-puno ng mga hikbi n'ya ang bawat sulok ng kuwarto.

Serah and I are close in a different way. Hindi kami tulad ng ibang magkakapatid na naglolokohan at nakikipagbiruan sa isa't isa because I am not like that. I've been a brother to her in a different way. I always protect her and defend her from anything.

Mabait si Serah kaya madalas na naaabuso. That's why I always try to protect her from everybody. Kaya ngayong nakikita kong umiiyak s'ya, I feel like I failed to do my job.

"What is it?" I sighed.

Pero patuloy lang s'ya sa pag-iyak. Umupo ako sa gilid ng kama n'ya at hinila ang kamay n'ya papalapit sa akin. I enveloped her inside my arms and she cried more when I finally hugged her.

Later that day, sinabi sa akin ni Mama kung bakit umiiyak ang Grade 7 ko pa lang na kapatid.

"Narinig n'ya raw ang mga kaklase n'yang babae na kaibigan n'ya, pinag-uusapan s'ya," stressed na sabi ni Mama at napasapo sa sintido. "They used her to get closer to you, Uriah?"

Kumuyom ang panga ko at nakaramdam ng galit. Close to me? How?

Siguro dahil kapag kaibigan ni Serah, nakikipag-usap ako. Siguro kasi, kapag alam kong kaibigan ni Serah ang ang nagbigay, tinatanggap ko.

Ever since that day, I made sure to avoid Serah's friends. Kapag mag-isa s'ya, sinasamahan ko s'ya sa break times. At kapag may mga bago s'yang kaibigan, umiiwas ako para malaman nilang hindi nila magagamit ang kapatid ko para makalapit sa akin.

"Why would you bring your friends here?" Galit na tanong ko kay Serah, isang araw nang maka-uwi na ang mga kaibigan n'ya galing sa bahay namin.

Hindi ba s'ya nag-iisip? The more she brings her friends here, the more they'll realize that they can get closer to me through her! One of them even tried to enter my freaking room.

"We just want to hang out, Kuya," aniya, nalulungkot dahil sa galit na bungad ko sa kan'ya nang maka-alis na ang mga kaibigan n'ya.

Kumuyom ang panga ko at natauhan sa malungkot na ekspresyon ni Serah. Maybe she already knows what she's doing. Siguro ay totoo na nga ang mga kaibigan na nakuha n'ya. Kung pagbabawalan ko s'yang makipagkaibigan, I know that I will only make her life miserable.

I realized that unlike me, Serah loved making friends. Mana kay Mama. Gustong laging may kasama o kausap. Kaya naman kahit na tingin ko ay ginagamit lang naman s'ya ng lahat ng nakikipaglapit sa kan'ya, I gave her the benefit of the doubt.

'Yon nga lang, nang umuwi na naman s'yang nanlulumo isang araw, halatang galing sa pag-iyak, alam ko na ang dahilan.

Kaya nang unang beses kong makita si Areli, hindi ko mapigilang pagdudahan din s'ya kung bakit naging kaibigan n'ya si Seraiah.

She looked pretty. She knows how to dress up. Sa lahat ng nasa orientation ng araw na 'yon, s'ya ang nakakuha ng atensyon ko. I just hated that she was with Serah. I have sworn to not entertain any of Serah's friends. Tumatak na sa isip ko na hinding-hindi ako makikipaglapit sa kaibigan ng kapatid ko.

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Where stories live. Discover now