Chapter 5

30.7K 1.1K 429
                                    

Chapter 5

Magarbo ang ayos ng buong venue. Maliwanag sa loob ng event at theater-style. Asul ang theme ng buong event, taliwas sa mga theme ng suot namin but despite that, it complemented each other nicely. Maingay ang classical music sa speakers at dinig ko ang tawanan ng mga nagkakatuwaang estudyante.

Ten chairs surround each rectangular table covered with dark blue linen. Sa bawat table ay may centerpiece na gawa sa kahoy at may mga bulaklak na nasa kulay asul at puti.

"Will we sit with your brother?" I asked Serah excitedly.

Tumango si Serah at ngumiti sa akin. Ang hikaw n'yang simple at may kahabaan ay sumayaw sa magkabilang tainga n'ya dahil sa pagtango.

Dalawang linggo pa lang halos ang klase, sikat na ang pangalan ni Serah sa campus lalo na sa mga lalaki. She didn't get known because she's Uriah's sister. Instead, she got known because she's really pretty, friendly, and kind.

"I knew you'd ask kaya sinabi ko kay Kuya na gusto kong magkasama kami sa table," Ani Serah, bahagyang napa-isip.

Tumango ako at excited na tumanaw sa paligid. Marami na ring nandito. Sobrang dami ng estudyante sa senior high school department ng Torrero University pero na-cater naman ng buong venue ang malaking bilang. Maraming estudyante mula sa iba't ibang strands. I don't really see the point of all this. Sa sobrang dami, magiging pamilyar ba talaga kami sa isa't isa? Only the famous students who stand out ang nakikilala ng mga estudyante.

Halimbawa, sina Uriah. Dahil guwapo sila at kilala ang banda nila, makikilala talaga sila ng buong senior high school department. Isama na pati si Eli Dasilva, si Abe Frontera, at ang iba pa. Makikilala rin ang isang estudyante kung parte s'ya ng isang varsity o 'di kaya ay student council at kung kasama sa honor roll tulad nina Leion Zendejas. Paano kung hindi parte ang isang estudyante sa kahit saan doon? Papasok s'ya ng Torrero University at lalabas nang walang nakakakilala sa kan'ya bukod sa mga naging kaibigan n'ya.

"Frida!" Napatingin ako kay Serah nang may tawagin s'yang babae.

A girl looked at us. Nakasuot s'ya ng simpleng itim na dress. Walang espesyal sa soot n'ya pero nag-stand out naman ang ganda n'ya. Simple lang din ang make up at naka-braid ang buhok n'ya sa gilid. Halatang hindi n'ya binigyang effort ang event na 'to but still managed to look beautiful. I haven't seen her before.

"Hi," Frida chuckled and went to us. Ngumiti s'ya.

"Dito ka na pala ulit nag-aaral?" Manghang tanong ni Serah sa kan'ya.

Frida chuckled and nodded. "Oo," She smiled. "Ang kuya mo? Tutugtog sila, I heard?"

"Yeah," Serah smiled and flinched when she remembered that I'm with her. "Ito nga pala si Areli."

Napatingin sa akin si Frida and I shifted uncomfortably because she caught me watching her. She looks really smart. 'Yung dating n'ya, parang isang simpleng babaeng matalino. I can't really describe her well because I can't find the right words. I just feel like she holds many stories in her eyes.

I smiled at her and greeted her with my friendliest tone. "Hi."

"Hi," She smiled back. "I'm Frida. HUMSS student from Grade 12." Pakilala n'ya sa sarili.

HUMSS student! I always thought of HUMSS students as smart kids. Tingin ko nga ay nasa strand nila ang lahat ng valedictorians noong junior high school.

"I'm from STEM," Ngiti ko sa kan'ya. "Smart ka siguro? Halata kasi sa'yo t'saka sa HUMSS ka pa."

Nakita kong bahagyang nahiya si Frida pero tumawa s'ya. She looks really matured! The way she looks, stands, talks, and even the way she laughs.

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Where stories live. Discover now