Chapter 20

32.5K 1.1K 355
                                    

 Chapter 20

Nakasimangot si Uriah nang matapos ang palabas. Tiningnan ko s'ya sa tabi ko at hindi ko mapigilan ang namumuong ngiti sa mga labi ko. Uriah looked at me at tumalim ang tingin n'ya sa'kin. 

Nakatitig lang s'ya sa screen habang pinapalabas ang movie kanina, mas malamig pa yata sa title ng palabas ang tingin n'ya ro'n. Kahit nang nasa pagtatapos na ang palabas at medyo naiiyak kami ni Serah, he just stared at the screen as if he was bored as hell. 

"Ang ganda, 'di ba?" I asked him after the credits showed and I laughed.

Tumawa rin si Serah. "Let's watch another one!" Aya n'ya.

Napabuntong-hininga si Uriah at tumayo na mula sa pagkaka-upo. Sinundan ko s'ya ng tingin at naka-abang na ang nang-aasar kong ngiti para sa kan'ya.

"Sabihin n'yo kung tapos na kayo," malamig na sabi n'ya sa amin.

"Bakit?" Tanong ko.

Tiningnan ako ni Uriah. "Ihahatid kita," aniya bago umambang aalis.

Napangiti ako at tumango. Ihahatid n'ya ako! Seriously! Ano ba ang ipinakain ko kay Uriah?

Kaya kahit na gusto ko naman ang movie na sunod naming pinanood ni Serah, hindi ko mapigilang ma-excite sa pag-uwi. 

Natatawa si Serah nang excited akong nagligpit ng mga ginamit namin sa theater room pagkatapos naming manood. 

"Ako na ang tatawag sa kan'ya," excited na sabi ko kay Serah at natatawa naman s'yang tumango sa sinabi ko. 

Lumabas ako ng theater room at dumiretso sa second floor kung nasaan ang kuwarto ni Uriah. Tumikhim ako at sinuklay nang kaunti ang buhok bago umambang kakatok sa kuwarto n'ya. But before I could even knock, narinig ko ang mahinang tugtog galing sa music room sa tabi ng kuwarto.

Bahagyang naka-awang ang pinto noon. Sumilip ako at nakita ang likod ni Uriah, naka-upo sa upuan sa tapat ng isang keyboard at tumutugtog. It was the song that I requested before. Tahimik akong pumasok sa loob at pinanood ang pagtugtog ni Uriah. Na-upo ako sa sofa at pumangalumbaba habang pinanonood s'ya.

Napangiti ako at naramdaman ang init na bumalot sa puso ko habang pinakikinggan ang pagtugtog n'ya. He's really good. Parang ang lahat ng emosyon n'ya, hindi ko man makikita sa kan'ya, maririnig ko sa pagtugtog n'ya. Napangiti ako lalo nang dumating s'ya sa chorus at kinagat ko ang labi ko. 

His music is ringing on my ears. Sweet, calm, and loving. A guy as cold as him playing a happy song as this. Really. How cute and heartwarming. Hindi ko mapigilang umasa. Why would he choose this song, right? He doesn't usually play songs like this. Madalas na OPM ang tinutugtog nila at iyong medyo malakas ang beat. 

Uriah softly pressed the last keys for the ending of the song before he sighed and stood up. Nang mapatingin s'ya sa gawi ko ay agad ko s'yang nginitian.

"Tapos na?" He asked.

Tumango ako at tumayo na, sinasalubong ang paglapit n'ya.

Hindi sumama si Serah sa paghatid sa akin ni Uriah pauwi kaya kaming dalawa lang ang nasa sasakyan. Hindi pa ako nagsasalita mula kanina nang umalis kami sa kanila hanggang ngayong halos malapit na kami sa bahay namin.

Medyo malayo ang bahay nina Uriah dahil malapit ang kanila sa Torrero University habang ang bahay naman namin ay malapit sa Clermont University. Mahina ang tugtog sa stereo ng sasakyan n'ya at napapansin ko ang sulyap n'ya sa akin minsan.

"You're still  mad?" Tanong n'ya sa gitna ng katahimikan sa pagitan naming dalawa at nilingon ko s'ya.

Umiling ako. "Hindi na," I said, realizing that I'm about to go home and I don't want us to part ways like this.

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Where stories live. Discover now