Chapter 35

38.1K 1.4K 557
                                    

This is the last chapter before the Epilogue! Thank you! See you on the next and LAST heartbreaker. :))

Chapter 35

Nang umalis si Serah, nanatili ako sa balkonahe ng bahay nila at tumanaw sa malawak na bakuran. The wind blew, as if it was drying my unshed tears. My heart felt a little heavy from talking to Serah, but with the silence of the night, I felt at peace.

Marami pa akong tanong... pero siguro nga, may mga tanong tayo na hindi agad masasagot.

"Areli," tawag ni Uriah sa likod ko.

Alam kong s'ya 'yon dahil dito s'ya dumiretso pagkatapos nilang tumugtog. Nilingon ko s'ya at agad na nginitian nang makita ko.

"Ang galing mong tumugtog, walang pinagbago," I chuckled.

Sumandal ako sa barandilya ng balkonahe nila. Lumapit si Uriah sa akin, as if he was observing me dahil alam n'yang may bigat sa puso ko. Ngayong nandito s'ya, baka hanapin s'ya ng mga bisita n'ya sa baba. I wonder if he really wants to throw this party o baka napilitan lang din s'ya.

I know that he doesn't like crowds.

Inilahad ni Uriah ang kamay n'ya at napatingin ako ro'n. Napabuga ako ng hangin bago tinanggap ang kamay n'ya. Hinawakan 'yon nang mahigpit ni Uriah at namuo ang mga luha ko habang nakatitig doon. Kahit na hinawakan n'ya lang naman ako, pakiramdam ko, inaalo n'ya ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Lahat ng sakit na hindi ko alam na nararamdaman ko pala.

Minsan, napapa-isip ako kung kilala ko ba talaga ang sarili ko. Kahit na sobrang sakit na pala, hindi ko napapansin madalas na nasasaktan ako. Maybe because I always took things lightly. Panay ang iwas ko sa lahat ng bigat, sakit, at takot. Subok ako nang subok na humanap ng bagay na maipangtatapal ko sa lahat ng sakit.

But the thing about pain, we can only find healing to those who have hurt us. Ang malaman... kung bakit ka nila nasaktan. Ang malaman kung bakit nila nagawang iparamdam sa'yo ang lahat ng 'yon. At intindihin ang lahat ng 'yon pagkatapos because that's the only choice you're left with to heal. Through that, you'll be able to move on from all of it. Pain... requires complete forgiveness and acceptance.

Slowly, Uriah pulled me and enveloped his arms around me. Lumapat ang pisngi ko sa dibdib n'ya at narinig ko ang tibok ng puso n'ya. When I felt how comforting his hug was, my tears started welling up. Bumigat ang dibdib ko at lumalim ang paghinga.

Nang hinagod ni Uriah ang likod ko, that's when I started sobbing. Sinuntok ko ang dibdib ni Uriah at natawa.

"Pinapaiyak mo naman ako, eh," I told him but I bit my lip afterward because it started shaking.

Bumuhos pa lalo ang mga luha at bumalik sa alaala ko ang lahat ng sakit na nararamdaman. Pero sa bawat hagod ni Uriah sa likod ko, pakiramdam ko, binubura n'ya ang lahat ng sakit na nararamdaman ko pati na ang mapapait na alaala.

I closed my eyes and I let my tears fall.

"Sorry, I wasn't there," he said.

I clenched my fist on his polo.

"Did you know?"

"I didn't know," Uriah said. "If I had known, hindi na sana kita iniwasan," he mumbled and his hug tightened around me. "I'm sorry, Areli."

"I was alone," I mumbled.

"I'm sorry," he mumbled.

Kinagat ko ang labi ko. "I left because I hated Torrero University."

Humigpit ang yakap sa akin ni Uriah. "I'm sorry."

Unti-unti, ibinalot ko ang mga braso ko kay Uriah at niyakap s'ya pabalik. I was at peace. Being inside his arms made me feel protected.

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Where stories live. Discover now