Chapter II

127 18 16
                                    

MARRIAGE IS LIKE a rubber place mat in a glass table. Some may look into it like displays or something unnecessary, but some see it as security and assurance that one thing could be avoided to break or fall.

But it isn't easy to place one. It isn't easy to trust those rubber mats alone. People who would eat should also take good care of their belongings.

I sighed and held my breath for more than I could count as someone touched my shoulder, not because of how it felt but because of the thoughts that kept on bugging the hell out of my head.

My mind got cloudy, and it seemed like my eyes were going to pour some rain. Kaya ilang beses akong napakurap para pigilang maiyak sa sitwasyon kung nasaan ako ngayon.

Peke akong napatawa nang biglang may maalala. Sabi nila, balikan ko raw yung masasayang parte ng pag-aasawa tuwing naiisip kong bumitaw pero tuwing naiisip ko 'yon, puno lang ng panghihinayang ang nararamdaman ko.

Bakit kami umabot sa ganito ni Caleb?

I was about to be more emotional when I was stopped by the sensation that wrapped my body. I moaned as I felt ticklish at my lower back. Nang marinig 'yon ni Laurice ay natawa naman siya.

"Sarap na sarap?" she asked rhetorically. Pero mayâmayâ ay napaungol na rin siya kaya naman hindi ko naiwasang patagong ngumisi.

She cleared her throat as she went back to what we were talking about. "Pero mabalik tayo sa usapan. . . Maybe he has schizophrenia. What do you think? Baka naman hindi mo napapansin, nababaliw na ang asawa mo. I watched a clip about that thing actually and it might happen to someone like him na pasan lagi ang mundo!" hinala niya. Ayaw niya talagang tigilan si Caleb dahil sa sobrang inis kahit na ilang beses ko nang iniba ang usapan.

Naikwento ko sa kanya ang pinag-awayan namin at halos itulak niya ang massage therapist na naka-assign sa kanya sa katatawa.

"Laurice," tawag ko sa pangalan niya na may halong pagbabanta dahil kung ano-ano na naman ang naiisip niya.

"What?!" giit niya naman. "Sino ba namang tanga ang mag-iisip na tayo? We've been friends since high school! I'm not against LGBTQIA+ nor I find you disgusting pero eww! I'm straight at kung hindi man, hindi ikaw ang papatulan ko ano. Doon pa rin ako sa girl version ni Poli."

"Patay na patay ka sa boyfriend mo, ano?" sabay ismid ko sa maganda niyang love life.

"Hindi mo alam kung gaano ako kaswerte sa nag-iisang Policarpio Salvador," she said as if daydreaming.

"Kapag naging asawa mo na kaya 'yan, ganyan pa rin si Poli?" tanong ko sa kanya.

"Sa tingin mo ba, lahat ng lalaki ay katulad ni Caleb?" balik niyang tanong sa 'kin na hindi ko nasagot. Umangat pa siya saglit para lang sa tanong na 'yon. Natawa naman siyang bahagya nang makita niyang natahimik ako, saka bumalik sa pagkakadapa. "Selene Aurora, 'wag kang bitter, okay?" pangaral niya pa.

"Fine. Pero mag-ingat ka pa rin," I said in finality.

"I know, pero alam ko ring nasasabi mo lang 'yan dahil hindi mo pa siya nakikilala," sumbat naman niya.

Bago pa ako makapagsalita ay pinutol na kami ng massage therapist na naka-assign kay Laurice. "Ma'am, tapos na po," sabi nito.

"Sige. Mamaya na kami. Pwede na muna kayong umalis," utos niya na akala mo ay may-ari ng Alquiza Salon and Spa kung nasaan kami ngayon.

Tiningnan ko siya na may halong pangungutya at napansin niya naman 'yon. "Yung tingin mo, ha. Kilala ko may-ari nito."

No doubt, she's my best friend. Parang iisa lang ang takbo ng utak namin. Napatawa na lang kami parehas matapos ma-realize 'yon.

THE CAR CLICKED as Laurice went out of it and followed me to my unit. "Sure ka? Okay ka lang na umuwi?" She came closer and caressed my arms.

"For how many times, ilang beses ko nang narinig 'yan. Kaya ko ang sarili ko. Pag-uusapan namin ni Caleb 'to at maaayos namin ang problema namin. Kung hindi, lagot siya sa 'kin." I faked a laugh, fake sounding like I have huge hope on what was happening between the two of us.

May gusto pa sanang sabihin si Laurice nang mapatingin kami sa pinto. Bumukas ito at bumungad sa amin ang galit na si Caleb. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hindi siya umimik pero hinatak niya ako papasok, sinara ang pinto, hanggang sa namalayan ko na lang na naitulak na niya ako sa kusina.

"Wala ka talagang kahihiyan. Sa harap pa talaga ng unit natin, Sera?! May anak ka na!"

"May anak ka na rin naman pero para kang bata kung mag-isip!" bulyaw ko saka hinawi ang kamay niyang mahigpit ang pagkakahawak sa braso ko.

Hindi ko siya nilingon at dire-diretsong pumunta sa sala kung saan nandoon si Calley. Nakita ko siyang natutulog na kaya medyo nakahinga ako nang maluwag. Nang bigyan ko naman ng pansin ang kabuoan ng lugar, nakita kong kung ano ang naiwan ko kanina ay napanganga ako.

"Hindi ka man lang naghugas ng mga pinggan?" Dumiretso ako ng ref at napatigil nang makita ang laman nila. "Hindi mo man lang nilipat sa tupperwear yung tirang ulam para hindi mangamoy ang ref. Nakabuyangyang lang yung mga pagkain sa loob pati mga balot ng chichirya. Wala man lang refill ng tubig." Sunod-sunod ang mga salitang binitawan ko.

"Ako na naghanap ng makakain, pinakain ko na si Calley, nilinis ko yung kalat niya tapos ako pa magliligpit ng hugasin? Hindi ba trabaho mo na 'yan?" paratang niya.

"Caleb, wala ako kanina. Sana ginawa mo na lang," suhestiyon ko.

"Ano na lang gagawin mo pag-uwi mo? Wala na? Ako na naghahanap ng trabaho tapos ako pa gagawa lahat ng gawaing bahay?" rinig ko ang pagtaas ng boses niya kaya naman umapaw na ang inis na nararamdaman ko.

"Ngayon lang naman ha?" may riin kong sagot. "Umalis lang ako saglit kaya sana ikaw muna ngayon. Ako naman lagi ang gumagawa nito sa bahay."

"Dapat kasi nandito ka lang sa bahay! Napapagod ako kahahanap ng trabaho e!" giit niya sabay hampas ng cupboard sa kusina.

Mabilis nabaling kay Calley ang tingin ko na parang nagising sa lakas noon. "Gabi na. Bukas na lang tayo mag-usap nang maayos," mahinahon kong sagot kahit na may riin ang bawat salita dahil pinipigilan ko ang galit na nararamdaman ko.

Dumiretso na ako sa kwarto naming dalawa at mabilis na isinara muna ang pinto. Napasandal ako sa likod ng kama at napabuntonghininga na parang walang pag-asa.

Kailan ba kami nag-usap nang maayos? Kailan yung huling nagkasundo kami sa isang bagay?

Cherry-picked PitfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon