Chapter XIV

72 5 0
                                    


THE EVENT STARTED. Akala ko ay simpleng pagpupulong lang ito o handaan para sa isang personal na okasyon pero pista pala ito ng birheng Mariya na nasa talon. Sa araw na ito, taon-taon may kapisanan sa pagbisita sa selebrasyon ng pag-ani. Simula raw kasi nang dumating ang birhen noon, naging masagana na ang bawat ani nila kada quarter ng taon.

Hindi matawaran ang pagkagarbo ng venue. Grabe. Ngayon lang ako na-amaze sa isang lugar dahil sa litaw na litaw nitong ganda at paghahanda. The culture speaks for itself.

"Sera, patapos na ang pagsasalo-salo pero nandiyan ka lang madalas sa sulok. Iimik kapag may kumausap. Makisali ka!" udyok ng isang babae na hindi ko kilala pero nakausap ko rin naman kanila. Apat na araw pa lang ako rito at nasasanay na ako sa presence ng mga tao, pero sadyang hirap pa ako makihalubilo. This was still queer to me. Sanay akong mga taga-siyudad ang ka-elbow to elbow sa bawat casual or formal discussions. Bago sa akin ang ganitong lugar, tinatantsa ko pa't lalo na. . . mukhang dito na talaga ako titira.

Ngumiti lang ako sa kumausap sa akin. "Sige lang." Saka ako lumingon sa paligid at nagmasid sa mga taong naglalakad-lakad.

"Sus! Kunwari ka pa!" may kalakasang biro ng babae. "Isa ka rin sa kanila, ano?" Ngumuso siya sa hindi kalayuan.

I followed that direction that she was pertaining to. At nang mapunta ang mata ko sa mga nakakaagaw pansin na mga babae, napakunot noo ako. They were wearing floral dresses and overly done make up. I wondered what they were up to.

Nagkibit-balikat agad ako nang tiningnan ko pabalik ang kanina pa kumakausap sa akin. "A-ah. . . I don't know. . . Hindi ko alam. . . Hindi ko maintindihan. Anong mayroon?"

The woman I was talking to hummed. "Hinihintay si Ser Demon—este Damon!" sabay tawa niya.

The moment she mentioned that name, I realized that he was not here actually. Siya ang isa sa mga kilala ng mga tao rito, malapit daw sila sa 'sir' nila. Besides, siya ang tagapamahala rito. Bakit nga ba. . . "Wala siya?"

"Hay naku. Siya naman ang hinihintay ng mga kababaihan rito, mapabata o matanda. Giliw na giliw sa kaniya. Maski nga ako, e. At hindi ko na itatanggi!" pagmamalaki niya pa. "Pero ngayon daw pupunta, e. Teka. Masilip nga. Dito iyon darating e. Dapat mauna tayong tumingin para makabati pa tayo dahil mamaya, pagkukumpulan na siya ng mga tao. Hindi ka na makalalapit. Uunahin noon ang mga matatanda, tapos ang mga bata, ang mga manggagawa tapos walang katapusang usap na at mai-etsipwera na tayo—nandiyan na?" Saglit siyang natigilan nang magsimulang magkumpulan ang mga tao at magbulung-bulungan. "Nandiyan na!" I was stunned when the woman shouted as Damon's arrival was confirmed.

There he was. The man of the night. He grew his face hair more which I noticed even if he was wearing his attention-grabbing sunglasses. I knew they were expensive. He was roaming around in his phthalo green polo shirt, maong jeans, and white flipflops.

Sabi nila, mabait raw si Damon. Pero bakit napakasungit niya sa 'kin noong una kaming nagkita? It reduced on the second but still that impression of him being a haciendero didn't go out of him.

Saglit lang nawala ang senses ko sa reality kaiisip, napaligiran na naman ako ng mga babaeng nagbubulungan.

"Sarap humigot ng juice. Huhu. Ako nagpiga ng mga mangga para doon! Kinikilig ako!"

"Sana ako na lang higupin niya!"

"Maghunos-dili kayo't baka marinig kayo ng mga nakatatanda pero ahh!"

Ibang. Klase. Ganoon katindi ang pagkahumaling nila sa Damon na ito. Maybe they were not used to see someone like him. Marami kasing gwapo sa Metro Manila. Well, yeah, he is attractive. I tilted my head as I sought for the pretty things he has and viola, there's a lot. Aside from his God-given perfectly matched face features, dagdag mo pa na hindi nga siya nakakasawang titigan at habang tumatagal ang tingin mo, parang mas lalo lang siyang gumagwapo. Matipuno, malakas ang dating. Lalo na yung ngiti—

"Ano ang nginingisi mo diyan?" Mabilis naagaw ni Diyang ang pansin ko nang marinig ko siyang magsalita kasabay pa ng pabiro niyang bunggo sa tagiliran ko. Hindi ako umimik pero nagsalita naman ulit siya. "Ate, pwede bang pakibigay ito kay Sir Damon?"

"Bakit hindi ikaw? Ikaw ang may crush doon, 'di ba?" I knew I sounded defensive pero hindi ko na mabawi. She was handling me an envelope.

The confused face of Diyang appeared in front of me. "Ate, trabaho itong ibibigay ko. Pero oo, nahihiya ako kasi baka ang weird na ngayon ko nga ibigay ang application form kong bago?" Tiningnan ko ang hawak niya pero mabilis ding bumalik sa kanya ang tingin ko. This time, with a creased eyebrows. "E, kasi di ako sure if makakapasa ulit ako," sabay impit niyang tili kaya naman napailing na lang ako.

"Sige na. Akin na. Sumama ka na roon sa mga kaibigan mo at makipagsayawan."

Mabilis naman siyang tumango. She mouthed thank you before she left me, holding the envelope.

I pursed my lips as I thought, bakit ko nga ba kinuha 'to? Then I looked at Damon's direction. Wala namang kumakausap sa kanya kaya imbis na magtagal pa ako sa kinatatayuan ko, lumakad ako. I walked toward him and grabbed the opportunity to give this to him.

A few minutes later. I faced him. The disco light suddenly struck on his face as he glanced at me as well. He tilted his head, then he removed his glasses.

"Yes?" tipid niyang tanong.

Hindi ako agad sumagot. Iniabot ko lang sa kanya pero hindi niya agad kinuha. So I told him, "Bigay ni Diyang. Work-related. It's not a personal letter so I hope you consider getting it." Medyo nakakangalay. Syempre hindi ko sinabi 'yon, though almost.

He bobbed his head for a bit. Kinuha niya at inilapag sa mesa niya. Nilingon niya ako ulit. Smiled a bit as he met my eyes. "Kumusta ka?"

I raised a brow. "Kumusta ako?" Pointing myself with a lot of questions in mind.

"Kumusta ka rito? You're a visitor here so I hope—"

"Hindi na ako bisita rito," agap ko.

He was taken a back. Hindi siya agad nakapagsalita.

"I mean, dito na kasi ako titira. I decided." I slowly nodded.

I clearly saw how his eyes blink twice. Slowly, his mouth opened. "That's. . . That's great. Sana ma-enjoy mo rito sa Hermoso Fuego." Then he flashed a sweet smile and it reached his eyes.

What was that?

Cherry-picked PitfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon