Chapter XVII

45 4 1
                                    

THE CERULEAN sky was hiding behind the heavy clouds while the Sun was nowhere to be found. Waves of the sea could not stay still and they never stopped splashing to the shore. Halos magsagutan ang mga ito— walang humpay, walang mintis, hindi nagsasayang ng bawat minuto.

I heaved a sigh as I caressed my cold knees. Ito ang tamang oras para mapag-isa, yung ang sasagot na lang sa 'yo ay mga alon ng dagat. Because at the end of the day, no matter how you pleaded and questioned every single thing under the sun, rain will pour and neglect your voice as the answers were always within you. Hindi ka makakakuha ng sagot, kasi ikaw mismo ang sagot.

Just like my decision to live here. Throughout my stay in Islas de Hermoso Fuego for the past few days, lagi kong tinatanong sa dagat kung tama bang nandito ako. Syempre may mga panahon na sobrang overwhelming ng mga pagbabago at emosyong naglalakbay sa isip ko. Pero sa huli, tumigil na lang ako, huminto na akong magtanong. Kasi hindi ko na kailangan ng sagot. Kasi alam ko na. Because I knew it. Already, without actually answering it.

I chuckled a little. Ang laki pala talaga ng adjustment kapag hindi na nakadepende sa asawa mo ang decision mo. Simula kasi ng ikinasal ako, pakiramdam ko, somehow, nakakulong ako. Pakiramdam ko, I needed to fit in to his standards and principles, that I needed to adjust to his ways of life, at hindi iyon naaayon sa kung ano ang klase ng pamilya na gusto kong kalakihan ni Calley.

And Calley played a huge role in all the decisions I made more than a month ago. Kung hindi dahil sa kanya, wala ako ngayon dito. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko pipiliin ang maayos at mapayapang buhay.

My eyes roamed around as I continued to contemplate about the memories I had with my family. Suddenly, my gaze landed on a particular house—Aling Lourdes's house, which reminded me of that horrible incident two days ago.

Bumalik iyon sa alaala ko. Buti na lang at maayos na ang kalagayan ni Aling Lourdes pero sa tingin ko, hindi matatapos ang paghihirap niya. Kasi hanggang ngayon, magkasama pa rin sila ni Mang Geronimo.

Ang sabi nito, wala namang masamang magpatawad at hindi naman kahit kailan naging mali ang pagmamahal.

I let out a fake laugh as my eyes turned blurry, realizing how love could be that violent if you didn't set boundaries. They all said every family has their own shortcomings, but obstacles in life shouldn't be romanticized. Problems should be solved, not embraced.

Still on my thoughts, I breathed out. At kasabay naman ng pagsinghap ko ay pag-ihip ng hangin dahilan para mahulog ang mga tinabas kong damo galing sakahan. It's the time of the day to pick them out as wild grass could ruin the plants in every plow.

Inayos ko sa dalang sako ang mga damo at nang matapos na ay nagpagpag ako ng mga kamay. I was about to sit again when boats from afar caught my attention. Mukhang ngayon pa lang dadaong sa pangpang ang mga nanghuli ng isda sa malayong parte ng dagat. I smiled, waiting for them to reach the shore so I could greet them.

They did.

"Magandang umaga po."

But unlike to how I expected them to greet me back, they just smiled at me. Ang ilan pa sa kanila ay bumulong-bulong matapos akong lampasan. Medyo nanibago ako roon kaya naman hinanap ko ang pinakapamilyar na mukhang pwede kong pagtanungan.

"Teroy," bangit ko sa pangalan niya.

Teroy smiled at me and seated as I offered him to come near me. "Pasensya na, Ate. Malungkot lang talaga ang lahat. Hindi kasi maganda ang huli namin," paliwanag nito agad. He seemed intelligent for knowing my intentions already.

"Ano ba ang nangyari?"

"Mamaya na raw pag-uusapan, Ate," sabay lingon nito sa gilid kung saan nagkukumpulan ang ibang mangingisda. They looked like waiting for Teroy. "Nauna na ho si Mang Agustin papuntang Villa Alquiza, baka ho magkaroon ng pagpupulong mayamaya tungkol sa suliranin namin."

PEOPLE FINALLY sat when Damon came just a few seconds ago. Siguro ay marami siyang inaasikaso kaya may ilang minuto ring naghintay ang mga taong nakatira sa bukana bago niya ito mapuntahan. Ayos na naman, at least, nakapaghanda na sila ng mga sasabihin nila kay Damon.

"Nabanggit sa akin ni Mang Agustin na kailangan niyo raw akong makausap," panimula ni Damon.

I guess, he seemed busy. Mukhang diretso kung paano niya kausapin ang mga tao sa pagpupulong na ito, o baka naman sanay na sila sa mga ganitong pagkakataon kaya hindi na masyadong pormal.

"Kakarampot ang huli namin," sagot ni Mang Agustin. "Hindi na katulad dati na halos isda na ang lumalapit sa amin," dugtong pa nito.

"Hindi naman kami pwedeng lumampas ng teritoryo ng Pinas at baka mahuli kami ng mga dayuhang nagbabantay ng dagat nila. Doon siguro, maraming huli," sabi naman ni Mang Erning.

"Ganito po ba ang epekto ng Global Warming?" usisa ni Teroy na ikinatahimik ng lahat.

Damon sighed, then he nodded. "Bukod sa masama ang panahon ngayon, iba na rin kasi ang temperatura sa ilalim ng dagat. Normal na ito ngayon," paliwanag niya.

"Pero hindi naman po porket normal ay dapat na nating makasanayan. Paano na po ang pangingisda?" balik muli ni Teroy na mukhang pursigidong maayos ang problema nila. Ito kasi ang pinagkakakitaan ng buong pamilya nila. "Alam ko pong hindi gaanong prayoridad ang pangingisda sa isla pero trabaho pa rin po ito ng iilan. Sana po ay mapakinggan niyo kami." Ang mga salita niya ay may halong diin kahit na marahan, halata ang paggalang nito pero may determinasyong marinig ng namamahala sa isla.

I looked at Damon. His gazes turned down seriously. I couldn't see if he was spacing out or just thinking thoroughly. Mayamaya ay tumaas muli ang tingin niya sa mga tao. "Gusto kong marinig ang mga hinaing niyo, gusto ko ring makarinig sa inyo ng mga suhestiyon. Titingnan ko kung makatutulong. Pag-iisipan ko ito nang mabuti," he calmly stated.

May isang nagtaas ng kamay sa dulo ng mga upuan. "Itaas natin ang presyo ng mga huli," turan nito.

"Pero hindi natin pwedeng gawin iyon dahil mapupuna tayo ng merkado. Hindi naman lahat ng lugar ay nakararanas ng krisis natin. Bilang mamimili, isipin natin ang bagay na iyon. Kung nahihirapan tayo, hindi pa rin natin pwedeng pahirapan ang naglalapag ng pagkain sa mesa," paliwanag ni Mang Agustin. Tumango naman ang karamihan.

"Kung hindi pwedeng makisingit sa sakahan, bakit hindi tayo humanap ng ibang pagkakaperahan sa dagat?" Dinig ko ang kumpyensa sa boses ni Teroy nang siya ang magsalita. It was ambitious and not everyone would like a longer path. Kaya naman kita ang paghilig ng ulo ng mga nakarinig.

Maraming suhestiyon ang ibinato ng bawat isa at lahat iyon ay pinakinggan ni Damon. I could see him taking down notes on his phone because I switched position behind him, para makita ko ang lahat sa point of view niya. Hindi naman ako pinansin ng mga mangingisda dahil may pakay silang mas importante kaya hindi ako nailang sa pwestong iyon. Isa pa, katabi ko rin si Diyang na bitbit ang anak ko.

May mga pagkakataon ngang inaabot ni Calley ang buhok ni Damon habang nagsasalita ng mga pangkaraniwang tunog na itinuturo ni Diyang.

Ngunit nang uminit na ay pinagpasyahan kong ipauwi na rin ito. Nag-usap kasi ang mga babae na paghandaan naman ang mga mangingisda ng kaunting salo-salo para madama nilang may kasama sila sa laban na dinadaing nila ngayon.

Ilang minuto pa nga ang lumipas pero sa huli, isang suhestiyon ang namayani kay Damon para unahin. It was the first step that everyone agreed to deal with— that we needed to enumerate all these solutions to the head of the city. Magiging malaking tulong kung masusuportahan ang buong isla ng nagpapatakbo ng probinsyang ito, lalong lalo na ang pinansiyal na aspeto.

And Damon should lead that. After all, he's the man-in-charge.

However, Diyang gave us a heads up. "Ingat po kayo roon kay Mayor Teñente. Ayaw po noon basta-bastang nakikipag-usap sa mga lalaking businessman lalo na't maitsura. Gusto ho noon, babae ang kausap. May pagka-mayabang po at iba ang takbo ng isip sa mga bagay-bagay, tapos sexist pa."

It was actually a great idea that Diyang would come with Damon, but she was afraid. She told everyone that Damon should choose another woman of isla.

Of course. . . Who else. . . As someone who owed Islas de Hermoso Fuego a lot, I volunteered.

Cherry-picked PitfallWhere stories live. Discover now