Chapter XXV

37 3 0
                                    


WITHERED FLOWERS were scattered on the floor. Pinanonood ko lang iyon na walisin ng kasambahay ni Damon. I was sitting on my heel in front of my room, now facing the pool area, with a pouted lips as I wondered about the things that I should expect today. May magbabantay naman kasi kay Calley at sinabihan mismo ako ni Damon na pwede naman akong lumabas-labas at magtrabaho sa sakahan.

Hindi ko naman daw kailangan ikulong ang sarili ko dahil hindi naman ako ang may kasalanan. Umiwas kung iiwas pero hindi ko naman daw matatakasan lagi si Caleb, at baka raw dumating ang oras na masanay akong tinatakasan ko ang mga bagay na kailangan kong harapin. Ayos lang daw magpahinga at umiwas panandali, pero dapat hinaharap pa rin daw ang problema sa tamang oras— sa tamang oras na kaya mo na at handa ka nang panindigan ang desisyon mo nang may buong isip at puso. Damon and Diyang had the same preach, except for a fact that Damon never mentioned about my relationship with Caleb now. It was never brought up in any of our conversations.

"Ma'am Sera, sigurado po kayong ayaw niyong ipatanim ito kay Mang Ismo?" Nala, the maid, asked me while sweeping the ground at the pool area.

I pursed my lips and immediately shook my head. "Ayaw kong makitang lumago ang mga bulaklak na 'yan sa bakuran niyo," I explained— and that sounded with a double meaning but I just shrugged it off.

Mukhang hindi naman nakuha ni Nala dahil bumuwelta pa siya. "Sayang din ho. Ang ganda ng mga bulaklak," tugon niya habang inilalagay na sa dustpan ang kumalat na mga petals nito.

I scrutinized the petals on the ground upon realizing one thing— maganda pero mabilis mabulok kapag hindi inalagaan. Like a relationship, or maybe a marriage.

A sad smile was drawn on my face while continuously blinking, trying hard not to cry with that thought. Tulad nga ng sabi ni Diyang, totoo namang kung ako lang, napatawad ko na si Caleb. Pero hindi ko na kayang ibalik yung buong tiwala at respeto ko sa kanya. Kaya ko siyang mahalin, oo, pero hindi ako sigurado kung magiging buo pa iyon. Kasi mas kaya ko pang sobrahan ang pagmamahal sa sarili ko, kaysa ibigay pa iyon sa kanya para lang mapunan ang pagkukulang niya noon. Because like we all knew, you could never find the same happiness where you lost it.

Totoo. Totoong ang taong mahal mo ang pinakamakakasakit sa 'yo, iyon ang reyalidad. Pero kung mahal na mahal ka rin ng taong iyon, kung kilala ka niya, kung naiintindihan ka niya, kung nirerespeto ka niya, at kung may tiwala siya sa 'yo— hangga't maaari ay hindi niya gagawin 'yon.

I wiped my right cheek as a drop of tear escaped my eyes. Still, I managed to stand up and smile.

"Sige, Nala. Mauna na muna ako. 'Wag niyong pagurin ni Mina ang sarili ninyo sa pagbabantay kay Calley, ha?" paalala ko.

"Naku, Ma'am! Nakakatuwa nga po si Calley. Malikot na rin po siya't nakakatalon kapag inaalalayan. Lalabas po namin mamaya ang walker niya." Kitang-kita ko ang excitement sa mukha ni Nala kaya naman hindi ko naiwasang mapangiti na may nag-aabang din sa paglaki ni Calley.

Nagpalitan pa kami ng ngiti at ilang mga instruction na ibinigay ko sa pagpapatulog kay Calley, bago ako nagpaalam at tuluyan nang lumabas. Tutulong ako ngayon sa sakahan kaya naman mamaya pang gabi ako makakabalik dito sa Villa Alquiza. Ang mga amo nila ay abala din sa negosyo at pagpapalakad sa isla kaya hindi ko na rin hinanap si Damon at Pandora.

Medyo magaan na rin ang loob ko kay Pandora. Hindi na siya nakakatakot tingnan. Tulad ng kapatid niya, sa una lang sila mukhang mahirap lapitan. Mabait talaga ang magkapatid na Alquiza. I could never question their wisdom and empathy. Napakamatulungin at mapagbigay sila, to the point na ako na ang nahihiya.

Limang araw na rin kasi kami ni Calley na nakikitira sa Villa Alquiza. Sa rangya ng pamumuhay rito na akala mo ay nasa magandang resort ako sa Metro Manila, may hiya pa rin naman akong nararamdaman kahit na palagay na nga ang loob ko sa kanila.

Cherry-picked PitfallWhere stories live. Discover now