Chapter XXVIII

34 3 0
                                    


CARRYING CALLEY away from that scenario was not a walk in the park. Mabigat ang pakiramdaman ko at magulo ang isip ko, kaya hindi ko na lang namalayan na nakarating na ako pabalik sa Villa Alquiza. Nasa harapan ko na rin ngayon si Damon, na takang-taka sa pagiging tahimik ko.

"Ibaba mo kaya muna si Calley." Naramdaman ko na lang na hinihimas niya ang likod ko habang may pag-aalala sa mga mata.

"Huh?" Medyo hindi pa ako nakasunod sa mga nauna niyang sinabi.

I heard him sigh. "Nala, pakitawag muna si Mina. Mag-uusap lang kami ni. . ."

"Sir, umalis po si Mina. At hindi ko rin po maaasikaso si Calley dahil may iniutos sa akin si Ma'am Pandora," paliwanag nito agad bago pa matapos ng amoy niya ang sasabihin.

Napakunot ang noo ni Damon. "Ano naman ang iniutos ni Pandora?"

Instead of answering, Nala just looked down. It might be personal since she couldn't spill it.

"Kuya." Agad kaming napatingin ni Damon sa pagtawag ni Pandora. She was heading towards us as she spoke again. "Ako na ang bahala. Bumalik ka na sa kusina para maglinis, Nala." Her voice became more intimidating as her heels clicked on the ground. Mabilis ang pagkilos ni Nala na parang ayaw niyang maabutan siya ng among papalapit sa amin, habang kami naman ay nakatuon ang pansin kay Pandora.

It was a huge silence when the three of us were left on the receiving area. Thankfully, Pandora started the conversation. "Is there something wrong? Hindi kayo umiimik dyan?"

Damon spoke to me. He didn't care much of what Pandora had said. Mukhang malalim nga rin ang iniisip nito. "May nangyari ba? Bakit parang hindi maganda ang araw mo?"

And they were both looking at me.

"Calley had an accident. Nahulog daw ito. . ."

I was not finished yet when Damon delved his pocket and picked up his phone. "We should go to the clinic first, Sera."

"Hindi na kailangan," mabilis kong pigil dito. "I checked Calley. Tiningnan ko yung may pasa o gasgas siya sa katawan pero wala. Kinapa ko rin ang ulo niya at wala namang bukol o uka na pwedeng makuha sa pagkahulog. Iba ang kutob ko dahil may ibang marka siya sa braso," I explained to them. My voice was kind of shaky as I tried to remember what happened earlier. Medyo sariwa pa sa akin ang pagka-aligaga nang malaman ang pag-iyak ng anak ko.

Nakita ko ang paglaki ng mga mata ni Pandora, samantalang nanliit naman ang mga mata ni Damon.

"Bakit? Napabayaan ba ni Diyang? Anong sabi sa 'yo?" I shook my head as I disagreed to what Damon just said. Akala niya siguro ay katulad ng dati na ipinapaalaga ko ang anak ko kay Diyang. Hindi sa pagkakataong ito.

"I let Caleb look after her for a while. Just for today. Gusto ko kasing tumulong sa sakahan." I broke his assumption.

"Edi sana dito na lang. . ."

"Sana nga hindi ko na lang siya nilabas. Sana nga hindi ko na lang pinagbigyan si Caleb na maging ama kahit papaano sa anak ko. Sana nga, sinarado ko na lang ang mga posibilidad na baka magbago pa siya kahit hindi na magbabago ang desisyon ko." I was a continuous words or regret.

"Why do you keep looking at that overly optimistic possibility? Kaligtasan ni Calley ang nakataya rito tapos itataya mo dahil lang sa nararamdaman mo?" Damon got pissed.

But I just shook my head firmly. "Hindi pa rin ako sigurado na si Caleb ang nanakit sa anak ko." Ayaw ko namang bigyan ng hatol yung tao dahil hindi ko pa naririnig ang explanation niya tungkol dito. I don't like him anymore but I surely won't judge every action of him out of my prejudice. I don't want to look at him with my clouded perspective since I wanted to give him a chance to prove that he could be a good father to Calley. "Hindi na ito katulad ng dati, kailangan ko muna siyang pakinggan at hindi husgahan sa kung paano niya ako trinato noon." I managed to voice out more explanation to what I thought.

Cherry-picked PitfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon