Chapter XII

81 8 1
                                    

I RAISED my morning drink that I was holding and imagined the rising sun was being chased by the mug. I even smiled at the view in the seashore they called "bukana" where the houses welcome the people who were coming to this place. It looked so vibrant and refreshing at the same time. And after a moment, I took a sip once again and smiled because of its taste.

"Ang sarap, 'di ba? Ugali talaga ng mga tao rito na uminom ng Buko juice sa umaga. Healthy 'yan, Ate," paliwanag ni Diyang sa pinainom niya sa 'kin.

"May iba bang inilalagay rito?"

"Muscovado lang," nakangiti niyang sagot. "Tikman mo rin 'tong Biscocho na binili ko sa Bayan. Sabi madalas daw ito sa Maynila kaya magugustuhan mo 'yan!" Inabot niya agad 'yon sa akin.

Hindi naman ako tumanggi pero binigyan ko siya ng makahulugang tingin na may tipid na ngiti. I even pursed my lips as I read her mind. Kaya hindi ko naiwasang mapailing nang awkward na ngiti ang ibinalik niya sa 'kin.

Inangat ko ang isang kilay ko. I felt like she wanted to ask something and I was right.

"Ate. . ." She started. "Nami-miss mo ba ang Maynila?" I put down the mug that I was holding after finishing the warmth Buko juice.

Ibinalik ko ang tingin ko sa langit. Ilang beses akong kumurap nang mapansin kong tumaas na ang sikat ng araw. Kaya dahan-dahan kong ibinaba ang mga mata ko sa pinakadulong parte ng dagat kung saan ko nakikita ang dating ako, kung saan ako nanggaling bago ako mapadpad dito.

"Hindi madaling makalimot, Diyang."

Then I heard her hummed. "Kailangan ba talagang makalimot? Ano ba yung gusto mong kalimutan, Ate? Yung masakit na pinagdaanan mo?" She asked me.

Mabilis ko siyang hinarap at sinagot, "Yung masasayang bagay," pagtatama ko. I suck my upper lip as I tried to avoid myself from frowning or shedding a tear. I even faked a laugh and sighed. I stooped down and played the sand where we were sitting. "Kapag nakalimutan ko yung dahilan kung bakit ako nagpakatanga, baka mapagdesisyunan kong dito na lang tumira. Hindi na ako babalik."

"Ate. . ." tawag na naman niya sa 'kin kaya nakangiti akong nilingon siya. "Anong pakiramdam na magmahal?" Napatigil siya saglit at napaiwas pa ng tingin. But after a second, mabilis din siyang lumingon at nagsalita ulit. "Hindi ko pa kasi nararanasan bukod sa mga crush-crush."

"Masaya, masarap, masakit kasi—minsan malungkot isipin, minsan nakakagalit isipin. Draining, fulfilling. Depende sa kung paano mo titingnan ang pagmamahal. Hindi depende sa kung sino ang mamahalin mo. Hindi depende sa kung saang sitwasyon man kayo mapapasok, pero depende sa kung paano mo lalabasan ang sitwasyon na 'yon." I didn't know where my words came from but I guess my definitions were exact to how I realized what love was after stepping here in Islas De Hermoso Fuego.

"Nakakagalit? Nakakalungkot? Pero bakit ka nagmamahal? Bakit may nagmamahal kung doon din pala mauuwi?" I saw how her smile turned to grimace as she filled her head with curiosity.

I grinned seeing how it looked hassle to her but. . .

"Kapag matagal kang nalungkot, nauuwi sa galit ang nararamdaman mo." Yung kaninang sigurado kong mga mata, napalitan ng naguguluhang tingin kay Diyang. My facial expression changed as I felt shocked with what she said. I was stunned. Napatigil ako sa sinabi niya. Nakatigil lang ang mga mata ko sa kanya habang siya, nakangiti. Mayâ-mayâ, nilingon niya ako. "Iyon ang sabi sa 'kin ni Kuya Kalypso. Kaya kapag naririnig ko yung lungkot at galit, napapaisip ako. Bakit kailangan mong magalit kapag malungkot ka?"

Bakit nga ba?

"Kasi. . ." Naalala ko si Caleb. "Kasi. . . darating ka siguro sa puntong akala mo ikaw na lang yung lumalaban? Na ikaw na lang yung nakakapit sa pangako niyong dalawa? Na magsasama kayo nang masaya?" We once dreamed to have a happy and healthy relationship with our Calley.

Cherry-picked PitfallWhere stories live. Discover now