Chapter XXIV

33 3 0
                                    


MARRIAGE CHANGES life as people evolve and grow constantly. Hopefully, for the better.

It should allow you to be vulnerable and to be unguarded, because it should make you feel stronger together and safer together.

As a teenager, thinking about the depth of marriage gave me a buoyant mood.

I was twenty-one when I accepted Caleb's proposal and I was really looking forward to build a safe space for my children with their successful parents. However, I was twenty-three when I realized that marriage didn't always go the right way. That marriage could turn your life upside down and make you feel like you were the most miserable person you had ever known in reality.

Somehow, it was also my fault for dreaming that kind of marriage with someone I barely knew. Naisara ko na ang pinto ng nabuo kong tahanan, bago ko naisip na hindi ito ligtas. And realizing that scared the hell out of me for Calley.

With those thoughts, I heaved a sigh while walking across the streams heading to sakahan. At hindi pa nga ako tapos magmuni-muni ay napatigil ako nang makarinig ako ng hagikgikan. I creased my brow and decided to look for what was happening to sakahan. Mukhang nahuli na ako sa usapan, hindi ko kasi namalayan ang oras ng paggising ko. Napagod yata kaiisip magdamag kung paano na ang gagawin ko ngayong nandito na si. . .

"Talaga nga naman, Caleb, ah!"

Napahinto ako sa paglalakad. Parang napako ang mga paa ko sa pagtapak ko ng sakahan kung saan tanaw ko na ang tinatamnang lupa.

Si Caleb, nandoon, nakikipagbiruan sa mga magsasakang lalaki na pinamumunuan ni Mang Waldo. They were also with some single young women of isla.

"Ay, bakit ba napunta ka pa dito? Hindi na lang nga ikaw maghanap ng iba kung ayaw na sa 'yo ng asawa mo!" panunukso pa nila. "Ayan! Mamili ka riyan sa kanila para hindi masayang ang punto mo rito!" sabay tawanan ng mga lalaki.

"Ay naku ga! Marinig kayo ng iba riyan. Hindi tama baga na ganyan ang usapan dire. E, noong dumating ang asawa niya ay todo husga kayo nga kahit hindi niyo alam ang kwento," saway naman ni Mang Waldo.

"Palibhasa malapit ka na kay Sera," kantsaw naman ng isang kasama sa kanya.

"Kaya nga naiintindihan ko are dahil malapit sa akin, nakilatis ko nang maigi. . . At alam ko baga ang kwento!" At hindi na nito hinintay ang sasabihin pa ng iba. I even saw him glared at Caleb fiercely.

Knowing Mang Waldo, he would really defend me. Sa pananatili ko sa sakahan, nagkaroon na kami ng mga seryosong usapan. Isa na rin sa natanong niya ang kwento ko. Lingid sa kaalamang siguro ng iba na puro pagpapatawa, pagtatanim at pagdidisiplina sa naiwang anak sa kanyang si Teroy— masayang kakwentuhan si Mang Waldo sa umaga habang kumakain ka ng nilagang saging na saba at mainit na kape.

At ayun, nagtuloy pa rin sila sa tawanan kahit wala na si Mang Waldo habang ang mga kababaihan naman ay nagsimula nang magbunot ng mga tumutubong damo sa paligid ng mga tanim.

I pursed my lips as I decided not to make a scene by coming to the field. Kaya naman umikot na ako't babalik na sana habang wala pang nakapapansin sa aking nang bumulaga sa akin si Diyang na malaki ang ngisi.

"Tingnan mo, Ate. Ang sipag naman pala. Balita ko ay ngayon lang 'yan nagpahinga. Tumulong sa pagbubungkal ng lupa para sa panibagong tanim ng mga palay. Akala ko ba, ma-pride ito sa kwento mo?" sabi pa niya matapos pilit iginiya ang tingin ko sa gawi ni Caleb.

I rolled my eyes and tried not to look longer on him. "Hindi ba't nakwento ko naman na sa 'yo? Wala naman na akong malalim na hinanakit sa kanya, lipas na't magkalimutan na lang para sa ikatatahimik ng mga buhay namin. Iniisip ko lang si Calley kaya pinaninindigan ko ang desisyon ko," paliwanag ko naman.

"Oo nga po tapos sabi mo po, Ate, na-realize mo rin na sa misunderstanding niyo ay may pagkukulang ka rin sa kanya. So bakit walang chance kung sakaling nagbago na?" pagpipilit niya pa.

Napatingin ako kay Diyang na may mapaglarong ngiti habang itinataas-baba ang isang kilay. Napailing ako.

"Kasi kapag nagawa na, pwede pang ulitin." My voice shook a little bit but I made sure I was firm with that statement.

"Paano kung hindi na?" buwelta niya.

"Paano kung ulitin pa rin?" I avered. "Sa tingin mo, isusugal ko ang anak ko sa pamilyang hindi sigurado ang security at stability sa lahat ng bagay?"dugtong ko pa.

My eyes landed on Caleb who was busy learning about the farm. I took a sigh because I smiled with a hinting teary eyes. "Diyang, kaya kong mahalin ulit si Caleb. Kaya kong ibalik kung paano ko siya nakita noon lalo pa't mukhang nag-iba nga ang ihip ng hangin. . . Pero tuwing iniisip ko si Calley, umaatras ako, e. Kung ttitingnan ko si Caleb biglang ama ng anak ko, iba isipin, nakakatakot sa pakiramdam," I said in finality.

Diyang probably surrendered. Nagawa niya na lang akong aluin sa balikat bago ako binigyan ng huling mga salita. "Kung ganoon, Ate, huwag kang matakot na harapin siya. Naghiwalay kayo dahil sa ginawa niya, at wala ka namang kasalanan."

That made my stomach upset and before I could find words to rebut, the bell in the barn rang. It's time for lunch and people who were working for sakahan were gathering to eat at the corner of the field where a long table was placed.

At dahil nga nandito kami ni Caleb, inulit na naman ang matatandang nakisalo ang opinyon nila tungkol sa paghihiwalay namin at kung paano raw dapat umaakto ang mag-asawa. Simula pa lang ay nawalan na ako ng gana. Sinabi ko na ang desisyon, paliwanag at opinyon ko tungkol rito pero hindi naman nila ako pinakinggan. Kahit na hati man ang pananaw ng iba't may mga naniniwala rin naman sa akin, panahon na rin siguro na ako naman ang hindi na makinig sa kanila.

Pinilit ko na lang tapusin ang kinakain ko para makabalik agad sa Villa Alquiza upang balikan ang anak kong inaalagaan ngayon ng kasambahay na giliw na giliw sa kanya. Kaya naman ay wala na ako masyadong naintindihan sa kontrobersyal ngunit nagagawa pa rin nilang tawanan na isyu.

Sinisimot ko na ang dahon ng saging kung saan ako kumain nang tumigil ang nagsasagutang mga boses sa paligid ko. Nang umangat ang tingin ko, lahat sila ay nakatingin kay Caleb. Naguluhan ako dahil hindi ko naman nasundan ang usapan nila.

"Wag na lang po sana nating pag-usapan ito ulit sa harap namin ni Sera. Naiintindihan ko naman pong iba-iba ang opinyon natin pero maging sensitibo po tayo sa ating mga sinasabi." Caleb even cleared his throat, then he looked at me. "At kung may maipapangako po ako, susubukan ko pong kunin ang loob ulit ng asawa ko. Tutal inaako ko naman pong ako ang sumira ng tiwala niya," sabay ngiti sa akin na may naniningkit na mga mata.

The crowd almost screamed. Mukhang kinilig sila sa binitawang salita ni Caleb.

But unlike them, I gulped out of nervousness. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng ekspresyong sinamahan pa ng mga salitang mukhang may ibang ibig sabihin. Nawala na nga yata talaga ang tiwala ko sa kanya, o baka noon pa ay ganito na talaga siya't hindi ko lang napapansin.

Maybe?

After all, someone would never be that special without the love that you were giving to them. Walang espesyal sa tao bukod sa pagmamahal na mayroon ka sa kanya. Magkakaiba man, lahat tayo ay ordinaryong tao lang. We just turned exquisite in the eyes of people who trusted, respected, loved, and cherished us.

Cherry-picked PitfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon