Chapter XIII

73 6 3
                                    

PEOPLE WERE gathered in front of bukana. According to Tita Cora, among sixteen families here, there were at least three members in each house. And obviously, everyone helped. They didn't care about the cold breeze in the morning and were diligent in the assigned tasks to them.

Nakalatag ang mahahabang mesa kung saan nagtutulong-tulong ang mga tao sa paghahanda para sa salo-salo at kasiyahan mamaya. At kahit abala ang lahat, nagagawa pa rin magkumustahan at magtawanan habang gumagalaw ng mabilis ang mga kamay.

Diyang was assigned for the decorations together with the teenagers living here in Isla. The elders were responsible for the food and the church members were the ones who made the event possible. Pinangunahan 'yon ni Kalypso.

Now, minding my own business while subtly checking everyone here, I kept tossing the bilao that I was holding because Tita Cora told me to. I was concentrating when I heard a sudden laughter from Diyang who was beside me. Dahil sa pagkalito, nilingon ko siya na may pagtataka sa mga mata.

"Ate, ang serious mo dyan!" She even slapped my upper arm.

"What?" Still confused.

"Hindi naman kailangan perfect na wala talagang palay o bato sa bigas na 'tin. Minsan nga ay marami pa rin dahil sa kulay ng bigas," paliwanag niyang naintindihan ko kaya naman umiling ako.

"Ano ka ba. Minsan na nga lang ako bigyan ng gagawin, hindi ko pa aayusin. Gusto kong makatulong dito. Ayaw ko namang magmukhang turista kung mapapatagal naman ako."

"Diyang, huwag mo nang pakialaman iyang si Sera," saway ni Tita Cora.

Diyang sneered. "Nay, kaya ko naman pagsabay-sabayin ang chika at trabaho."

"Hayan ka na naman, Corazon! Hayaan mo si Diyang na gumalaw-galaw at matanda na iyan. Kapag iyan ay hindi nakapag-asawa nang dahil sa iyo, naku!" singit ng isa sa mga kapitbahay.

"Lourdes, mas matutuwa pa ako kung hindi na mag-asawa iyan dahil magiging perwisyo lang iyan sa magiging asawa niya! Sino ba naman ang gugusto ng babaeng hindi marunong sa gawaing bahay at puro selpon ang inatupag!" Iiling-iling si Tita Cora samantalang natatawa naman ang mga nakaririnig.

"Corazon! Nasa computer generation na are tayo! Baka nakalilimutan mo nga! Ganoon talaga sila nga!" singit pa ng isang lalaking pasigaw ang bawat binibitawang salita.

"Waldo, tingnan mo ang anak mo't huwag ang akin. Baka iyan ang maunang mag-asawa," paratang ni Tita Cora.

"Ay, ayos nga! Nang umalis na iyan sa bahay! Inilalakad ko kay Diyang kaso magkagalit yata silang dalawa ni Teroy! Sabi nga'y hindi raw tipo ang anak mo!" Nagawa pang humalakhak ni Mang Waldo. His wrinkles showed which implied that he was really into his jokes. Nonetheless, walang natawa roon bukod sa kanya.

"Hindi ko rin po type si Terrence! Mas matangkad po ako sa kanya ng three inches at hindi po siya nagpapabango, like ew!" bulalas ni Diyang at doon naman natawa ang mga matatanda.

"Iba na talaga kung paano magsalita si Diyang. Nahasa sa labas ng isla. Ano nga ulit ang trabaho mo ngayon?" pag-usisa ni Manang Lourdes.

Mabilis na napangiwi si Diyang at napakamot sa likod ng tainga. "Nag-apply pa lang po. Balak ko po talaga sa hotel pero karamihan sa mga nakapapasok doon ay may background na sa mga trabaho sa siyudad kaya mahirap."

"Ay bakit?! Hindi mo ba nilalagay na nagtrabaho ka sa mga Alquiza?!" buwelta ni Manang Lourdes.

"Nahihiya po akong ilagay kasi baka—"

"That's part of your resume. Walang masama na ilagay mo yung previous work mo. As long as totoo naman, ilalagay mo ang credentials mo. Sayang naman. Hearing from you, mukhang maganda at maayos ang experience mo sa mansion. Mahirap basta magtrabaho roon, right?"

Cherry-picked PitfallWhere stories live. Discover now