Chapter IX

73 9 4
                                    


HIS EYES STARED as if he built walls to protect something from people. He tried showing nullity but instead, I saw how those soul windows held balls of emotions.

Napailing ako nang maisip ulit yung lalaking nakasalubong ko kanina sa Llanura. Tumatak sa 'kin yung mukha niyang hindi maipinta. Siguro kasi sa buong Islas de Hermoso Fuego, siya lang ang hindi ngumiti sa 'kin, siya lang ang hindi interesado sa dayuhan.

"Taga-rito ba talaga yung Damon na 'yon?" muli kong tanong kay Diyang habang naglalakad na kaming pauwi habang hatak-hatak sa isang karitong de gulong ang isang sako ng bigas na kailangan naming iuwi.

"Mula bago tayo tumawid ng batis hanggang dito, ilang beses mo nang itinanong 'yan, Ate Sera." Tumawa si Diyang habang patuloy sa paglalakad. "Bakit ba curious ka kay Sir Damon? Sige, magtanong ka na, Ate. Mukhang may gumugulo dyan sa isip mo, e," panunukso niya pa.

I creased my forehead as I heard how she addressed the guy I met earlier. I even titled my head as I stopped to look at her. Sa ginawa ako, napatigil din siya at nanlaki ang mga mata. And even before she asked why, I did first. "Bakit sir? Ano ba siya rito?"

"Ang pamilya ni Sir Damon ang namamahala ng Islas de Hermoso Fuego. Sila ang may koneksyon sa mayor ng lugar natin. Sa pagkakaalam ko, kilala rin sa Maynila ang mga business nila. Baka pamilyar pero Damon Helios Alquiza ang buong pangalan ni Sir Damon." Malawak ang ibinigay na ngiti sa 'kin ni Diyang. I could even see a glimpse of adoration in her eyes.

Diyang pushed the cart once again and started walking. I followed her but tapped her arm gently. "Crush mo?" I asked her. Sa puntong 'to, siya naman ang ibinalak kong asarin.

Diyang gave me a chortle. "Ate, lahat ng nakatira sa Hermoso Fuego, mahal at hinahangaan si Sir Damon. Crushie naman talaga siya!" Diyang clapped her hand and looked away as if dreaming. "Gwapo, mayaman, mabait, mapagmahal sa mga taong pinamumunuan niya. Wala ka nang hahanapin doon! Complete package! Kung malapit lang ang edad namin, magtatapat ako sa isang 'yon kaso hindi ganoon ang type kong set up. Pero sabi nga ng mga turista, happy crush na lang ang mga abangers."

Hindi ko naman maiwasang matawa nang tawagin niyang turista ang mga taong nagsasabi noon. Napailing na lang ako. "Kung makapagsalita ka naman parang napakalaki ng age gap niyo," opinyon ko sabay iling ko. I was trying to prolong the conversation even I was not sure with what I was talking about.

"Malaki naman talaga, Ate. Forty-four na si Sir Damon. Kahit doblehin ko edad ko, kulang pa rin," sagot sa 'kin ni Diyang dahilan para matigilan akong saglit pero nagpatuloy agad sa paglalakad. I was taken aback for a while, hearing how he looked younger than his age.

"Mukha siyang mas bata kay Kalypso," bulang ko na hindi ko sinasadyang marinig ni Diyang.

Mabilis naman siya natawa. "Parehas silang seryoso, marami talaga silang similarities sa totoo lang. Sabi kasi ni Nanay, habang ipinagbubuntis niya si Kuya Kalypso ay giliw na giliw siya sa pag-aalaga kay Sir Damon." I saw how Diyang bobbed her head for a second. "Saka kaya mukhang mas bata si Sir Damon, kasi iba ang stress level na natatanggap nila," she added with brought me into deeper curiosity.

"Pero hindi ba magpapari si Kalypso?" usisa ko.

"Kapag magpapari, hindi na pwedeng ma-stress? Stress na stress na nga siya sa parokya at mismong pagpapalaki ng simbahan, stress pa siya sa babae," paliwanag niya na mas lalo lang nagpagulo.

"Paanong babae? Bawal mag-asawa ang mga magpapari sa pagkakaalam ko. Imposible naman yata 'yan, Diyang." I gave her a suspicious look.

"Ayun na nga, Ate, ang problema. Hindi siya pwedeng mag-asawa kaso. . ." Hindi na ipinagpatuloy ni Diyang sinasabi niya at natigilan nang makita na ang harapan ng bahay nila. Saktong nakaabang na rin kasi ang nanay nilang si Tita Cora.

Cherry-picked PitfallWhere stories live. Discover now