Chapter XXIX

42 3 0
                                    


THE NARRATIVE where Caleb and I had a serious discussion the day before yesterday spread throughout the whole Islas de Hermoso Fuego. Nakisimpatya ang mga taong naniniwala sa akin at humingi naman ng tawad ang mga nakapanghusga. Kasama na roon si Tita Cora.

I didn't hold any grudge against her so it was easy for me to forgive. "Naiintindihan ko naman po na iba ang pananaw niyo at hindi niyo totally alam ang pinagdaanan ko. Sana lang po ay hindi na maulit, kahit po sa ibang tao."

"Naku, Nay. Hindi naman 'yan nagagalit. Kay ano lang 'yan galit ngayon." Diyang probably wanted to cool down the atmosphere so she joked around.

"Sera," Laurice intervened. "Hindi pa rin kayo nag-uusap ni Damon? Aalis na ako, hindi ko man lang kayo nakitang sweet." She even made fun of me. Nang malaman niya kasi na malapit kami sa isa't isa ay naghinala na agad siya't nagsimulang manukso.

Umalis naman si Tita Cora sa harap namin upang pumunta ng kusina't asikasuhin ang hapagkainan.

Ibinalik ko agad kay Laurice ang mga mata ko matapos nitong sundan ang papalayong si Tita Cora na mukhang magaan na ang pakiramdam base sa lakad. "Magkaibigan nga lang kami," I claimed for the nth time, referring to Damon.

Laurice laughed heartily. "Hindi ko lang sure kay Damon, ha? Hindi ba, Diyang?" She tried to justify her thoughts through Diyang.

At sinakyan naman siya nito. "Wala 'yong paki sa ibang babae rito except sa mga kapatid niya." A hint perhaps that I was excepted? So she giggled after giving me a poke on my side.

"Magkaibigan nga kami," I firmly said.

"Baka ibang magkaibigan 'yan." Brother Kalypso joined the conversation as he tried to shift the stress of that word.

Kalypso and Poli came inside the house without interrupting our conversation. Nandito na ang magkakapatid at mukhang ayos na rin si Poli at Laurice. They even hugged each other as a greeting just now.

Diyang tsk-ed so she caught everyone's attention. "Naku, si Kuya Kaloy, nakikisali sa tuksuan. Palibhasa nalamang hindi totoong kasal si Ate Sera at suportado na sa ugnayan nila ni Kuya Damon," tawa ni Diyang. "E, ikaw, Kuya? Kailan kayo ni. . ."

Hindi pa tapos ang sinasabi ni Diyang ay tumikhim na si Kalypso. "Kumain na tayo at aalis na si Laurice. Poli, alagaan mo 'yan sa Maynila at magtrabaho ka nang maayos doon." Nagawa pa nitong mangaral.

"Opo, Brother, kahit na iniba niyo ang usapan," sabay hagalpak nito kasama si Diyang.

Nagpatuloy ang asaran ng magkakapatid. Natigil na lang kami nang matapos na ang paghahain sa lamesa. Tahimik ang pagkain namin matapos magdasal. Nauna na rin akong lumabas dahil nag-volunteer si Poli at Laurice na sila na ang magliligpit ng pinagkainan. Bumalik naman si Kalypso sa simbahan habang si Diyang ay piniling makipaglaro kay Calley.

Ako naman, pinili kong maglakad-lakad nang bumaba na ang kinain ko, hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa Primavera Milagrosa.

Tiny droplets of water hanging in the air made the waterfalls more enticing. Kitang-kita ito ngayon sa sikat ng araw. Medyo sumisilip din ang imahen ng mahal na. . .

I stopped perusing Primavera Milagrosa when the imagery was blocked by a certain figure. At base sa katawan at tindig nito, kahit nakatalikod, ay nakilala ko si Damon.

Napakunot-noo ako. Pinagmasdan ko siya nang maigi at inabangan ang gagawing pagkilos. Nakalusong si Damon, kita ang kalahati ng katawan habang nakatayo at nakatitig sa pagbagsak ng tubig. Siguro ay marami siyang iniisip ngayon kaya naman naisipan niyang bumisita rito o baka naman may naalala siya? I wasn't sure about that so I let few minutes to pass while I was just scanning him.

Then I heaved a sigh as I surrendered. Napag-isip isip kong umalis na lang. I might disturb him if he noticed me in a while, so I decided to turn my back. But before I could, I gave a second look at. . .

Damon?

Umikot ang tingin ko sa paligid.

Nasaan na siya?

Ilang segundo pa lang naiwas ang tingin ko, bigla na lang siyang nawala. My brows creased when his figure turned invisible.

Hanggang sa napansin ko na lang na parang may nakalubong na tao sa ilalim ng tubig kung saan ko siya huling nakita!

My eyes widened as it continuously blinked with the thought of witnessing Damon in this state. Para akong pinagpawisan nang malamig nang nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. I couldn't think straight but I went straight towards him! I immediately ran and jumped as I felt the urgency to save him from drowning.

Mabilis akong nakalangoy papunta sa pwesto niya kahit na may kalamigan ang tubig dito. Mabilis ang paglangoy ko dahil sa nerbyos kaya medyo nalalagyan din ng tubig ang mga mata ko, idagdag mo pa ang matinding sikat ng araw dahilan para mapaningkit ang tingin ko sa gawi niya.

Nang marating ko si Damon ay mabilis kong kinapa ang katawan nita't iniangat gamit ang buo kong lakas. Medyo pumalag ito sa pagkakahawak ko at. . . .kusang tumayo?

Nagkatinginan kami at napaisip sa nangyari. Nakaramdam ako ng inis nang ma-realize kong hindi naman talaga siya nalulunod.

"Anong ginagawa mo rito?!" panimula ko.

"Ikaw, anong ginagawa mo?" Binalik lang sa akin ni Damon ang tanong.

I rolled my eyes as I assumed one thing. "Magpapakamatay ka ba?"

Damon gave me a grimace of disgust. "What?" He even chuckled. "Naliligo lang ako. Nagdasal kasi muna ako. . ." He was explaining himself when, suddenly, he stopped upon realizing something. Umangat ang sulok ng kanyang mga labi habang nakatingin sa akin gamit ang mapupungay niyang mata. "Ang bilis namang tuparin."

"Ha? Akala ko hindi ka naniniwala?" I asked, referring to his belief.

Damon gave me a short smile as he bobbed his head. "I'll be a hypocrite if I say I believe in miracles but I am just trying. Baka pending pa kasi sa Diyos yung request ko. . . pero mukhang okay na." Mas lumawag pa ang ngiti niya ngayon.

Pero hindi ko pa rin maintindihan. Alam kong may tinutukoy siya pero ayaw niyang sabihin nang diretso. "okay na ang alin?" I displayed annoyance because of that.

Pero tinawanan niya lang ako habang napapailing-iling pa. Nang mahimasmasan na siya ay diretso niya akong tiningnan saka nagsalita, "Tayo."

With what I heard, my right brow suddenly raised. So he was referring to that? "Ni hindi mo nga ako sinusuyo," I averred.

Damon jokingly pointed at himself before speaking, "I am giving you time to process and contemplate about your emotions. Baka masyadong maaga kung kukulitin agad kita, unless na-miss mo ako." Nagawa niya pang magbiro.

"Silly," I responded as I lost words to speak. Hindi ko rin alam kung paano pa dedepensahan ang sarili ko roon, kasi oo, medyo hinanap ko siya dahil araw-araw kaming nagkakausap simula nang maging malapit kami't naging magkaibigan.

"Seriously," he affirmed in his own statement. "I know you are a grown woman. You have your ways of dealing with things, thoughts, and emotions- so I am letting you have some space," he explained further.

Natahimik naman ako roon at naisip na tama naman siya at ang ginawa niya. Hindi ko rin nga siya makakausap nang maayos kung hindi ko pa naipapahinga ang sarili ko sa mga nangyari ng mga nakaraang araw.

Damon cleared his throat to break the silence he offered me. "So are we okay?"

I just hummed as a response.

Then he smiled, realizing what that meant. "Thank you for forgiving me, Sera. This means so to me. I won't ever break your trust or disrespect you. I will try harder not to cause any pain or trouble." He gave me an assurance that it sounded like a vow or a finality that I already forgave him.

Still feeling slightly dissatisfied, I jokingly rolled my eyes. "Wala man lang suyo?!" I feel grateful with what he just said but I suddenly questioned myself for forgiving him that instant. Hindi ko man lang siya pinag-effort.

At imbis nga na saktan niya ang sinabi ko ngayon ay tinawanan lang ako nito saka niyakap. "Sorry na," sabi niya pa.

Cherry-picked PitfallWhere stories live. Discover now