Chapter V

109 15 15
                                    


THE GRAYSCALE EFFECT of night after a post light struck into the living room's window. The dry feeling of a cold breeze brushing through my bare skin. My eyes roamed around the whole mess with somberness. Nakakalat sa sahig ang mga gamit na wala sa sarili kong hinagis mula sa pagwawala para labasin ako ni Caleb mula sa kwarto ni Calley kung saan siya nagkulong.

Dama ko ang lamig ng sahig sa lalim ng gabi kaya hindi ko naiwasang mapayakap sa mga tuhod ko habang sumisinghot matapos ang ilang oras na pag-iyak. I breathed out as I shifted my position to rest my head on the sofa, still hugging myself in forlorn.

I had always thought that marriage has magic to fix every mistake or shortcoming in your relationship but I was wrong. . . It's just a permit where you both could walk through all those problems together.

It's like a promise that one should not forget. It's like a promise that should never be broken.

Nilingon ko ulit ang pintong hindi pa rin bumubukas matapos ang apat na oras kong paghihintay. Mukhang nakatulog na talaga si Caleb dahil alas dose na rin ng gabi. Karaniwan sa mga oeas na 'to ay humihilik siya habang nakayakap sa 'kin - pero hindi sa puntong 'to.

Hindi nakasara ang pintong 'yon pero ugali naming hindi umabot sa puntong lumalampas na kami sa limitasyon kahit mag-asawa na kami. We both valued personal space and private matters.

Pero hindi sa puntong 'to. I sighed once again before deciding to stand up the moment I gave up. Mabilis akong dumiretso sa pinto ng kwarto ni Calley at dahan-dahang pinihit ang door knob para pumasok nang tahimik. I went to her closet, and grabbed a ready-to-go emergency luggage I've prepared since then and her personal backpack full of important stuff for Calley. Habang bitbit ang mga 'yon ay sinilip ko muna si Calley na mahimbing na natutulog. Kaya hindi ako nahirapang buhatin siya na pinipigilan na makabuo ng kahit na anong tunog para hindi magising si Caleb na nasa hindi kalayuan, natutulog sa kama.

Just bringing Calley, her things, and my phone - I walked out of our unit, sobbing as I tried to be firm with what I was doing. Pakiramdam ko mauubusan ako sa pagpipigil ng hininga pero nang makalabas ako, hindi ko alam kung bakit parang mas sumikip ang dibdib ko.

Sa kabila noon, hindi ko magawang umatras o lumingon man lang sa pinto. Hindi ko naisip na bumalik kahit na sa desisyon na 'to, wala ng Caleb na bubungad sa 'kin sa araw-araw. This decision seemed so easy when it struck your head but doing it, you will feel lost when you found yourself halfway.

"Dito! Dito mo ilagay, Bow."

"Dito?" Mabilis na inayos ni Caleb ang picture frame na ipupwesto namin sa receiving area. Nang makabit niya 'yon, nilingon niya ako kaya naman bumungad sa 'kin ang ngiti niyang abot sa mga mata. And I found it charming.

My heart suddenly fluttered so I ran and jumped on him. Alam kong nagulat siya pero sinalo niya pa rin ako at inalalayan na hindi mahulog. He even spinned to affirm my playfulness and I giggled as he did that. Nang matigil siya ay parehas na kaming naghahabol ng hininga pero hindi niya pa rin ako binibitawan.

I tapped his shoulder. "Bow, pwede mo na akong bitawan," I suggested though I loved being carried by him.

I suddenly felt him shaking his head as he hummed. "Sinong nagsabing bibitawan kita?" He chuckled.

"Baka napapagod ka na. Kanina ka pa may ginagawa. You want to eat first?"

Imbis na sagutin niya ako ay lumakad siya papunta sa sofa. Caleb shifted my position into a bridal lift then he sat carefully. "Mopsy," he called me in a serious tone using his caring baritone voice. "Let's stay this way forever," he continued.

"SIGURADO KA, SERA?" Laurice's brows stayed up as she questioned my decision. "Baka naman mas lalo lang masira ang relasyon niyo, ha?! I mean, okay naiinis ako kay Caleb at dapat magbago na siya, kailangan niyang matauhan sa mga ginagawa niyang kalokohan pero aabot ba talaga sa ganito na bigla ka na lang lalabas ng madaling araw at dala-dala ang anak mo pati gamit niya?! Nasisiraan ka na rin ba ng bait?!"

"Hindi space ang kailangan ko, Laurice. Hindi ko hinihingi ang kaunting panahon para lumayo sa kaniya," pagtama ko.

Buhad ang anak ko, nandito ako ngayon sa isang 24/7 coffee shop para makipagkita sa taong pinagkakatiwalaan ko, si Laurice 'yon.

Laurice sighed. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib matapos marinig ang sinabi ko. "Buti naman," sabi pa niya saka uminom ng in-order niyang kape.

"Gusto ko nang iwan si Caleb. Lalayo na ako at kapag nakapagdesisyon ako, kung magiging okay naman kami ni Calley na wala siya, magfa-file ako ng annulment," I confirmed.

Nakita ko kung paano manlaki ang mga mata ni Laurice at mabilis na iniabot sa akin ang kape na iniinom niya. "Baka gusto mo lang kabahan sa mga sinasabi mo, Sera. Uminom ka nga ng kape," she reacted. I couldn't blaim her. Maaaring alam ni Laurice ang problema ko, maaaring kilala niya ako, pero hindi siya ang nakakaranas ng nararamdaman ko kaya maiintindihan kong magiging tutol siya sa mga sasabihin ko.

"Alam mo ba ang isinusugal mo sa pakikipaghiwalay? May parte ni Calley ang mawawala, hindi siya lalaking may tatay. Gusto mo ba siyang bigyan ng broken family? Sera, alam kong mahirap pero naiisip mo ba yung magiging resulta nito kay Calley? Hindi na lang 'to tungkol sa 'yo, may anak na kayo!" sermon ni Laurice. I just smiled because I understood and I knew where she was coming from.

Napatingin ako kay Calley na nasa kandungan ko. Mahimbing pa rin ang tulog niya at paminsan-minsan na humihilig ang ulo papunta sa 'kin para yumakap kapag nagagalaw siya. Napangiti ako sa anghel na hawak-hawak ko. "Natural, Laurice, iniisip ko ang anak ko," mahina kong tugon habang nakatingin lang kay Calley. Halong emosyon, napangiti ako pero naluluhang hinimas ang kamay ng anak ko. Halos nakayukom iyon kaya nang ipasok ko ang hinlalaki ko sa pagitan ng mga daliri niya ay nagmukhang siya ang nakahawak sa 'kin.

"Kung hindi naman dahil sa anak ko, hindi ako aalis. Ayaw kong makita niyang araw-araw na winawasak namin ni Caleb ang binuo ni Calley na pamilya. Ayaw kong makita niyang gumuguho ang buhay niya dahil nauubos kami sa pagpapalaki sa kanya. I never wanted to leave such trauma in my daughter's life. Kaya kung may bagay man akong inisip bago ko gawin ang lahat ng 'to, si Calley 'yon. Kasi kung ako lang 'to, paulit-ulit ko lang hahayaan ang ginagawa ni Caleb, hahayaan ko lang na gawin niya 'yon habang minamahal ko pa rin siya." I looked at Laurice after delivering my response. "Kaya oo, hindi na lang para sa akin ang mga desisyong ginagawa ko, para na rin 'yon kay Calley kasi siya ang buhay ko." Then I smiled as tears fell down my cheeks.

Laurice leaned forward as she tapped my arm, continuously nodding to comfort me. "Sige, Sera. If that's your decision, I will support you. So what help do you need now?" She sounded genuinely concerned and I appreciated that.

I sighed after I thought of my final decision, which I hoped to pay off in the nearest possible future.

"I need a place to stay - no trace of Caleb, and least possible for him to find me for the longest time also."

Cherry-picked PitfallWhere stories live. Discover now